Chapter 10

64 6 2
                                    

ALYSTER'S POV

'I want you to help me about something'

Hindi maalis sa isip kong sabi ni Sir Patrice...

Nakahiga ako ngayon sa aking kama at nakatingin sa kisame.

'I will accept Sir. for Nyx sake' pag tanggap ko sa sinabi nya. Tinignan ko ang kamay ko at kinuyom iyon.

I will protect her and that's my vow... Kahit kanino.

"meow" tinig ni King na lumapit sa akin at kiniskis ang ulo sa mukha ko.

"hey..." nakangiti kong saway sa kanya bago ko sya hinalikan sa pisngi. Tumagilid ako upang makita ng pagkakahiga upang makita sya ng paayos saka ko sya niyakap at hinimas ang ulo hanggang sa napansin ko ang mantsa ng dugo sa aking unan na kahugis ng paa ni King. Mabilis kong tinignan ang paa nya at may dugo ang kaliwang parte sa unahan. Wala syang sugat... "QUEEN!" hinintay kong lumapit ito ngunit wala sya "QUEEN!" mas nilakasan ko ang aking boses. Bumangon ako at hinanap sya "QUEEN!" mabilis na ang tibok ng puso ko dahil sa kabang dulot ng pagkawala nya. "nasaan ka?... Miiing! Queeny! Love! Nasaan ka?" tawag ko ulit habang papababa ng hagdan. Isang tawag ko lang kay queen at lumalapit na sya sa akin. Sinundan ko ang bakas ng mga paa ni King na puro dugo. Hanggang sa makarating ako sa kusina at nagulat sa nakita ko.

"meow..." nanghihinang sagot ni Queen sa akin.

"heey..." mabilis akong lumapit sa kanya at hinimas ang ulo nya. Lumapit si King at dinilaan ang kamay ko. Napangiti ako dahil may bagong member na ang pamilya at dalawa pa. Ang cute ng mga kuting, parehas silang puti ang pagkakaiba lang ay ang ang isa ay itim ang tenga at ang isa naman ay itim ang buntot. "ang cute" mabilis akong tumayo at kumuha ng box ng sapatos, nilagyan ko ng malinis na tela at doon ko nilagay si Queen at ang dalawa pang kuting. Mabilis kong tinawagan si Nyx. "Nyx!"

[hmn?!] dinig kong boses nya na tila may laman ang bibig at kumakain pa ata sya.

"Nyx! Nanganak na si Queen!" masaya kong sabi.

[sino yan?] dinig kong tanong ni Ethan habang may mga kumakalansing na mga kutsara

"kumakain pala kayo, sorry" sabi ko

[no problem. Pupunta ako jan bukas para makita yung mga kuting] sabi ni Nyx

[sama ako] sabi ni Ethan

"Okay! Anong gusto nyong kainin para bukas" tanong

[Graham!] sabay nilang sabi.

"hahaha hindi pa ba kayo nagsasawa sa graham?" natatawang tanong ko

[the best ang graham na gawa mo no!] sabi ni Nyx

"Okay okay... Matulog na kayo gabi na" yun lang at pinatay ko na ang tawag. Kinuhaan ko muna ng picture si Queen at ang mga kuting na mahimbing na natutulog para ipost sa myday ko. Tumayo na ako at inihanda ang mga ingredients sa paggawa ng graham. Maraming strawberry na pinadala sa akin si Mama at hindi ko maubos ubos sa pagkain kaya ito na lang ang gagamitin ko at yung nutella na isang bucket na ibinigay sa akin kanina ni Sir Patrice. Nag hanap ako ng malaking lagayan dahil alam ko naman na hindi lang si Nyx at Ethan ang darating bukas kaya tatlo na ang gagawin ko. Mas magandang Sobra kesa kulang.

Sinimulan kong paghaluin ang all purpose Cream at condensed milk sa isang lalagyan at hinalo iyon.

"Ah!" may naalala ako. Kumuha ako ng panyo at binalot sa ulo ko, naglagay din ako ng apron. Sinimulan ko nang hiwain ang mga strawberries at inisantabi pansamantala. inayos ko ang mga graham crackers then pinatong ko ang mga nahiwang strawberries sa ibabaw, ibubuhos ko na sana yung pinaghalo kong cream at condensed milk pero naisip ko na ihalo ang chocolate doon. Kaya yun nga ang ginawa ko. At dahil nga ang dami kong chocolate after nito Gagawa na lang din ako ng choco mousse cake. Eksakto 1:30 am na ako ng madaling araw natapos kasama na ang paglilipit kaya umakyat na ako at nag pahinga.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon