Chapter 3

75 5 1
                                    

One Day...

"Nyx... Tara sa Canteen" tawag ni Alex na kanyang classmate.

4th year college students in Business Course si Nyx

"yeah..." saad ni Nyx na sinara ang kanyang libro.

"para saan yang binabasa mo?" tinignan ni Alex ang libro. "Ngek... Pang accounting to eh"

"yeah..." sagot ni Nyx na hinila na ang kaibigan para hindi na sya usisain.

Habang nasa corridor sila ay biglang may sumigaw ng "I LOVE YOU MY SWEET BUNNY NYX!!" mabilis na hinanap ni Nyx si Icarus habang nag ba-blush sa hiya dahil maraming tao ang nakarinig. Nakita nya na nakatayo ito sa isang bench habang naka hugis puso ang mga kamay.

"That idiot" bulong ni Nyx na hindi pinansin si Icarus at diretso lang ng paglalakad dahil sa kahihiyan.

"Hey!" humarang sa daan si Hemera "Let's eat together!"

"nasaan ang boyfriend mo?" tanong ni Alex

"hmmmn... In library finishing his assignments... I always remind him to stop that 'Bukas na lang'. Aarg!" saad ni Hemera na aminadong grade conscious.

Napangiti si Icarus ng makita ang pamumula ng mukha ni Nyx kahit hindi sya nito pinansin. Pasa sa tatlong taon na pagiging couple nila ay cold pa din si Nyx sa kanya ngunit alam nya kung gaano sya kamahal nito at ganun din sya sa dalaga. Ngunit simula ng magising sya noon mula sa pag ka coma ay lagi na syang ginagambala ng kanyang panaginip. Kagaya na lang kaninang umaga, ang lalaki naman na iyon ang nag pagising sa kanya. "I can't lose her.." saad ni Icarus na tinutukoy si Nyx. Pero hindi nya malaman sa sarili kung bakit ganun na lamang ang pag tibok ng puso nya ng makita si Hyacinth. Nakaramdam sya ng excitement ng marinig ang tinig nito na tila ba napakatagal na nyang hinihintay ang pagdating ng babae. Kinuha nya ang phone para tawagan si Alyster at sabihin ang nararamdaman ngunit tila natatakot sya dahil nakakaramdam sya ng guilty.

"tired?"

Minulat ni Icarus ang mata at nakita si Nyx sa kanyang harapan na may hawak na in can juice. Napangiti sya. But there is something wrong... Hindi sya Nakaramdam ng excitement tulad sa kung paano nya nakita si Hyacinth.

"don't push yourself too much... Ask me if there's anything you need" saad ni Nyx na umupo sa tabi ng binata ngunit napansin nya nakatitig lang ito sa kanya "what?"

"I love you" sambit nito

Namula ang pisngi ni Nyx "I love you too" mahina nyang sabi

"di ko narinig... Ano ulit yun?" tanong ni Icarus

"I love you too" saad ni Nyx na medyo nilakasan na. Nagulat na lang sya ng yakapin sya ni Icarus "are you sure you're fine?" kinapa ni Nyx ang noo ng binata.

Tumango lang si Icarus "Yes..." napakagat ng labi si Icarus. Dahil sa unang pag kakataon ay nag sinungaling sya kay Nyx. He's not fine. His heart is not fine.

💀💀💀💀💀

Nauna nang umuwi si Icarus dahil hindi makakasabay si Nyx pagkat may tatapusin pa itong mga gawain sa school at inutusan syang umuwi na. pero hindi sya tumuloy dahil bumaba sya ng jeep upang pumunta sa isang cafe at mag isip. Nakakaramdam sya ng guilty. 'Normal ba na magising ka isang araw na hindi mo na mahal ang isang tao?' tanong ni Icarus sa sarili "I love her..." pangungumbinsi nya sa sarili.

"Icarus?" tawag ni Hyacinth kay Icarus

"Hi!" na patayo si Icarus ng makita si Hyacinth. Nag lahad ng kamay ang dalaga at inabot naman nya ito upang mag shakehands sila. Nakaramdam sya ng paninikip ng dibdib dahil sa sobrang lakas ng tibok nito. He feel strange.. 'Heto na naman' saad nya sa sarili.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon