Chapter 31

57 6 3
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Hawak na kita Nyx!" sabi ni Alyster na bakas ang pag-aalala sa mukha nya habang nakatingin kay Nyx "andito na ako!"

"Aly..." saad ni Nyx na hindi makapaniwalang na abot sya ni Alyster sa distansyang kinalalagyan nya.

"humawak kang mabuti... Don't be afraid" nakangiti si Alyster upang mapakalma si Nyx

"I'm not afraid..." sabi ni Nyx na nagtataka din sa sarili. Hindi sya natakot. Hindi sya nakaramdam ng takot. Panatag yung loob nyang may tutulong sa kanya kaya wala syang naramdamang pangamba. At tama nga yung kutob nya,  lalabas si Alyster sa kung saan para tumulong. "why?" tanong nya sa binata ng maakyat na sya nito.

"haaaaa haaaaa" paghahabol nya ng hangin. mabilis nyang niyakap si Nyx ng mahigpit "ayos ka lang ba? Ano bang ginagawa mo?! Nyx anong ginagawa mo?"

Ang higpit ng yakap ni Alyster kay Nyx pero hindi nya maramdaman na hindi sya makahinga. It's tight but still soft and she feel safe. He's afraid... No terrified... He's terrified.

She tap Alyster's back. "okay na ako... I'm fine"

"no you're not" sabi ni Alyster

"yes I am. Lagi mo na lang dinidikta ang nararamdaman ko kaya hindi tayo nagkakaintindihan. Pinipilit mo yung gusto mo lang paniwalaan. Hindi sa lahat ng pagkakataon tama ka Aly... But those instincts para kang mind reader. This is contradicting pero lagi kang tama. I always pretending that I'm fine... Thank you Aly for being there for me even in impossible times... Para kang superhero" sabi ni Nyx

Hindi nagsalita si Alyster, tahimik lang syang nakikinig kay Nyx habang nakayakap sa dalaga. She almost died kung hindi sya dumating nang tama sa oras. Again. Muntik na syang mawala ulit sa kanya.

"I'm fine now..." sabi ni Nyx nang hindi pa din kumakalas ng yakap ang binata. "hahanapin pa natin si Tito Hunter"

"nakita ko na sya... Natutulog sya sa bodega kasama sila Hydra. Then hinanap ko kayo nang malaman kong pumasok kayo sa gubat" kumalas si Alyster ng yakap. Tinakpan niya ang mukha gamit ang kaliwang kamay upang hindi makita ni Nyx ang naluluhang mga mata. Wala masyadong ulam sa kalangitan kaya kitang kita ang reaction ng kanyang mukha dahil sa liwanag ng buwan na direktang tumatama sa kanilang dalawa na tila spot light. "I'm sorry"

"ako nga dapat ang nagsasabi nyan eh... Sorry para saan?" tanong ni Nyx

"... Dahil hindi ako si Icarus... Alam ko naman na dapat si Icarus yung nagligtas sayo at hindi ako. I'm sorry" mahinang sabi ni Alyster

Hindi nakapagsalita si Nyx. Hindi nya maunawaan kung saan nanggagaling ang mga ganung perception ni Alyster. "anong--" hindi nya tinuloy ang sinasabi sa halip at tumayo sya. Yung pagliligtas ni Alyster sa kanya parang hindi lang basta coincidence yun, tila parating nakatadhanang naroon si Alyster para sa kanya. Ang sarap maging best friend ang isang Alyster Skinner. Yung taong handang mag buwis ng buhay para sayo... Hindi pa sya nagkakaroon ng best friend kaya talagang Treasure si Alyster para sa kanya. Yung kayamanan na mahirap mahanap at hinding hindi mo mahahanap pag hindi ka sumuong sa pinakamalalim na karagatan sa gitna ng bagyo.

"Nyx!" tawag ni Icarus na kararating lamang kasama ang mga kaibigan. Nasa gilid ng bangin si Nyx, nakatayo, pinakikiramdaman ang malakas na simoy ng hangin.

Nagulat si Alyster sa pagtawag ni Icarus kaya napamulat sya at tinanggal ang kamay na nasa mukha. Nasilayan nya na nasa gilid muli ng bangin si Nyx, nakaharap sa karagatan.

Lumapit si Icarus "anong ginagawa mo? Come here! That's dangerous" sigaw ni Icarus

Humarap si Nyx sa mga kaibigan nya "you're more dangerous than this cliff..." sabi ni Nyx

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon