Chapter 29

47 6 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

8 AM ng umaga ng magising silang lahat at sabay sabay na nag almusal.

"saan kayo punta?" tanong ni Ethan kay Nyx at Alyster na nakabihis pang alis.

"Its none of your business" sabi ni Nyx

"lah bat ang init ng ulo mo? Ang aga aga ah!" sabi ni Ethan.

"No I'm not. Just shut up" sabi ni Nyx.

Napuyat silang dalawa ni Alyster dahil sa walang tigil na daldalan nila. Hindi sila nakaramdam ng antok at nagulat na lang sila ng tumingil sa orasan para matulog sana ay 5 am na nang umaga. Puro tawanan, deep talks at nonsense na usapan ang kanilang na pag kwentuhan sa buong mag damag kaya ngayon parehas masakit ulo nila sa puyat. Nang makita niya si Alyster na nakapikit habang hawak ang tasa ng kape nito ay kumuha sya ng maliit na piraso ng tinapay, binulog upang tumigas, nang nakuha na ang nais na laki at tigas at malakas nyang ipinitik sa kay Alyster na sa noo nito tumama.

"Ah!" gulat na inda ni Alyster. Mabilis nyang hinanap kung sino iyon, tinuro ni Dart si Nyx na pasimpleng uminom ng kape habang nakatingin sa malayo. Para makaganti ay kinuha nya yung bacon na nasa plato ni Nyx.

Hinabol ni Nyx ang tinidor ni Alyster pero mabilis na sinubo ng lalaki ang bacon habang tatawa tawa. Kukuha sana si Nyx sa plato ni Alyster pero mabilis nya iyong inilayo. "tch"

"sinong nauna sa ating dalawa?" pang aasar ni Alyster kay Nyx na nagsalubong ang kilay.

"Good morning" bati ni Hyacinth at Icarus sa kanilang lahat nang dumating ang mga ito.

"Good morning" bati nila Ylona sa dalawa.

"magandang umaga" bati ni Alyster sa kanilang dalawa. Tinitigan niya si Hyacinth at Icarus.

"anong tinitingin tingin mo?" tanong ni Icarus na umupo sa tabi ni Nyx

"hmn. Wala naman. Ang fresh mo lang tignan... both of you" sabi ni Alyster

Walang alam ang barkada tungkol sa palitan ng kwarto nilang apat na ginawa ni Nyx. Akala nila nag kasabay lang si Icarus at Hyacinth

"naligo na ako eh" sabi ni Icarus na basa pa ang buhok.

"hmn..." saad ni Alyster. Hihigop sana sya ng kape ngunit na pahinto sa ere ang kanyang kamay nang mataan si Hyacinth ng hangin at lumobo ang suot na damit.

Nahagip ng mata nya ang marka ng isang kagat at ilang mga kiss marks sa balikat ng babae. Nabitawan niya ang tasa na ikinagulat ng lahat.

"OY!" mabilis na tumayo si Tori na katabi ni Alyster ng matalsikan ng mainit na kapeng natapon sa mesa. "ang init" hinimas nya ang braso na napaso. Mabilis syang kumuha ng basahan at pinunasan ang pantaloon ni Alyster na nakatayo habang pinapagpag ang damit.

"ayos ka lang?" tanong ni Hyacinth hahawakan nya dapat si Alyster pero napigilan nya ito. Hawak ni Alyster ang kamay nya. "Alyster?" tawag nya dito ngunit di nagsasalita ang lalaki.

"mag papalit ako ng damit. Nyx bilisan mo para makaalis na tayo agad. Malayo pa ang byahe natin. Luke kasama ka pala sa amin ni Nyx" saad ni Alyster. Binitiwan nya si Hyacinth, ngumiti sya saka hinawakan ito sa ulo bago nilampasan ang lalaki.

"okay" saad ni Nyx.

PAGPASOK ni Alyster sa kwarto ay pabalik balik sya ng lakad habang sinasabunutan ang sarili dahil sa gigil. Kinuha nya ang unan para hinagis ng malakas sa pader. Napaupo si Alyster dahil sa pang hihina ng tuhod. Dapat hindi nag pagil kay Nyx kagabi, dapat lumabas sya, mali lahat ng nangyayare, maling mali.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon