Chapter 55

62 6 4
                                    

THIRD PERSON'S POV

Malakas na alarm clock ang nag pagising kay Nyx sa malagim na bangungot. Biglang bangon si Nyx ng marealize na nanaginip lang sya. Patakbong lumabas si Nyx sa kwarto at bumaba papuntang kusina para uminom ng tubig.

Naabutan nya dun si Ethan at Alyster na nag tatawanan habang nag luluto ng agahan. Nakatayo lang sya dun at tinitigan ang dalawa na tila ba multo ang mga ito.

"Morning..." Bati ni Alyster at Ethan sa kanya.

"Coffee?" Tanong ni Alyster

"...yes... please" umupo sya habang hinihintay ang kapeng matimpla.

Hindi sya makapaniwala na bangungot ang lahat dahil tila totoo ang mga nangyare. Yung init ng apoy... Yung sakit... Yung takot... Lahat yun totoong totoo at nararamdaman nya pa din hanggang ngayon.

Lalo na ang senaryo ng pag pasok nya sa penthouse at nakahandusay si Alyster habang unti unting binabawian ng buhay.

"Nyx? You're crying!" Mabilis na kumuha si Ethan ng tissue ng makita ang pinsan na tumutulo ang luha habang nakatulala.

"What?" Takang tanong ni Nyx na hindi din namalayan ang pag tulo ng kanyang mga luha. "Ah" mabilis nyang pinunasan ang mga luha na nag uunahan sa pag bagsak.

"May masakit ba sayo? May lagnat ka ba?" Nag aalalang tanong ni Alyster na lalong nag pabagsak ng mga luha ni Nyx.

Agad pinunasan ni Nyx ang mga luha nya. This past few weeks ay nagiging iyakin na sya. Hindi nya maintindihan.

"Can you promise me one thing?" Seryosong saad ni Nyx

"Sure... " napangiti si Alyster

"If anything happens don't try to save me" tumingin si Nyx ng deretso sa mga ni Alyster na halata ang pag ka bigla sa sinabi nya

"I... I can't promise that" pilit na ngumiti si Alyster at umiling.

Napakagat ng labi si Nyx ng maalala ang panaginip nya. Yung scene na yun na hindi nya alam kung totoo hindi. Inilapag ni Ethan ang kape sa kanya.

"Aga aga apaka seryoso mo kape ka muna" pag bibiro ni Ethan na natawa pa.

"Nandidito na si Ethan so babalik na ako sa bahay... Pag kagaling sa school diretso uwi na ako mamaya" bilin ni Alyster kaya Nyx na tumango lang. Bahagyang nalungkot si Alyster sa reaction ng dalaga.

Maagang nag asikaso si Alyster after ng agahan nila para pumasok sa school. This is the last day na dapat nyang asikasuhin ng event sa school. Hindi na sya aligaga dahil tinulungan na din sya ni Nyx. Fix na din ang Plano nya para sa lahat.

"Ako na mag dadala ng damit mo sa inyo" prisinta ni Ethan

"Okay sure!" Kinuha na ni Alyster ang susi ng motor at nag paalam sa dalawa "bye. Ingat kayong dalawa" patakbo syang lumabas ng pinto.

"Nyx okay ka lang?" Tanong ni Ethan pero hindi nag salita si Nyx sa halip ay may inabot ang dalaga sa pinsan. Kinuha iyon ni Ethan "passport at ticket? Nating dalawa?" Tanong nya

"Pupunta tayo kay lolo..." Saad ni Nyx "next week na alis natin"

"Paano yung school? Isang buwan na Lang graduation na hindi tayo sasabay sa kanila?" Malungkot na mukha ang ibinigay ni Ethan sa pinsan.

Napaupo si Nyx sa sofa. "I need break... I need to run away from here as fast as possible... Okay naman na eh. Okay na si Icarus at Hyacinth... Yung school nakausap ko na yung dean at mga teachers. Wala nang mga problema..."

"Si Alyster?" Tanong ni Ethan

Natahimik si Nyx "... Mag papaalam ako at alam Kong maiintindihan nya ako..."

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon