Chapter 43

70 7 3
                                    

THIRD PERSON'S POV

HABANG nakasakay sa jeep si Quentin ay naglalaro sya ng mobile legend.

"Rank game pre?" tanong ni Hugh

"mn" tumango lang si Quentin

"oooh..." sabi ni Hugh na humahanga sa galing ng kaibigan sa paglaro habang pinapanood ito. "anong cellphone gamit mo?" tanong niya ulit

"yung zenfone max pro" sagot ni Quentin

"what? Bumili ka na naman ng bago?" tanong ni Mortimer

"hindi bigay to ni mama... Alam nya kase na gusto ko ng game phone... Tch. Wag nyo na ako kausapin ang dami nyong tanong" naiinis na sabi ni Quentin

"anong rank mo na?" tanong ulit ni Mortimer na iniinis si Quentin

"Mythical glory !! Tanong ng tanong eh!! Rank 1 sa local server! Rank 3 sa global!! Si Kagura yung best pick ko na hero!!  Lagi akong nakakaMVP!  Ano pa pre? Ano pa?!!" pagtataas ng boses ni Quentin na halatang gigil na gigil na sa mga kasama. "AAAAAH!!! namatay na ako! Epal kase eh! Pampam!" galit na galit na sabi ni Quentin

"pfft! Hahaha" tawang tawa si Hugh ng mag snap si Quentin sa gigil sa kanila.

"bayad po." sabi ng ale na nag abot ng bente

Sinuntok muna ni Quentin yung hita ni Hugh bago inabot ang bayad at binigay sa driver. "bayad daw. Ang init init na nga nang aasar pa eh!"

"hahaha! Wag ka ng magalit! Dali na paypayan na lang kita!" inilabas ni Mortimer ang pamaypay nya at dahil pawis na din ay inilabas nya ang panyo at pinunasan ang sariling pawis.

"oh!" mabilis na sinagot ni Quentin ang tawag ni Yuna kahit nasa rank game pa sya pero wala syang pakialam at kitang kita pa din ang laki ng ngiti ng makita ang pangalan ng dalaga sa screen. "hello" sagot nya

[Hi Quen busy ka ba?] tanong ni Yuna

"huh? Busy? Hindi naman hehehe... Bakit?" - Quentin

Inilapit ni Hugh ang kanyang bibig sa phone ni Quentin "nagra rank game sya Yuna!"

"tahimik" sinamaan ni Quentin ng tingin ang kaibigan.

"lah. Takot ba ako sayo!?" tanong ni Hugh

[hala sorry!] sabi ni Yuna

"hindi okay lang! Rank game lang naman yun eh madali lang bawiin yung stars na mawawala sa akin. Baka si Quentin ang kausap mo" saad niya

[haaay ang yabang sige na alam ko namang magaling ka... Samahan mo ako later pagpauwi ka na ha! Bibili ako ng mga ingredients. Gagawa ako ng chocolate para sa final exam namin. Tulungan mo din ako! Magaling ka mag drawin eh. Di ko alam kung anong design ang gagawin ko kaya tulungan mo ako Quen!] sabi ni Yuna

"sige anong oras? Mamayang 3:30 yung uwi ko. Magkita na lang tayo dun sa shop na binilihan mo o susunduin kita sa inyo?" tanong ni Quentin

[nasa school ako. Puntahan na lang kita mamaya sa room nyo haaa? Bye bye!] - Yuna

"okay bye" nawala na sa linya si Yuna ngunit yung ngiti ni Quentin ay nananatili pa din sa kanyang labi.

"boom! Report!" sabi ni Mortimer

"hmn? Walang mag rereport sa akin. Hindi nila ako kayang ireport dahil kailangan nila ako sa ranking nila" sabi ni Quentin na muling bumalik sa laro ng muling mag connect ang Wi-Fi sa phone.

Nagkatinginan lang si Mortimer at Hugh na napangisi na lang dahil alam nilang totoo yun dahil pag sila ang naglalaro at ka team nila si Quentin ay aminado silang Ito ang bumubuhat sa kanila.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon