Chapter 48

77 5 14
                                    

THIRD PERSON'S POV

"AAAAHHH! Suko na ako! Ayaw ko na!" sigaw ng malaking lalaki na nakaluhod at nakangiwi ang mukha habang pinipilipit ni Orville ang kanang braso sa likod nito kaya itinigil na ng referee ang unang laban.

Simple lang ang mechanics ng laban. 3 vs 3 at ubusan ang labanan. Challengers laban sa mga champions. Meron lamang tatlong stage ang game ang 'A, B, at C'

Stage A - ang makakalaban ng mga challenger ay ang mga champions sa stage A. Mga walang background sa professional fighting. Hagat kaya mong sumuntok at sumipa para patumbahin ang kalaban ay mananalo ka. Ang mga kadalasang nananalo dito ay ang mga gangsters na laki sa ayaw ng lansangan tulad na lamang nila Orville.

B. Ang mga kalahok sa stage B ay mga professional Fighters na nagkaroon ng matinding training at pagaaral sa larangan ng kanilang sports. Boxing, kick Boxing, taekwando, muay thai, karate, judo at iba pang uri ng martial arts.

C. Stage C ang pinakamahirap pumasok at hindi mo gugustuhing pumasok at manalo kahit milyon milyong pera ang nakataya dahil ang magiging kapalit nito ay ang sarili mo ng buhay dahil mga professional killers ang mga champions na kakakalabin ng sinong makapasok. It's either to kill or to be killed ang proverb ng level 3.

Nag apir si Orville at Achilles dahil sya na ang susunod na lalaban.

"galingan mo aabot pa tayo sa stage 3 ah!" bilin ni Orville

Tinignan lang ni Alyster si Orville na naglabas ng candy at sinubo matapos balatan. Hindi sya makapaniwala sa narinig.
"you're aiming for stage C?" tanong nya.

"yup!" saad ni Orville

"you..." hindi makapaniwalang sabi ni Cornelius "I'm okay with that tho" kahit nanginginig ay nakangisi pa din sya at tila excited sa mangayayare.

*1:34 AM*

Marahang binuksan ni Alyster ang pinto.

"saan ka galing?" bungad na tanong ni Nyx kay Alyster.

Ikinagulat ni Aly ang biglang pag sulpot ng dalaga sa dilim, naaninag nya ang mukha ni Nyx.

Lalapit sana si Nyx upang buksan ang switch ng ilaw pero humarang si Alyster sa daan nya.

"hindi ka pa natutulog?" tanong ng binata.

"hinihintay kita" saad ni Nyx na bahagyang tinabig si Alyster upang abutin ang switch

Agad na nagsalita ang binata upang pigilan si Nyx sa balak nito. "wag mo na buksan ang ilaw, aakyat na din naman tayo eh. Salamat sa pag hihintay. Tara na" kalmadong saad ni Alyster

"... Okay" sabi ni Nyx naramdaman nya ang hawak sa kanya ni Alyster na kahit hindi nya nakikita ay alam nyang nanginginig ito at masyadong mahina ang grip ng binata pero ang nagpabahala lalo kay Nyx ay ang amoy ng dugo, ang langsa ng dugo na nanggagaling kay Alyster. Nang nakalampas ng bahagya si Alyster sa kanya ay mabilis nyang inabot ang switch ng ilaw kaya nagliwanag ang sala.

Ikinagulat ni Alyster ang nangyare kaya hindi sya nakakibo agad. Napalunok sya.

"Aly..." nanghihina ang boses ni Nyx na tinawag ang pangalan nya. She's shocked at what she is seeing. Mau benda sa ulo si Alyster, hindi lang dun kundi pati sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Tinignan nya ang hita ng binata. His pants is soaked in blood. Makikita mo din ang pagod sa pagtayo ni Alyster.

Biglang may dumaan na sasakyan sa harap ng bahay ni Nyx at bumisina dahilan upang magising sa pagkabigla nya. Agad syang tumakbo sa harap ni Alyster at inalalayan ng binata.

"a-anong nangyare sayo?" garalgal ang boses nya. Naglakad sila at pinaupo si Alyster.

"I'm fine. Ginamot na din yung mga sugat. Kailangan ko lang palitan yung gauze pads..." saad ni Alyster

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon