Chapter 33

66 5 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

"oh anyare sayo?" tanong ni Achilles nang makita si Icarus na may sugat ang labi.

"wala. Nakagat ko kagabi" katwiran ni Icarus na hinawakan pa ang labi.

Sa unang pagkakataon ay pinagbuhatan sya ng kamay ng kanyang ama. Nalagpasan nya nga ang mga kamao ni Alyster dahil pinaglagpas sya nito ngunit nahagip naman sya ng kanyang papa. Sinabi nya ang dahilan ng kanyang pag-alis, naunawaan nila ngunit hindi pa din maaalis na nagkamali sya. Hindi sya umuwi sa mismong kaarawan ng kanyang ina. Kinalimutan nya din ito. Nag usap sila ni Alyster kagabi... Isang simpleng pag uusap. Tinanong sya kung bakit hindi sya umuwi at saan sya galing. Sinabi nya ang totoong dahilan.

"bakit wala ka sa sarili mo boss?" tanong ni Dart kay Icarus na ikinagulat nito dahil ganyang ganyan din ang tanong ni Alyster sa kanya bago sya umuwi kagabi. Tanong na hindi nya masagot.

"hindi naman aah" sabi ni Icarus

"oh andyan na si ate Nyx! So Kuya Alyster na lang talaga ang wala pano ba yan sya yung Huling dumating!" sabi ni Angel

"wag kang pakasigurado. Ayun oh tumatakbo na sya!" sabi ni Reginald

"ATE NYX BILIS! ANDYAN NA SI KUYA ALYSTER!" sigaw ni Yuna

Mabilis na lumingon si Nyx sa likod nya at nakita nya ang kaibigan na matuling tumatakbo. Automatic na nilakihan nya ang mga hakbang at sinimulang tumakbo na din.

"bileeeess!" sigaw ni Godfrey kay Nyx inilahad ni Icarus ang kamay nya upang maabot si Nyx.

Dahil sa bilis ni Alyster sa pagtakbo ay nakatapat na nya si Nyx. Kinuha niya ang kamay ni Icarus kaya nahatak sya nito.

"HAHAHAHAHAHAH" malakas na tawa ni Tori "kakanta sya!" pang aasar nito dahil sa pustahan nila. At dahil nahuli si Alyster ay sya ang kakanta

"tara! Saan tayo kakain?" tanong nila

"kahit saan" saad ni Hemera

"mag mang inasal tayo para Unli rice nagugutom na talaga ako. After ng nakakapagod na trabaho at school load" reklamo ni Angel.

"hahahaha may naalala ako bigla" natawang sabi ni Sidney

"share mo para matawa din kami at may silbi ang paghinga mo pre" saad ni Hugh

"gagi ka. Nung nakaraan kase after school tapos kumain kami sa mang inasal na nasa loob ng compound ng university. Na banned na kami dun." sabi ni Sidney.

"HAHAHAHAH panong di ma ba-banned ikaw ba naman makatatlong balde ng kanin. Di na kaya nakaalis si kuyang kanin sa mesa naming Apat. Grabe. Naka tatlong kanin lang ako nun pero si Orville shem. SHEM talaga. Kaya ayun may poster na mga restaurant sa school with unli na bawal na pumasok si Orville" saad ni Reginald 

"luging luging lugi talaga sila" saad ni Godfrey na  naaawa sa mga may ari ng mga nakainan nila.

Napansin ni Serendipity ang bag nadala ni Orville. Puno ito ng pagkain at simulang mag kita sila kanina ay walang tigil ang bibig nito sa pagkain kaya nag tanong sya "hindi ka ba naiimpatso?" tanong ni Serendipity kay Orville na umiling lang dahil hindi sya makapag salita pagkat puno ng tinapay ang bibig.

"palakas ng palakas sya kumain nitong mga nakaraang buwan tapos puro tulog tapos mabilis pa syang nang hihina. nung nakaraan nga di sya pumasok eh sabi ni mama nya natulog lang daw sya buong maghapon. Sobrang pagod na pagod daw kaya hindi na nila pinilit na pumasok" saad ni Sidney habang pinagmamasdan ang paglalakad ni Orville, limang hakbang ang layo mula sa kanila.

Naririnig ni Alyster ang usapan ng mga kaibigan. Napatingin sya kay Orville na nasa unahan niya lamang na tatlong hakbang ang layo sa kanya. Para sa kanya si Orville ang pinaka misteryoso sa kanilang lahat. Hindi ito nagkukwento nang tungkol sa kanyang sarili. Kakaiba din magsalita si Orville, yung tila alam na nya kung ano yung mga nangyayare at mangyayare pa lamang. At alam nyang hindi tao si Orville. 'He's not human' saad sa isip ni Alyster ngunit ang mas ipinagtataka nya ay ang kanyang sarili. Bakit hindi sya nagulat? Bakit hindi sya takot? Bakit hindi sya nag dududa kay Orville? Bakit pinagkakatiwalaan nya pa din ito? At higit sa lahat bakit parang alam nya na yung totoo matagal na matagal na, parang matagal na silang magkakilala ni Orville? Sobrang tagal na.
Natigilan sya ng lumingon si Orville sa kanya at nagtama ang kanilang paningin. Ngumisi lamang ito. Lumapit ito sa kanya at hinarap sya.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon