Chapter 37

73 7 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nang makita ni Nyx na mahimbing na ang tulog ni Alyster at bumaba na ng bahagya ang lagnat nito ay nagpaalam na sya kay Emilia at Gilford na umalis.

"ihahatid ka na namin..." paanyaya ni Emilia

"hindi na po Thank you" saad ni Nyx

"Keep safe" saad ni Gilford na pinagmasdang umalis ang dalaga.

Naisipan ni Nyx na dumaan kay Luke kaya umiba sya ng daan. Limang minuto lang na naglakad si Nyx ay nakarating na sya sa bahay ni Luke. Alam nya na may nalalaman si Luke sa sitwasyon. Pinindot nya ng tatlong beses ang doorbell na nasa kaliwang bahagi ng gate. Ilang segundo lang syang naghintay at binuksan iyon ni Luke na halata ang gulat sa mukha.

"Nyx?" tumingin sya sa paligid kung may kasama ang kaibigan. "ikaw lang? Si Alyster?" tanong nya

"sleeping... Kakababa lang ng lagnat nya" paliwanag ni Nyx

"pasok ka..." nilakihan ni Luke ang pag bukas sa pinto upang makapasok ang dalaga  ngunit hindi ito kumilos at nanatiling nakatayo.

"sorry for late night visit... Hindi ako mag tatagal. Anong number ng bahay ni Hyacinth?" saad ni Nyx 

Nabigla si Luke sa tanong nito at napalunok.  "huh? Ah... Mamaya na yan. Pasok ka muna gusto kang makita ni Marius at Zoe" iniba nya ang usapan, tumalikod sya kay Nyx dahil hindi nya kayang salubungin ang tingin nito.

"Luke I'm asking you" seryosong sabi ni Nyx

"Ano namang gagawin mo dun? Haha" peke ang tawa ni Luke na ibinigay sa dalaga.

"I want to talk to her--" naputol ang sasabihin nya ng lumabas si Luke at sinara ang gate para makapag usap sila ng harapan.

"at ano naman ang pag uusapan nyo aber? Anong sasabihin mo sa kanya? Sisisihin mo sya kung bakit may sakit si Alyster at nag bugbugan sila ni Icarus? Na minahal sya ni Alyster kaya ganun ang nangyare? Huh? What?... Nyx you're both clueless sa kung ano talaga ang nangyayare kahit involved kayong apat. Lalo ka na... Wala kang alam" saad ni Luke na awa ang lumalabas sa bibig nya. 

"then tell me. Ayaw nilang sabihin sa akin at alam ko na alam mo kung ano ba talaga yung pinagmulan ng lahat, kung ano ba talaga ang nangyayare? Luke please" pagmamakaawa ni Nyx.

Tinitigan ni Luke ang mukha ng kaibigan, she's hopeless determined to know the truth. Napabuntong-hininga si Luke at kumamot ng ulo. "AAARG!! Ang gulo nyo!!... Hintayin mo ako dito may kukuhain lang ako sa kwarto ko" hindi nya na hinintay ang sagot ni Nyx at mabilis syang tumakbo papasok ulit ng bahay.

"Nak sino yun?" tanong ng mama ni Luke ngunit hindi nya na ito sinagot. Pagpasok sa kanyang kwarto ay mabilis nyang kinuha sa labahan na nasa gilid ng pintuan ang pantalon na sinuot kanina at kinapa ang mga bulsa nito. Kinuha nya ang kwentas na may pendant na susi---ang nawawalang kwentas ni Alyster na nahulog nung naghubad ito ng damit sa loob ng VIP room kanina. Nang hawak nya ang susi ay muli syang bumaba. Nahagip ng mata ang photo album nila. Kinuha nya iyon at mabilis na binuklat. "Yun!" nang makita nya na ang hinahanap ay kinuha nya iyon at muling tumakbo palabas.

Hinintay ni Nyx na bumaba si Luke at hindi naman sya nag hintay ng matagal dahil ilang saglit lang ay lumabas na din ito. Hingal na hingal si Luke.

"oh..." inabot ni Luke ang susi at isang larawan ng dalawang bata.

"what is this?" tanong ni Nyx

"find it yourself... Hanggang dito na lang ang kaya kong ibigay Nyx. Search the answers by yourself wag mong hayaan na maging clueless ka na lang... wala akong karapatan na ibigay sayo yung sagot dahil yung taong nakakaalam ng lahat ay mananatiling tahimik lang hanggang libing nya kaya ikaw na ang gumawa ng paraan... Make sure na hindi makikita ng kahit na sino ang susi at picture na yan... Kahit na sino Nyx. Kahit si Alyster pa. Ikaw lang ang makakahanap ng sagot okay" sabi ni Luke. 'especially si Alyster... Dahil sa kanya ang mga yan' saad nya sa isip.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon