Chapter 21

49 7 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

after kumain ni Carlo ay dinala sya ni Ethan sa banyo. "Maligo ka huh. Start ka nang mag trabaho ngayon..."

"wala akong damit" sagot ni Carlo

"huh! Basta maligo ka kami na bahala dun!! Ang baho mo!" sabi ni Ethan na tinulak ang bata sa loob ng CR at sinara ang pinto

"WAAAAAH!!" sigaw ni Carlo sa loob kaya binuksan ulit ni Ethan ang pinto

"anong nangyare!?" nag aalalang tanong ni Ethan.

"may shower! Ang ganda! Ang astig!" sigaw ng bata

Sinara ni Ethan ang pinto bago humalakhak ng tawa "hahahahahaha"

"para kang tanga pre" saad ni Hillary nang makita si Ethan na halos maubusan ng hangin kakatawa.

"hahaha Pasensya na! Haha ang sakit ng tiyan ko!" tawa ni Ethan "yung mukha kase nya eh priceless! Haha"

"Bumili ka na dun ng damit ng bata" saad ni Alyster na hawak hawak ang kutsilyo para magbalat ng saging na lulutuin ni Yuna para gawing banana Q.

"opo Sir ito na" saad ni Ethan ng mahimasmasan.

"sigurado ka bang okay lang na lumabas ka ngayon?" tanong ni Hillary na naglalagay ng hinog na langka sa saging bago babalutin sa lumpia wrapper.

"Yeah... Nag paalam ako so No problem. Ikaw paano yung OJT mo?" tanong ni Alyster kay Hillary

"bukas pa ako papasok sa OJT whole day, turuan mo nga pala ako about sa motivation theories. Nalilito ako eh" sabi ni Hillary

"Gen psych?" tanong ni Alyster

"Mn" tumango si Hillary

"okay... Sa bahay ka na matulog so I can teach you properly" saad ni Alyster na nakangiti

"hulog ka talaga ng langit Boss" saad ni Hillary

'at tumigil ang mundo... Nang ako'y ituro mo...'

binuksan ni Ylona ang speaker para patugtugin ang playlist nya.

"ang ganda talaga ng boses ni Moira..." saad ni Hillary

"mn" - Alyster

"aaaah!  Ang lamig!" rinig na sigaw ni Carlo sa loob ng banyo kaya nag tawanan si Alyster at Hillary

"ano? Ganyan na lang ba tayo lagi? Ako na lang ba laging magpapakumbaba? Ako na lang ba ang laging aamo sayo at mag sasabi ng sorry? Era naman... Nakakasawa din..." saad ni Leon nang pumasok sila ni Hemera sa loob ng kusina.

"Nagsasawa ka na sa ugali ko? So ano makikipag hiwalay ka na? Sige! Marami naman kaseng lumalapit sayo kaya walang problema kayang kaya mo akong palitan anytime!" pag tataas ng boses ni Hemera dahil sa galit.

Nagulat si Alyster at Hillary sa pag pasok ng dalawa.

"saan mo ba kase nakukuha ang mga ganyang Idea? Kung mag hihiwalay tayo hindi yun ang magiging dahilan..." pinanatili ni Leon ang pagiging kalmado "kahit sino pang babae ang maghubad sa harap ko hinding hindi ko papatulan. Higit sa lahat ng tao dito ikaw dapat ang nakakaalam nyan. Mahal kita Era pero wag mo namang abusuhin... Minsan nakakapagod kang mahalin dahil sa pagiging tupakin at spoiled brat mo... Hindi ba pwede na baguhin mo yung ugaling mong yan?" tanong ni Leon

"nakilala mo akong ganito pwes mahalin mo ako sa kung ano ako! Kahit gaano pa kasama yung ugali ng mahal mo tatanggapin mo yun! Accept me of who I am!" sigaw ni Hemera 

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon