Chapter 59

48 3 1
                                    

EPILOGUE

ORVILLE'S POV

"Pa! How do I look?" He asked me while wearing his suit

"Hmmmn... You look awesome. But you need to fix your bow tie" tinuro ko ang pulang bow tie na medyo naka tagilid.

Mabilis syang tumakbo papunta sa salamin at inayos iyon. Muli syang humarap sa akin kaya nag thumbs up ako.

"Desir Hope!" Sigaw ni Ylona na hinahanap ang anak naming dalawa.

"Here!" Sigaw nya din

"Where are you? Mali-late na tayo sa simbahan Love!" - Ylona

"Pababa na po ma" muling inayos ni Desir ang kanyang buhok sa salamin.

"Gwapo ka na" nakangiti Kong sabi habang pinag mamasdan sya.

"Syempre mana ako sayo eh. Tara na Pa. Mali-late na daw tayo" mabilis syang tumakbo palabas habang ako ay nakasunod lang sa kanya.

Pitong taon na ang nakakalipas. Ang bilis ng panahon parang kahapon lang nangyare ang lahat.

Yung nakasakay kami sa kotse ni Hemera.

Tatlong oras nag labor ni Ylona bago tuluyang pumutok ang kanyang panubigan. Nasa tabi nya lamang ako habang nahihirapan sa pag ire.

Until we both heard our son's cry. It makes us happy.

Lalo na ako. Sa unang pag kakataon natutunan Kong umiyak habang pinakikinggan ang mga iyak na iyon mula sa aking anak. Sa sarili kong dugo.

Ramdam ko pa ang init na nag mumula sa akong puso habang pinag mamasdan ang mag ina ko.

Even the heaven sing and the hell screamed. Both of the embodiment of good and evil rejoice. And so am I.

I named him Desir Hope.

Simply as he is my desired hope.

And now seven years had past. Kasabay ng pag laki nya ay ang pagbabago din sa barkadahan. Isa isa na silang kinakasal.

Iilan na lang sa barkada ang hindi pa kinakasal. Si Nyx, Alyster, Icarus, Achilles, Lyle, Malcolm, Hillary, Ethan at Angel.

But today mababawasan ang bilang nilang lima.

Lumapit si Alyster kay Icarus "Kinakabahan ka ba? Relax lang hahahaha" tinapik nya pa ang balikat ni Icarus.

"Pffft hahahaha" natatawa ako habang pinapanood nila. Lahat sila ay bakas sa mukha ang kaba.

Kasama lagi ni Icarus si Alyster sa mga Plano nya tungkol sa kasal. Mula sa theme, sa damit, sa venue, sa mga invitations, souvenirs, pati sa simbahan nagaganapan ng kasal.

Natatawa na Lang ako dahil akala mo ay silang dalawa ang ikakasal ngayong araw. They come up with this romantic starry night theme.

"Ano na par? Kamusta?" Bulong ni Casper kay Cornelius.

"Okay na. Kalma baka mahalaga tayo" bulong nya pabalik.

"Nasaan na si ate Nyx?" Bulong ni Angel kay Ethan na katabi nya

"Hmn... Papunta na yun malamang" bulong ni Ethan kay Angel.

"Na eexcite ako sa surprise na to" tinapik tapik pa ni Hemera ang kanyang dibdib dahil sa kaba.

"For 7 years... This is the first time na mag kikita ulit silang dalawa..." Saad ni Yuna.

"Ssssshhh... Hinaan nyo boses nyo baka marinig kayo" bulong ni Enoch "masasayang yung surprise"

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon