Chapter 42

79 7 4
                                    

ALYSTER'S POV

MAAGA akong gumising upang pumasok dahil 7 am ang meeting. I checked my flashdrive sa bag and it's here. Good. Now I'm off. 5:30 na ayaw kong mahuli dahil kailangan pang mag prepare. Okay I need to go. I need to go.

Kinuha ko ang susi ng motor at ang helmet pati na rin ang bag. Patakbo akong lumabas ng bahay ngunit sinigurado ko muna na may pagkain ang mga alaga ko.

"Kuya! Good morning!" isang boses ng batang lalaki ang narinig ko mula sa aking likuran ng sinara ko ang gate. Napalingon ako.

"Marius? Ang aga mo ah. Good morning" bati ko sa kanya na nasa loob ng sasakyan.

"yow!" bati ni Luke na syang may hawak ng manubela.

"good morning po kuya Alyster" bati ni Zoe na katabi ni Marius sa backseat

Lumapit ako sa sasakyan "Good morning Zoe... Bakit ang aga nyo?"

"sumabay po kami kay Kuya Luke. Baka po kase hindi kami mahatid ni Papa mamaya dahil may meeting sya" sagot ni Zoe sa tanong ko

"at kailangan din naming mag review para sa exam. Excepted ako! Si Zoe lang ang hindi kaya tutulungan ko sya para mamaya" sabi ni Marius.

"woah Good luck para mamaya. Study well okay?" masiglang tumango si Zoe

"una ka na. Susundan ka namin" saad ni Luke habang nakatingin sa reflection ko sa salamin.

"okay..." saad ko. Sumampa ako sa motor ngunit bago ko pa man mapaandar ay nakarinig ako ng kaluskos sa likod ng halaman na nasa loob ng bakuran namin.

Ako lang ba o naaamoy ko ang shampoo ni Nyx? I'm too worried about her especially yesterday. Sinabi sa akin ni Leon ang nangyare sa lakad ni Hemera kasama sila Nyx. Pupuntahan ko na dapat sya kahapon pero buti na lang kasama nya si Orville na nag text sa akin. Magkasama daw sila ni Nyx and she seems okay.

Kumain silang dalawa. I feel relieved dahil si Orville ang kasama nya but at the same time worried. Sinabi nya sakin na kumain sila sa isang restaurant. Ipinagmalaki nya na naubos nya yung malaking burger na kasing sukat ng family size pizza within 1 minute and 30 seconds kaya nakalibre sya. I wonder kung anong itsura ni Nyx habang pinapanood si Orville. Hindi heavy eater si Nyx. Para syang ibon kung kumain.

Bumusina si Luke kaya napatingin ako sa kanya. Tinaasan nya ako ng dalawang kilay at inilahad ang kamay sa harap nya. Gusto nya nang umalis. Sinuot ko ang helmet at muling ibinalik ang tingin sa madilim na parte ng bahay. Mababala lang ang gate namin kaya madaling makaakyat pero walang sumubok na magnakaw dahil nga subdivision naman namin ito at mahigpit ang pagbabantay sa apat na gate.

Pinaandar ko na yung motor at umalis.

NYX POV

Naghintay pa ako ng isang minuto upang masigurado na wala na talaga si Alyster at Luke.

Nag vibrate yung phone ko. Tumatawa si Luke. "thank you... Muntik na akong mahuli"

[ano ba kaseng ginagawa mo?] inis na tanong ni Luke

"nabahing ako eh. Buti na lang at napigilan ko..." bulong ko

[pwede ka nang lumabas. Malayo layo na kami. I'll keep my eyes on him... Alam mo naman kung saan nakalagay ang susi di ba?]  saad nya

[good morning ate] bati ni Zoe at Marcus

"yes... Good morning Guys" sabi ko. Lumabas na ako gaya ng sabi nya. "bye na" saad ko

[bye bye good luck] sabi ni Luke

Pinatay ko na ang phone. Lumakad ako papuntang pinto at kinuha ang susi sa ilalim ng paso. Pagbukas ay sinalubong ako nila Queen.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon