Wonderpets' 1st million views

78 8 4
                                    

5X SPICY CHICKEN WINGS CHALLENGE

"PRE!!" sigaw ni Godfrey kay Tori ng may kasama pang hampas. Malaki ang ngiti nya sabay turo sa nabasang adds sa tapat ng isang resto sa mall.

"Win our 5x spicy chicken wings challenge to get eat all you can coupons for five people" basa ni Tori "OOOH! Lima sa atin ang mananalo may 25 coupons na tayo. Tapos sabihin natin libre natin kahit hindi! Hahaha"

"sige ba!!" saad ni Godfrey "may naisip na akong pwedeng tawagin. Tapos sabay na din natin yung Vlog natin para sa susunod na post natin sa YT. Tawagan ko si Quentin para sya yung mag kuha video. Ngayon na ba?"

"oo ngayon na sasayangin pa ba natin yung araw na to" saad ni Tori

"hahaha balita ko gagawa ka pa ng project mo kaya ka nag pasama bumili ng materials sa akin kotongan kita eh" saad ni Godfrey

"gag* ikaw nagturo sa akin nyan atsaka pre project lang yun ih!" pagbibiro ni Tori.

"nasaan yung eat all you can na sinasabi nyo?" bungad na tanong ni Orville ng makita si Tori at Godfrey sa National Bookstore

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"nasaan yung eat all you can na sinasabi nyo?" bungad na tanong ni Orville ng makita si Tori at Godfrey sa National Bookstore.

"AH!" sigaw ni Tori at Godfrey ng biglang may magsalita sa likod nila habang busy sa pagpili ng paint. Nabitawan pa ni Tori ang hawak na acrylic sa pagkabigla.

"ha ha ha" paghabol ng hininga ni Godfrey sabay lingon sa likod nya. "kanina ka pa?" tanong nya "ilang beses pa ba kita sasabihan na wag kang nanggugulat ng ganun?" mangiyak ngiyak na sabi niya dahil ayaw nyang ginugulat sya dahil takot sya sa Horror Stories at Movies dahil din kay Orville kung saan nararamdaman nya ang horror vibe dito lagi. "bakit ba lagi mong ginagawa sa akin yan?" seryosong tanong ni Godfrey sa leader nya.

"because it looks fun" sabi ni Orville

"bat ka ba biglang nawawala?" tanong ni Achilles na kasunod si Alyster at Quentin sa likod nya.

"nasa harap ka lang namin kanina tapos nalingat lang kami ng kaunti nawala ka na?" saad ni Reginald

"Pre tara na! Tapos na kayo?" tanong ni Enoch

Si Alyster, Enoch, Achilles, Reginald at Orville ang kilala nilang mahilig sa maaanghang na pagkain kaya alam nila na kayang kaya nila ang challenge.

"wait lang bibilihin lang namin itong pintura tapos lalabas na kami" saad ni Godfrey naging kalmado matapos ang ilang sandali.

"mag-aantay kami sa labas ng store" saad ni Alyster na hinila si Orville sa kwelyo ng makitang kinukutkot na nito ang price tag ng mga watercolor.

Matapos lang ang ilang sandali ng paghihintay ay dumating na sila sa restaurant.

Binasa ni Alyster ang ads na nasa tapat. "waah ang sarap" saad nya ng makita ang pulang pula na chicken wings sa ads.

"mn!" pagsang-ayon din ni Orville. Pumasok na sya at dumiretso sa counter. "ako ng bahala" proud nyang sabi sa mga kaibigan.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon