Chapter 28

51 4 0
                                    

THIRD PERSON’S POV

Habang papunta si Icarus sa akala nilang kwarto ni Nyx hindi nya malaman ang gagawin dahil sa pakiramdam nyang tila walang excitement. Hindi tulad noon na kapag papasok sya sa kwarto ni Nyx ay tumatalon na ang kanyang  puso sa tuwa tila sasabog sya sa lakas ng kabog ng dibdib, yung pakiramdam nya na mas nakilala nya si Nyx. Sa mga araw noon na magkatabi sila sa iisang kama habang mag kahawak ang kanilang mga kamay at nakaunan ang dalaga sa kanyang mga braso habang mahigpit ang yakap nya kay Nyx. Para syang nasa langit. Si Nyx ang katuparan ng kanyang mga pangarap dahilan kaya ginusto nyang mabuhay pa nang mas matagal. Pero hindi na ngayon na napalitan na ang puso nya. Akala nya magiging happily ever after ang love story nilang dalawa pero bakit mas gumulo pa? kung alam nya lang na mangyayari ang ganito sana namatay na lang sya na mahal nya si Nyx kesa nabubuhay syang iba ang laman ng pusong hindi kanya.

“sana namatay na lang ako, sana pinatay mo na lang ako kung ganito lang din pala” bulong ni Icarus nang makarating sa loob ng kwarto. Ibinagsak nya ang kanyang katawan sa kama ng padapa, inabot nya ang unan at niyakap iyon. “tang*na” bulong nya. Bumalik sa isip nya ang sinabi ni Alyster hindi na sya ang dating Lucifer, wala na ito sa kanya. Ang dami nang nagbago sa kanya. Wala na din yung obsession nya sa color violet at kay Barnie. Yung mga gusto nyang kanta wala na, at yung mga ala-ala na napapanaginipan nya, mabilis na din syang matakot at kabahan, mabilis na syang makonsensya, ayaw nya na din sa mga bata hindi tulad noon. Ang laki na talaga ng pinagbago nya.

“Icarus?” tanong ng isang babae na pumasok sa kwarto

Tinignan ni Icarus ang babaeng may pamilyar na boses. “Hyacinth?" nagtatakang tawag ni Icarus sa dalaga. Napabangon sya bigla. “anong ginagawa mo dito?” tanong nya

“dito yung suite number ko, ikaw?” sabi ni Hyacinth

“huh?” tumayo si Icarus at bahagyang inayos ang nagulong buhok “pero… itong sabi sa akin na kwarto namin ni Nyx. Baka nag kamali ako. 105 yung room namin eh” kinuha ni Icarus ang kanyang bag

“105 din yung room ko” sagot ni Hyacinth

“teka baka nag kamali lang sila, tatawag ako—“ saad ni Icarus pero pinigilan sya ng babae

“wala nang sasagot nyan. Sinabihan sila ni Alyster na maagang magpahinga total tayo lang naman ang mga tao sa resort nila. Yung nag hatid sa akin dito sya na lang yung huling staff nagising. Malapit na kasing mag 12 am para mas maaga daw sila makapag pahinga. Sabi kase sa akin ni Alyster laging puyat at pagod yung mga staff ng resort dahil sa mga bisita nila. So binigyan nya nang pagkakataon na mag pahinga sila ng maayos.” Mahabang paliwanag ni Hyacinth kay Icarus

Kinuha ni Icarus ang cellphone para tawagan si Nyx ngunit naka off ang phone nito. Tinawagan nya din si Alyster after ng ilang ring ay hindi pa din sinasagot ng lalaki. “anak ng” singhal nya sa inis.

“I’m sorry…” saad ni Hyacinth ng magulat sa pagsinghal nito.

“no.  no. I’m sorry nagulat lang ako” binaba ni Icarus ang bag nya sa kama at lumapit kay Hyacinth upang tulungan ito sa mabigat na bag na pasan sa kanyang likod. “tulungan na kita. Alam kong pagod ka din. Saang kama ka matutulog? Dito o yung malapit sa veranda?”

“yung malapit sa veranda na lang. thank you” sabi ni Hyacinth  “maglilinis ka ba muna nang katawan bago matulog?” tanong nya

“oo pero ikaw  na mauna pahuhuli na lang ako” sabi ni Icarus na napayuko

“okay” mabilis na binuksan ni Hyacinth ang bag nya at kumuha ng pantulog bago pumasok sa loob ng banyo.

Narinig ni Icarus ang pagbagsak ng tubig mula sa shower. Napalunok sya at nakaramdam ng init sa buong katawan. “bakit ang hina ng aircon?” tanong nya. Nilakas nya ang air conditioner at dinama ang lamig pero habang patagal ng patagal na naririnig nya ang tubig mula sa loob ng CR ay mas lalong umiinit ang katawan nya.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon