Chapter 12

65 6 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

AFTER SEVERAL DAYS

"lah!" Gulat na reaksyon ni Casper ng makita ang Christmas Carolling video nila na pi-nost ni Achilles. Umabot ito ng 2 million views, 400+ thousand likes, 600+ shares at sobrang daming comments. "Ilang buwan ba kaminh di nakapag Facebook at walang nakaka alam sa amin nito?" tanong ni Casper sa sarili. Mas mahaba ang nilalaan nilang oras sa messenger kesa sa facebook. Tambay lagi sa GC nila at kapag mag kakasama naman ay kung hindi nag lalaro sa phone ay nag uusap silang lahat.   Kaya lahat sila ay hindi active sa FB at bihira lamang mag bukas. Nagbubukas lang sila pag nag po-post ng pictures.

"anong ginagawa mo?" tanong ni Enoch sa kaibigan na ibinaba ang tray na may mga pagkain sa harap nito.

"pre tignan mo toh!" pinakita ni Casper ang video

"oh yung pasko yan ah. Ano meron?" saad ni Enoch

"Oh ano meron? Gagi tignan mo yung views!!" - Casper

"ay putik! Naka tag ba tayo dyan?" Tanong ni Enoch na agad kinuha ang cellphone at nag bukas ng FB nya. "ay lintek. Sabog notif ko!! Kaya ayaw kong nag bubukas eh" reklamo nya

"ano yan?" tanong ni Achilles na bagong dating kasama si August at Irving na may hawak hawak na Zest-O orange.

Kinawayan ni August ang girlfriend na kumakain kasama ang kaibigan nitong babae na si Maka. Kumaway naman ito pabalik sa binata.

"yung pi-nost mo nung pasko na video ang daming Views na! Tignan mo? Di mo pa ba to nakikita?" tanong ni Casper na manghang mangha.

"di pa ako nag bubukas mula nun! Fvck. January to June di pa ako nag bubukas ng FB ko" saad ni Achilles na kinuha din ang cellphone nya at nagbukas ng facebook. "bad trip nag lag CP ko sa dami ng Notifications." saad ni Achilles

"oy mag bukas din kayo! Ay SS ko tas pasa ko sa GC!!! Wait!!" Excited na saad ni Enoch.

"bala kayo dyan basta ako mag o-order na ako. Anong gusto nyo?" tanong ni August

"Carbonara sa akin" saad ni Irving

"Ah gusto ko mag kanin, pag may gata na ulam bili mo ako" saad ni Enoch

"kahit na anong may gata?" tanong ni August na tumango lamang si Enoch "Ikaw Cas?"

"ah gusto ko nang... Gulay ay ano na lang..." saad ni Casper na nakatingin sa phone nya at tila wala sa isip ang sinasabi.

"anak ng! Anong gusto mo? Bilis!" inis na tanong ni August

"kahit ano pre! Bala ka na!" saad ni Casper

"Boss ikaw?" tanong ni August kay Achilles

"bala ka na" saad nito na seryosong nakatingin sa Cellphone at nag babasa ng comments.

"tsk!" napakamot na lang si August sa ulo nya habang papuntang counter at nag order.  "ate pa order ako ng..." tinignan nya yung mga ulam na naka display "... Ah ito oh langka ba toh?" tanong nya

"yes po" saad ng tindera. 

"bigyan mo ako ng isa with rice. Then carbonara na large, isang shawarma rice yung medium lang atsaka... Barbeque with rice at... beef steak with kanin and last dalawang medium na fruit salad... Kukuhain ko na po yung fruit salad ate then pahatid na lang ako sa table namin yung iba thank you. Mag kano po?" - August

"248 po lahat sir" saad ng kahera

Nag abot si August ng 500 peso at sinuklian sya nito. Kinuha na sya yung fruit salad. Pumunta muna sya sa table ni Serene at binigay ang isa sa dalang fruit salad bago umalis ay hinalikan nya ang Girlfriend sa noo nito. "oy pre alisin mo yung tray mo. Kung anu-ano lang ang pinangbibili eh!" reklamo ni August kay Enoch

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon