Chapter 38

66 7 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

"LEON... Pa..." pag lalambing ni Hemera kay Leon sa cellphone.

[Po?] saad ni Leon

"pa payagan mo naman ako oh... Please?" malambing na sabi ni Hemera

[Saan? Anong gagawin mo na naman?] tanong ni Leon

"pupunta akong party mamaya... Invited kase ako sa birthday ng isa ko pang kaibigan eh. Sige na please" pakiusap ni Hemera na parang bata.

[kelan?] - Leon

"mamaya nga" saad ni Hemera na pumili na nang damit na susuutin dahil alam nyang papayagan sya ni Leon.

[I mean anong oras para masundo kita.  Ako na mag hahatid sayo sa pupuntahan mo para alam ko kung saan ka napapadpad] paliwanag ni Luke

"aaaw I love you~" saad ni Hemera "sunduin mo ako ng 6 pm para hindi tayo ma traffic--"

[Kuya si kuya Luke ba yan? Gusto ko kausapin si Marius!!] excited na sigaw ng batang babae [hindi si Ate Hemera to!] sigaw din ni Leon

"si Lizette ba yun? Pasabi Hi" - Hemera

[Hi daw sabi niya...] rinig nasabi ni Leon [Hello ate!] sabi naman ng kapatid nito. [iiiih ikaw ah! Crush mo si Marius ah sumbong kita bukas pagpunta ko sa palengke. Andun pa naman sya--aaah! Wag kang na mamato ng unan!!...]

"hahahaha" tawang tawa si Hemera dahil ang lakas mambully ng magkapatid sa isa't isa. "isama mo kase sya sa bukas" saad niya

[ay sauce...  Mang gugulang si Lizette sa tindahan... Sunduin kita mamaya ah. Mga 5:45 andyan na ako. Make it sure na nakabihis ka na] bilin ni Leon. [mag aasikaso na ako]

"huh? Agad agad? Ang bilis mo kaya kumilos? Ang aga pa. Kinain mo din yung sarili mong bilin hahaha cute. Gusto mo lang i check yung susuutin ko eh... Yeeeeeeih  kilig ako" sabi ni Hemera

[pssh. You can wear whatever dress you want 'coz I can fight] direktang sabi ni Leon. [... Ma? Hello?... Still there? Are you alright?... Hemera] tawag nya dito dahil hindi sa pananahimik ng girlfriend

"I'm still here..." saad nya. Napatingin si Hemera sa salamin at nasaksihan ang sariling pamumula ng mukha. "ah! Basta PUMUNTA KA NA LANG DITO! BYE!" binaba nya cellphone at pinatay ang call.  "pano nya ba nagagawang magsabi ng ganun without hesitation? Aaarg! That guy!" sinipa ni Hemera ang paa ng makaling teddy bear katabi ng kanyang wardrobe dahil sa hiya.

Isang oras lang ang hinintay ni Hemera para dumating si Leon. Dala ng binata ang itim na kotse na hiniram nito sa kanyang ina. Pinapasok naman si Leon ng isang katulong at agad na umupo sa leaving room. Napansin ni Leon na may bumaba. Nginitian nya ang step-brother ni Hemera na nasa edad 15 years old. "Hi Harley..." bati nya ngunit tinanguan lang sya nito. Nang nakaalis na si Harley ay nawala ang ngiti ni Leon at napalitan ng awa ang kanyang emosyon dahil naalala nya ang nakita nyang pambubully sa bata. Hindi gumanti si Harley sa mga ito dahil sa mas malalaki sa kanya ang mga bullies. Tinulungan nya ito ngunit isang mapait na ngiti ang ibinigay sa kanya ni Harley, as if he's just a nuisance, na dapat di na sya nakialam. 'he's like her... The Nyx I knew in the past was like him... I want to help him but I don't know what to do. Maybe I'll ask Alyster about him'

"Pa!!" sigaw ni Hemera na nasa hagdan

Tumayo si Leon sa kinauupuan nya "oh don't run. Hindi ako tatakbo haha" saway nito sa girlfriend.

"antagal ko ba?" tanong ni Hemera na niyakap si Leon.

"disgusting..." sabi ng isang maliit na boses sa likod ni Hemera

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon