Chapter 2

106 10 0
                                    

nagpapraktis ang mag babarkada para sa kanilang caroling, sa disperas ng pasko.

"hahahahaha" tawa ni Yuna at Ylona bahang pinapanood sumayaw ang mga kaibigan nilang bigay na bigay. Si Tori, Hugh, Mortimer, Malcolm, August, Ethan at Luke ang mga nasa harap dahil sa galing nila sumayaw at nasa likod naman sila Quentin, Enoch, Irving, Casper, Sidney, Reginald, Godfrey at Hillary at Dart sa likod na hindi ganun kagagaling kumendeng pero bawing bawi sa ganda ng boses.

Nanonood si Alyster, Nyx, Icarus, Orville, Cornelius, Lyle, at Achilles sa kanila habang giliw na giliw.

"Multi talented si Luke" saad ni Icarus "kala ko magaling lang sya kumanta at mag tugtog ng instruments"

"mmn" saad ni Nyx bilang pag sang-ayon.

"sinasali din sya minsan sa theatre sa school pag kulan sila ng mga gaganap..." saad ni Alyster

"Weh?" takang tanong ni Lyle. "bat di sya mag artista?"

"hahaha" biglang tumawa si Alyster "kulang sya sa passion, mabilis mag sawa, at hindi marunong mag focus. Hindi sya tatagal sa showbiz industry. And he has this attitude na pag galit sya damay damay na. He can't control that"

"hhmmn. Sabagay pag nasa TV ka kailangan mukha kang perpekto" saad ni Achilles "at isa sa kanila walang pwedeng mag artista" dagdag nya

"indeed" sabay sabay nilang sabi.

"barubal sumagot" - Lyle

"dugyot" - Cornelius

"maangas" - Achilles

"trouble makers" - Nyx

"Slow" - Icarus

"babaero" - Orville

"mga pala mura" - Lyle

"mainitin ang ulo" - Achilles

Tawa ng tawa sila Yuna , Alyster at Ylona sa mga naririnig mula sa mga leaders at ni Nyx sa kung paano nila i-describe ang mga kaibigan

"Okay na ba?" tanong ni Tori na nag hahabol ng hininga matapos sumayaw.

"oo maganda" sigaw ni Yuna

"Isa pa! Kukuhaan ko ng Video. Huling practice" saad ni Achilles na nag labas ng phone. Pagtapos ay in-upload sa kanyang facebook after ng huling sayaw.

"Ready na para mamaya!" masayang sabi nila Dart at Luke.

"walang mahuhuli mamaya! Kakaltukan ang late" sigaw ni Tori

Umuwi muna ang lahat at nag planong mag kikita sa subdivision na pag aari nila Alyster para doon mangaroling dahil iyon ang pinaka malawak at alam nila na dun sila makakapasko ng marami.

💀💀💀💀💀💀

6 PM, sunod sunod na dumating sila sa tapat ng bahay ni Alyster.

"kompleto na ba ang lahat?" tanong ni Irving

"yup" saad ni Hillary na muling tinignan kung mga kaibigan. "oo kompleto na. Doorbell ka na pre"

Pinindot ni Irving ang doorbell sa gate ng bahay nila Alyster. Lumipas ang ilang minuto ay walang nag bukas ng pinto.

"may tao ba?" tanong ni Quentin

"oo andyan sya. Bukas ang ilaw eh" saad ni Luke kaya muling pinindot ni Irving ng sunod sunod ang doorbell. Ngunit wala pa din. Lumapit si Luke at binuksan ang gate kaya pumasok sila. Hindi nya mabuksan ang doorknob dahil naka lock ito. Kinuha nya ang susi sa kanyang wallet kaya nabuksan nya ito.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon