Chapter 36

59 7 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nagising si Alyster sa mahimbing na tulog ng marinig nya ang isang musika na nag mumula sa piano na nasa sala.

"meow" lumapit si Princess sa kanya--ang kuting ni Alyster

"hi..." bati nya ng dilaan sya nito sa ilong. Naramdaman nya na may gumalaw kaliwang bahagi ng kama nang tignan nya ito ay naroon pa ang tatlong pusa na natutulog din. Marahan syang kumilos para makalapit sa tatlong alaga nya at hinalikan ang mga ito sa pisngi. Nagiging magaan ang kanyang pakiramdam tuwing nakikita ang mga ito. Binaon ni Alyster ang mukha sa tiyan ni King at mabuting pinakinggan ang musika na nanggagaling sa first floor. It's so gentle, kind, innocent and pure. Pinapagaan ng kanta ang kanyang mabigat na pakiramdam as if its asking him to escape from pain. Binuksan nito ang kalangitan na matagal ng sarado para sa kanya. Pinatila ng isang kanta ang walang tigil na ulan at pansamantalang ipinakita ang sikat ng araw para sa kanya. Bumangot si Alyster para bumaba. Habang nasa hagdan sya ay narinig nya ang boses na nag ha-humming. Boses ng isang lalaki iyon--ang kanyang ama na sinasabayan ang kanyang pagtutog.

Huminto sya sa pagbaba upang hindi huminto si Gilford sa pagkanta.

'kaya hindi pinagsisihan ni mama ang ginawa nya... That's why huh' saad sa isip ni Alyster na napangiti. 'haaa... I'm selfish'

Huminto ang pagkanta ng kanyang ama at narinig nya ang boses ng ina. "Your voice... Hindi pa din nagbabago... It always put me at ease Gil" saad ni Emelia

"because I want you to be at ease..." sagot ng Gilford

"hehe one of a kind" saad muli ni Emilia

"now I understand kung kanino nag mana si Alyster ng talent nya and his face of course" boses ng isang babae ang narinig ni Alyster and it makes his heart skip.

Nanlamig si Alyster at pinagpawisan. "what is she doing here?" bulong nya ng narinig nya ang boses ni Nyx. Hindi iyon ganun kalakas dahil nag mumula sa kusina ang boses.

"I'm done preparing... Tatawagin ko na si Alyster for diner--" - Nyx

"Ah Nyx... Thank you for being a good friend to my Alyster" - Gilford

"I'm the one should be thankful here... Thank you for giving birth to an angel" - Nyx

Hindi alam ni Alyster ang gagawin, palapit na ng palit si Nyx sa hagdan pero sya nakatayo pa din doon at naguguluhan. Sa unang pagkakataon ayaw nyang makita si Nyx. Inihakbang nya ang paa paakyat ngunit huli na dahil nasa harap na nya ang dalaga. Hindi nya tinanggap ang titig ni Nyx sa kanya kaya sa sahig na lang nya itinuon ang paningin.

"let's eat..." saad ni Nyx

Hindi sya nag salita, tila tuyong tuyo ang kanyang lalamunan dahilan para walang kahit na isang salita ang lumabas sa kanyang bibig. Kahit nanghihina ang mga tuhod ay pinilit nyang ihakbang ang mga paa papunta sa kusina. Hinintay nyang magtanong si Nyx sa kung ano ang nangyare sa mukha nya pero hindi ito binigyan pansin ng dalaga, tila wala itong nakikitang mga pasa at sugat sa mukha at katawan.

"Alyster... Please have a seat. Your mom and your friend cook for both of us, isn't it lovely?" saad ni Gilford na bakas ang tuwa sa mukha.

"sit here" saad ni Emilia na itunuro ang kanang upuan katabi kung saan naunang umupo si Nyx.

Tahimik na umupo si Alyster sa tabi ni Nyx. 'I need to talk...' saad nya sa isip. "kanina ka pa?..." tanong nya kay Nyx.

"mmn" matipid na sagot ng dalaga.

Nagdasal muna si Gilford bago sila kumain.

Pinagmasdan ni Alyster ang kanyang ama kung paano nito pagsilbihan si Emelia, hindi mapagkakaila ang sayang nadarama ng kanyang mga magulang.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon