Chapter 35

59 8 1
                                    

Chapter 35

ALYSTER'S POV

Pinagbuksan ako ni Hyacinth ng gate na ikinagulat nya pang ako ang nasa harap nya nang ganito kaaga, her hair is wet, kakaligo nya lang siguro. "Alyster?..." saad nya.

"He's here right?" tanong ko sa kanya. Hindi na ako humingi ng permiso niya para pumasok kusa kong hinakbang ang aking mga paa. Humarang sya sa daan ko para pigilan ako.

"sinong hinahanap mo? Alam mo naman ako lang ang nakatira dito di ba?" saad ni Hyacinth

Pansamantala ko syang pinagmasdan. Nang hindi nya kinaya ang pag titig sa akin ay tumingin sya sa ibang direksyon. Alam nya kung sino ang tinutukoy ko.

"bakit ka pa ba bumalik dito?" tanong ko sa kanya

"huh?... I told you before gusto ko dito mag-aral" katwiran nya

"nah... 3 years ago Hyacinth. Nag usap tayo ng matino. Pumayag ka sa kundisyon. Naki-usap ako sayo na huwag ka nang bumalik... At wag kang magpapakita kay Icarus. Binalaan kita nung huling kita natin sa Hospital... I make you fall for me Hyacinth para hindi mo na magawa yung kasalanang ito... You leave me no choice but to fight dirty. Gaya nang ginawa mo ngayon... She's kind hindi nya dapat nararamdaman ang ganitong sakit" sabi ko sa kanya

"so ako? Pano ako? Karapatan ko bang masaktan?... Gusto ko lang naman bawiin kung anong akin ah!" Sigaw ni Hyacinth

"Icarus is no one's possession" sabi ko

"No! From the start he's mine! Aries is mine and mine alone!" - Hyacinth

"Icarus is not Aries and he will never be him kahit anong gawin mo" saad ko. Iniwasan ko sya para tuluyan akong makapasok sa loob ng bahay.

"please don't do this, Alyster." pag mamakaawa ni Hyacinth

Pero hindi ko na sya pinakinggan sa halip ay dumiretso ako ng hakbang paakyat sa kwarto nya. I saw him lying on Hyacinth's bed. Naked. 
And because of that, wala akong mahawakan sa kanya kundi ang buhok nya na lang. Kinaladkad ko sya pababa ng kama na ikinagulat nya.

"Aw Sh*t!" sigaw nya "AAARRG!!" nag pumiglas sya ngunit mas hinigpitan ko ang hawak sa buhok nya. Pinulot ko yung damit ni Icarus na nakakalat sa sahig nang madaanan ko ito. Lumabas kami ng kwarto. Hila-hila ko pa din sya kahit pababa kami ng hagdan. Wala akong paki alam kung nakahubad sya o nasasaktan sya sa ginagawa ko. This is nothing compared to what he said to Nyx yesterday. Sumisigaw sya sa sakit. Alam kong may hang-over pa sya.

"Alyster!! Bitiwan mo sya! Nasasaktan ni Icarus!" pinagpapalo ako ni Hyacinth sa mukha pero hinarang ko ang braso ko na may hawak na damit ni Icarus kaya hindi ako nasasaktan. Patuloy lang ako sa pag lalakad hanggang makarating ako ng banyo. Pagbukas ko ng pinto ng banyo ay inatya ko siya papasok. Binuksan ko ang shower, kinuha ko iyon para itutok sa mukha ni Icarus.

"haaaa! Ano ba!! Aaa!! Hindi ako makahinga!!!" reklamo nya pero hindi ako nakinig. Umubo sya ng umubo dahil nakalunok sya ng tubig o baka pumasok sa ilong na iyon. Nang makita kong basang basa na sya ay pinatay ko ang shower saka hinagis sa mukha yung damit nya.

"magbihis ka. Mag uusap tayo" I said with a cold voice while glaring at him and looking down at him. Napangisi na lang ako ng nakita ko ang mga kiss marks na nagkalat sa katawan nya.

Lumabas ako ng banyo. Nakatayo si Hyacinth sa harap ko, galit ang mga matang nakatingin sa akin. Like hell I care. Isang sampal ang dumampi sa pisngi ko kaya muling dumugo yung sugat sa aking labi na sinuntok kanina ni Luke.

"what are you doing? Huh?... HUH?!... ako ba yung gusto mo? Ganun ka ba kapatay na patay sa akin to the extent na gagawin mo to sa sarili mong kaibigan? Hindi mo ba nakikita Alyster? Hindi kita gusto! At first nalito ako dahil sa bait mo and you make me feel so special. Pero Alyster si Icarus yung mahal ko... So tumigil ka na!" sabi ni Hyacinth

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon