Chapter 5

83 6 8
                                    

ONE DAY

"kuya sama ako!!" umiiyak na sigaw ni Rainzel dahil gusto nyang sumama sa Date ni Icarus at Nyx.

"nooo waaay" saad ni Icarus

"perooo sabi mo nung nakaraan isasama mo ako! Sinungaling!" sigaw ni Rainzel sa kanyang kuya. Lumapit sya kay Nyx at doon nag makaawang sumama. "ate gusto Kong sumama, tinapos ko yung mga assignments ko para lang sa araw na toh!"

"huuuh? So mas excited ka pa sa araw na toh kesa sa akin?" tanong ni Icarus

"OPO! KASE SABI MO ISASAMA MO AKO!" sigaw nya na may kasamang iyak habang nakasubsob ang mukha sa tiyan ni Nyx  "Ate sama ako"

Nakaramdam ng awa si Nyx habang pinagmamasdan ang bata na nakayakap sa kanya ngunit tinignan pa sya nito while wearing his cute and pabebeng sad face with beautiful eyes "pleeeaaase"

'the hell...' sa isip ni Nyx "Fine whatever..." saad nya. She can't resist dahil sa ka-cute-an ng kapatid ni Icarus

"WHAAAT?" sigaw ni Icarus "Nyyyxxx"

Tinignan ni Rainzel ang kanyang kuya while grinning. Mabilis itong tumakbo para mag palit ng damit.

"masyado nang spoiled si Rainzel sa iyo" saad ni Icarus na lumapit at hinalikan sa noo si Nyx "nakakaselos"

"can't help it... He's too cute." katwiran ni Nyx

☠️☠️☠️☠️☠️

"nasa Mall tayo! Nasa mall tayo" masayang paulit ulit ni Rainzel. Dala dala nila ang dalawang aso--si Hydra at Cerberus.

"napakaraming tao sa mall pag linggo" saad ni Nyx na mukha exhausted sa paligid nya.

"kaya nga eh... Dapat ata sa park na lang tayo pumunta baka wala masyadong tao dun..." suggestion ni Icarus "bili muna tayo ng makakain" sabi nya ng makadaan sila sa supermarket.

Kaya pumasok silang tatlo at Bumili ng makakain.
"wag kang bumili ng junk foods huh..." babala ni Nyx

"huh? Bakit?" tanong ni Icarus habang hawak hawak ang limang malalaking oishi, clover at patata. Niyakap nya ng mahigpit ang mga ito sabay nakipag titigan kay Nyx.

Umiling si Nyx para sa babala nya... Umiling din si Icarus pero sinamaan sya ng tingin ng dalaga..  kaya binalik nya ang mga ito. Naramdaman ni Nyx na may humihila ng damit at nang tignan nya ay si Rainzel iyon na may hawak na mr. Pringles.

"just one only." sabi ni Nyx kaya lumaki ang ngiti ng bata at nilagay ang hawak sa push-cart nila. Pagkatingin ni Nyx kay Icarus ay tila nag papaawa ito. "tsk. Fine. Isa lang ah"

Hindi nila na pansin na napadami ang binili nila dahil sa paglilibot. Bitbit ni Icarus ang apat na malalaking plastic na puno ng pagkain at inumin. Lumabas na sila sa mall at muling sumakay para pumunta sa park ngunit nanlumo sila sa dami ng tao. Tinuro ni Icarus ang isang bakanteng bench "umupo muna tayo Nyx" kaya nag lakad sila papunta doon at binaba ang mga dala para pansamantalang magpahinga. Tumakbo naman si Rainzel at nakipaglaro sa dalawang aso. Kumuha ng tubig si Nyx mula sa plastic na hawak nya at uminom. "Gusto mo ba ng ice cream?" tanong ni Icarus habang nakatingin sa dirty ice cream. Tumango naman si Nyx bilang sagot. "okay. Isang Cheese flavor para sa mahal ko." unconscious na sabi ni Icarus ng tumayo sya. "Rain! Ice cream?" tawag nya sa kapatid nya kaya lumapit ito ng patakbo sa kanya.

"Avocado, mango and chocolate flavor please" saad ni Rainzel sa mamang sorbetero.

"okaay. Isang dagdag na scoop ng avocado para sa cute na bata" saad ng sorbetero dahil sa ka-cute-an ng smile nito at namumulang pisngi dahil sa bahagyang sikat ng araw. Bumalik na sila sa upuan nila at dun kumain ng Ice cream.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon