Chapter 13

58 4 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nasa isang malaking mall si Alyster upang mag hanap ng singsing as wedding ring para sa kasal bukas. Ilang accessory shop na din ang napuntahan nya ngunit wala syang makitang maganda sa paningin nya.

'kung kami ni Nyx ang magpapakasal anong gusto kong design ng wedding ring namin?' tanong sa isip ni Alyster habang nakatanaw sa mga white gold wedding rings.

"Alyster?"

Lumingon si Alyster sa kanyang likuran ng marinig nya ang kanyang pangalan. "Haya?" ngumiti si Alyster

"anong ginagawa mo dito?" tanong ni Hyacinth out of curiosity

"bibili ng wedding ring" sabi ni Alyster

"excuse me?" nagtatakang tanong ni Hyacinth

"ah! Hindi sa akin. Pinabili sa akin ni Attorney... Bukas na ang kasal nila ni Tita pero wala pa din silang Wedding ring"  paliwanag ni Alyster

"akala ko ikakasal ka na eh" sabi ni Hyacinth na lumapit upang tignan ang mga displays na singsing

Kinuha ni Alyster ang mga dalang paper bag ni Hyacinth "galing ka pa lang national Book store? Ang busy mo ah"

"thank you... Oo sobra ewan ko ba sa inyo at nagagawa nyo pang mag kakaibigan na mag sama sama... Ate pwedeng patingin nito?" saad ni Hyacinth

inabot sa kanya ng babae ang singsing na simple lamang ang design

"oh. Hindi ko yan napansin." sabi ni Alyster "ang talas ng mata mo..." bahagyang lumapit si Alyster kay Hyacinth

"simple lang di ba?" saad ni Hyacinth.

Simpleng gold wedding ring na may maiilit na diamond na nakabaon sa gitna nito.

"that is 24k gold and 24k diamond po iyan ma'am... Bagay po yan sa wedding na sinasabi ni sir. Malamang po ay magugustuhan iyan ng groom and bride" sabi ng sale's lady "pwede nyo pong sukatin"

Kinuha ni Alyster sa kamay ni Hyacinth ang singsing at sinukat ito sa dalaga.

"oy anong ginagawa mo?" pilit na kinukuha ni Hyacinth ang kanyang kamay ngunit masyadong malakas si Alyster para sa kanya. Naramdaman nya ang malaking kamay ni Alyster na nakahawak sa mga kamay nya. 'anong nangyayare?' tanong ni Hyacinth ng maramdaman ang pag init ng kanyang mukha at mabilis na tibok ng puso nya habang pinagmasdan ang mukha ni Alyster na nakatingin sa mga kamay nya. Nararamdaman nya din ang marahang pagpisil ni Alyster sa mga kamay nya. Pakiramdam nya na ligtas sya mga hawak na yun.

"Haya..." tawag sa kanya ni Alyster

"b-bakit?" tanong ni Hyacinth

"isuot mo sa akin yung isa pang singsing" sabi ni Alyster

Kinuha ni Hyacinth ang isa pa at sinuot nya ito sa lalaki. Ngumiti ni Alyster ng malaki "ayan na" sabi ni Hyacinth

Tumayo si Alyster sa likod ni Hyacinth at kinuha ang kamay nya upang ipakita sa Sales lady. "bagay po ba?" tanong ni Alyster

"yes sir bagay na bagay po" sabi ng sales lady na kinikilig sa kanilang dalawa

Mas bumilis ang tibok ng puso ni Hyacinth ng ipag cross ni Alyster ang kanilang kaliwang kamay at inilapit ang mukha nya dito. Naiilang si Hyacinth sa position nilang dalawa ni Alyster.

"ang cute ng couple na yun oh..."

"waaah sana all..."

"bagay sila"

"ang gwapo ng guy siomai"

"gusto ko din ng ganyan"

Naririnig na usapan ni Hyacinth mula sa labas ng store.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon