Chapter 32

66 4 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

'Hindi ko alam ang gagawin. Nalilito ako.
Mahal ko si Nyx pero pag andyan si Hyacinth at malapit sya sa akin hindi ko mapigil ang sarili ko. '

'Yung ginawa ko... Yung ginawa namin ni Hyacinth sa resort hindi yun maalis sa isip ko kahit dalawang linggo na ang nakakalipas.  Mula noon ay hindi ko na madalas nakakausap si Nyx. Hindi ko kayang humarap sa kanya.' ang nasa isip ni Icarus

"Icarus? Anak?" tawag ng ina ni Icarus mula sa unang palapag.

Nasa kwarto si Icarus at nakahiga sa kanyang kama. Narinig ni Icarus ang tawag ng mama nya ngunit hindi sya sumasagot.

"Icarus!... Icarus!" sigaw nito

"tch. Andyan na!" padabog na tumayo si Icarus at bumaba. "bakit?" tanong  nya

"ah kasi..." hindi halos makapag salita ang ina ni Icarus dahil sa gulat nang marinig ang tono ng kanyang anak. Galit ito at nakakunot ang noo. Nadadalas na ang pagka iritable ni Icarus. "um... Gusto ko lang sana itanong kung wala ka bang sasabihin sa akin? O nakalimutang bagay?"

"ngayong araw?" tanong ni Icarus na nag isip. Tinignan nya ang phone para i-check kung anong date "wala naman bakit? Ano meron?"

"huh?" gulat na tanong nito "sure?" paninigurado nya pero umiling ang kanyang anak. "okay... Sorry sige akyat ka na mukhang pagod ka talaga" 

Naweirduhan si Icarus pero hindi na sya nag tanong pa. Aakyat sana sya pero may biglang nag doorbell.

"FINALLY!!" sigaw ni Rainzel na patakbong pumunta sa pinto upang buksan ito.

Nagtaka ang mag ina dahil sa ipinakikitang excitement. nag kibit balikat si Icarus upang baliwalain ang kapatid at umakyat na lamang, nasa huling baitang na sya nang binanggit ni Rainzel ang pangalan ng dumating.

"KUYA ALYSTER you're here!!" niyakap ni Rainzel si Alyster

"sabi mo kase pumunta ako eh! I bought everything you said. Tada!" ipinakita ni Alyster ang mga bitbit na plastic bags at bouquet of Red Roses.

"Alyster?" takang tanong ng mama ni Icarus

"Tita! Happy birthday po" magandang bati ni Alyster. Inabot nya ang bulaklak sa magandang ina ng kaibigan.

"wow... How?..." napatingin sya sa kanyang bunsong anak. "Rain? You did this?" natutuwang sabi niya

"Yup! I told him that it's your birthday and I want to surprise you. Kuya Alyster help me!" masayang sabi ni Rainzel

"kung gusto mo palang isurprise si mama bakit hindi ako ang sinabihan mo? Bakit ibang tao pa?" galit na tanong ni Icarus na nasa hagdan "and ma? Your birthday? Di ba January 14 ka? October pa lang"

"wala namang may birthday sa atin ng January 14... Last year nakalimutan mo din ang Birthday ng daddy mo..." malungkot na sabi ng mama nya 

Hindi nakapagsalita si Icarus dahil yun talaga ang naaalala nya. Hindi nya alam kung saan nya nakuha ang date na yun pero iyon ang kanyang alam.

Nakatingin lang si Alyster kay Icarus. Naaawa sya sa nakikitang mukha nito. Nalilito ang kaibigan nya. Ang date na binanggit ni Icarus ay ang petsa ng birthday ng ina ni Aries. This is why he can't hate Icarus. Hindi nya naman kase ginusto ang nangyayare pero narito sya nalilito, puppet na pinapatakbo ng ala-ala ng iba.

"it's fine... I'm here to prepare tita... Sadyang marami lang po talaga kaming ginagawa kaya baka nakalimutan ni Icarus. Pero hindi pa naman huli ang lahat di ba?... There's plenty of time to celebrate..." saad ni Alyster na nagpalubag loob sa ina ng kanyang kaibigan.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon