Chapter 22

46 6 0
                                    

ICARUS POV

"Icarus" tawag sa akin ng isang matandang lalaki. Si Tito Martin. Sya ang may-ari ng Cafe na pinag ta-trahabo-an ko as a part-timer.

"Tito..." lumapit ako sa kanya at yumakap.  "si Tita Elena po?" tanong ko habang hinahanap ng aking mata si Tita.

"Darating sya maya maya... Kamusta ka?" tanong ni Tito Martin

"Ayos lang po. 3rd year College pa lang po pero sobrang hirap na hahaha" saad ko "ano pong gusto nyong Order? Kape po?" tanong ko

"No thank you... Upo ka muna dito mukhang exhausted ka" saad nya na may halong pag aalala "kasama mo ba si Hyacinth?"

"opo kanina pero umalis din sya agad, kailangan nya daw mag pasa ng project nya nakakainggit nya po ang kasipagan ni Haya eh" saad ko

"ang mama at papa mo?" tanong nya

"hmn. Ayon busy si Papa sa hospital at si mama sa business nya. Then si Rainzel naman sobrang kulit" sagot ko

"nabalitaan ko na naaksidente kayo... Kamusta okay ka lang ba? Wala naman bang napahamak sa inyo?" tanong ni Tito Martin

"wala naman po wag po kayong mag-aalala" sabi dahil nakita ko sa mukha nya na talagang nag aaalala sya. Sabagay nauunawaan ko dahil namatay ang kaisa isa nilang anak sa motor accident. Si Tito Martin at Tita Elena ang magulang ni Aries Clemente. Ang tunay na nag mamay-ari ng puso na nasa loob ng katawan ko. "salamat po pala dahil tinulungan nyo ako na pumasok sa cafe nyo"

"ayos lang iyon. Di ba nga sabi namin sa iyo na anytime you can ask for help with us at ituring mo na kaming mga magulang" saad ni Tito Martin "kamusta pala ang mga kaibigan mo? Saan sila nag ta-trabaho kung bawal sa mga company ng parents nila?"

"hmn. Nag tayo po sila ng tindahan sa isang wet market. Lahat actually tininda na nila tulong tulong po silang lahat, si Nyx po ang nag ma managed ng pera. Ah!" mabilis kong kinuha ang phone ko dahil naalala kong may sasabihin nga pala sya sa akin kanina. Wala syang text kahit isa. Tch. "tito wait lang po ah. Text ko lang po si Nyx" tumango naman si Tito kaya nag umpisa na akong mag type.

[Nyx ano nga pala yung dapat sasabihin mo sa akin kanina?] - ako

Naghintay ako ng reply pero walang dumadating.

[mag reply ka naman] - ako

Wala pa din syang reply hanggang sa tinadtad ko sya ng text.

[not important, why?] reply nya

[bat ang tagal mong reply?] tanong ko

[busy] - Nyx

[bat ang ikle mo mag reply ganun ka ba kabusy para magreply ng pagka ikle ikle?] naiinis kong tanong

[Yeah bye] - Nyx

"anak ng" saad ko

"kung importante yung pinag uusapan nyo you can take a break para makapag-usap ng maayos" saad ni Tito Martin

"Ah hindi po ganun kaimportante tito ayus na po" sabi ko habang nakangiti pero sa totoo lang naiinis ako sobra kaya hindi na ako nag reply.

Nitong mga nakaraang araw naiinis ako sobra kay Nyx. Ang tipid nya sobra mag reply, ang hirap unawain, nabo-bored na din akong kausap sya, ayaw ko na ding inaasar sya.

Normal ba na magising na lang ako isang umaga na hindi ko na sya mahal? Pero paano ko nasabi na hindi ko na sya mahal? Saang parte ba ako nagsawa sa relasyon naming dalawa?

"Icarus Okay ka lang ba?" tanong ni Tito Martin

"opo. Pwede na po ba akong bumalik sa trabaho ko?" tanong ko at tumango naman sya kaya tumayo na ako para mag serve ng mga order.

Palala ng palala ang nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw. Sa tatlong taon namin ni Nyx ano ba ang ginagawa namin? Para naman kaseng hindi kami magjowa, para pa din kaming tulad ng dati. Maliban na nga lang na ngayon pwede na kaming magkiss  at mag holding hands. Pwede ko na din syang yakapin. Anytime. Pero hanggang doon lang. Hindi ko maramdaman na may nag iba. Hindi sya naging sweet sa akin kahit isang beses. Laging ako ang na i-initiate ng lambig sa kanya. Nakakasawa lang sobra.

Hindi ba pwedeng sya naman? Nakakainis lang sobra. Nakakasawa talaga. Pero ayaw kong makipag hiwalay... Dahil mahal ako ni Nyx. At ayaw ko syang masaktan, ayaw ko syang makitang umiyak. Ang hirap kumapit sa isang relasyon na awa na lang ang kinakapitan mo. Naaawa ka sa kanya kaya mo sya mahal. Pero meron pa ding parte sa akin na mahal ko sya pero hindi na ganun kalaki, hindi na sya tulad ng dati.

Biglang may pumalo sa balikat ko

"Hyacinth" saad ko

"masyado kang seryoso" saad nya. Dinaana nya ako at pumunta sa kinauupan ni Tito Martin at Tita Elena. Sinundan ko sya.

"Icarus.." malaking ngiti ang binigay sa akin ni Tita Elena. Tumayo sya para bigyan ako ng halik sa aking pisngi.

"hindi ko po kayo napansin sorry" sabi ko

"masyado ka kaseng seryoso mag trabaho" sabi ni Hyacinth.

"choco frappe para kay Hyacinth at isang mocha latte para kay Tita Elena" sabi ko habang nag lilista ng order nila na kabisado ko

"with extra whip!" dagdag ni Hyacinth

"I know right" sabi ko na mabilis nag lakad sa counter para ibigay ang papel.

Nawala ang bigat ng iniisip ko nang makita ko sila lalo na si Hyacinth.

Pakiramdam ko ay niloloko ko si Nyx habang tinitignan ko si Hyacinth na masayang nakikipag kwentuhan sa mga magulang ni Aries. Hindi ko mapigil ang pagtalon ng pusong nasa dibdib ko. Gusto kong iwasan si Hyacinth pero hindi ko magawa. Laging nasa isip ko sya... Sya lang. Sya na lang.  Yung tulad ng pagtibok ng puso ko noon kay Nyx at wala na. Napalitan na. Dahil hindi sakin ito. Hindi sa akin ang pusong ito eh. Ayaw ko nitong nararamdaman ko dahil hindi akin ito.

Pinatatakbo ang buhay ko ng puso ng iba kaya ngayon masasaktan ko ang totoong mahal ko. Si Nyx. Masasaktan ko si Nyx. Shet. Yung babaeng mahal ko. Masasaktan ko sya. Iiyak na naman sya tulad ng pagluha nya nung nasa hospital ako, nakaratay at nag hihingalo.

Kulang ang isang libong 'sorry' sa ginagawa ko. Sa nararamdaman ko.

"Hoy!! Kanina ka pa? Okay ka lang ba?" nagulat ako sa pagpitik ni Hyacinth siko ko.

"yeah. Oo naman... Ako na magdadala ng order nyo" kukuhain sana ni Hyacinth yung tray pero naunahan ko sya. Mabilis nyang inalis ang kamay nya nang magkadikit ang balat namin.

"thank you so much!" saad ni Hyacinth.

"bumalik ka na dun susunod ako" binuhat ko ang tray saka dinala sa table nila.

HYACINTH'S POV

Habang pabalik ako sa table namin nila tita Elena ay hindi ko mapigilan ang pagkabog ng puso ko.

Hindi ako pwedeng kiligin. May girlfriend sya kaya hindi pwede! Please Hyacinth mag isip ka.

Hindi porket ginagawa nya din yung ginagawa ni Aries ibig sabihin sya na si Aries. So please!

Kanina kahit minsan hindi pa ako nag order sa kanya ng extra whip pero nagtaka ako kung paano nya nalaman. Tanging si Aries lang ang nakakaalam ng ganun.

"here" saad nya

Kinuha ko ang frappe, natigilan ako ng makita ko ang nakasulat sa name ko.

"Flower?" tanong ko

"oo. Bakit hindi ba? Flower kaya ang hyacinth" saad ni Icarus, bago sya umalis ay kinindatan nya muna ako.

Tanging si Aries lang ang tumatawag sa akin na Flower. Habang patagal ng patagal ay pakiramdam ko nakikita ko si Aries kay Icarus na hindi naman dapat. Yung pag close open ni Icarus ng mga kamay nya pag malalim ang iniisip nya, para syang si Aries. The way na itrato nya si Tito at Tita. Napag uusapan namin nila tita Elena si Icarus na parang kumilos sya tulad ng anak nila.

Pero siguro nga ay na mimiss lang namin sya ng sobra sobra.

To be continued...








Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon