Chapter 53

41 7 5
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nakasalubong ni Nyx si Cornelius na papunta sa tambayan nila sa school.

"Sabay ka? Gagawa kami thesis" saad ni Cornelius

"Nope I need to go" sabi ni Nyx

"Wala ka nang pasok?" Tanong ni Leon

"Tapos na. Gusto ko nang umuwi" tinignan ni Nyx si Leon na tila may nais sabihin "what?"

"Patulong naman sa thesis?" Ani Leon na medyo nag pa cute pa kaya Nyx

Pinag masdan ni Nyx si Leon na kumikinang pa ang mga mata "No" maiikli nyang tugon. Gusto nyang umuwi ng maaga para matulog dahil pag kauwi ni Ethan ay may pag uusapan pa sila. And she believes in Hemera's brain. "Bye" dumeretso na sya ng lakad at hindi na nilingon ang dalawa.

"Ingat" saad ni Cornelius na hinatid ng tingin si Nyx hanggang sa hindi nya na matanaw ang dalaga. Matagal nya nang kilala si Nyx at masasabi nya na ibang iba na sya sa dating personality nito. Sumama nga lang talaga ang loob nya sa balita. Actually lahat sila. Akala nila na okay lang ang lahat. Na tulad ng dating mga tampuhan na hindi tatagal ng isang oras. Pero ngayon... Nauwi sa hiwalayan. Ni hindi man lang sila binigyan ng pagkakataon na mag react tho nag karoon ng tampuhan kila Yuna.

Nakakasama ng loob pero wala silang magagawa kundi intindihin ang isa't isa. Lalo na at ang mga involved dito ay ang tatlo kung saan nasaksihan nila ang kwento.

Nasaksihan nila ang umpisa ng maikling istorya, hindi nila inaasahan ang pagtatapos. Hindi nila alam na sa isang libro magkakaroon ng dalawang parte na nag umpisa sa iisang kwento.

'But as long as they're happy... Both of them' sa isip ni Cornelius

Sinuot ni Nyx ang wireless earphone at pinatugtog ang music na gusto nya saka tinudo ang volume nito. Hindi pa sya nakakalayo ay may itim na van ang huminto. Hindi nya ito pinansin pero mas binilisan nya ang lakad ngunit may humarang sa kanyang nilalakaran. She smell danger. Pinaligiran sya ng tatlong lalaki na doble ang laki sa kanya.

Sumenyas lang ang lalaki na kusa na syang pumasok sa loob ng van ng hindi gumagawa ng kahit anong gulo. Inisip nya kung papaano tatakas ngunit pinakita ng lalaki ang baril na nakasukbit sa tagiliran nito.

Napalunok si Nyx. Walang labasan at mukhang tutuluyan sya ng mga ito. Walang taong dumadaan at tangin sila lang ang nandito kaya hindi sya makakahingi ng tulong o makalaban man lang.

"Kung naiintindihan mo ang lahat, please help yourself" saad ng lalaki na may sukbit na baril.

Matangkad ang mga lalaki at may kalakihan ang katawan. Kasing tangkad ni Alyster pero mukhang kasing edad ni Lelouch ang lalaking may hawak na baril.

Hindi na pumalag si Nyx at kusa nang sumama. Bukod pala sa tatlong lalaki ay may tatlo pang nasa loob. Isa sa driver seat, passengers seat at sa likod. Each one of them looks dangerous. Hindi ito gaya ng dati na puro gangsters lang nakakaaway nya. This guys can kill. No, they already killed before.

She's afraid but she manage to collect herself. There's no point to panic she need to stay calm.

"You're smarter than I thought" sabi ng lalaki. "Hindi ka ba mag tatanong?"

"Why would I waste my time when you're not going to answer" diretsong sagot ni Nyx

"I'm amazed that you can calm in this situation, fierce huh I like that" saad ng lalaki "but at least try to ask some questions--"

"No I don't want to" saad ni Nyx na halata ang pag kainis. Now she's more annoyed than terrified.

"Di ba dapat nag tatanong ka or kahit papaano sumigaw ka or umiyak... At least maramdaman man lang natin na kidnapping yung... nangyayare..." Tinitigan ni Nyx yung lalaking nasa Passenger seat sinyales na pwede na itong tumahimik. At agad naman itong nakaramdam.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon