Chapter 27

46 6 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Huh?" takang tanong ni Hyacinth sa sinabi ni Alyster na hindi mag process sa utak nya kahit ilang beses nya iyong ulit ulitin sa isip.

"Be my Girlfriend" lumuhod si Alyster gamit ang isang tuhod upang pumantay sa mukha ng kaharap. "One more time Hyacinth. I'll ask you one more time. Be my Girl" tinitigan nya mata sa mata si Hyacinth. Malamlam at tila nag mamakaawa ang mga naggandahan nyang mga mata. Sumulyap ang dalaga sa paligid pero hinawakan ni Alyster ang kamay nito. "don't look at them, ignore all of them. Look at me. Only me. Just me Haya... I like you and I don't want to loss this chance of mine. I know I'm being to fast. Really fast actually..." yumuko si Alyster at humigpit ang hawak sa kamay ni Hyacinth, unti unti nya itong inangat upang halikan. "I like you" sabi ni Alyster gamit ang boses na pagkalambing lambing.

Napahawak si Hyacinth sa kanyang dibdib gamit ang kaliwang kamay. Sobrang bilis ng tibok ng puso nya. Yung mga maiinit na kamay ni Alyster na nakahawak sa kanya, ramdam na ramdam nya ang mga iyon. Sobrang lamig ng paligid pero dahil sa hawak na iyon ay umiinit sya. Sobrang pressure sya pero at the same time ay na e-excite ang puso nya. Sino ba naman ang aayaw kay Alyster. He's perfect. Mapang-asar nga lang sa kanya. But still he's gorgeous, and kind and sweet. As if she's in a fairy tale like Cinderella. A cinder girl as a Prince Charming girlfriend. Deserve nya bang makatanggap ng ganitong kasiyahan o affection mula sa isang tulad ni Alyster? "I'm surprise..." yun lang ang nasabi ni Hyacinth

"I know. That's the point. But I let you think and wait for your answer. Kahit anong sagot mo tatanggapin ko and I'll respect it. I just want you to know na I like you. This is my very first time to feel like this. Just you Hyacinth" saad ni Alyster. Marahan nyang inabot ang batok ng dalaga at inilapit sa kanya upang mahalikan ang noo nito. Tumayo sya at naglakad palabas.

Umatras si Irving ng makita si Alyster na nakangiti. No. He's grinning. That evil-ish grin na nagpatindig ng kanyang balahibo. Sya lang ang nakakita nun dahil naka upo sya malapit sa pintuan.

'pinag lalaruan nya si Hyacinth... Imposibleng mawala na lang ng basta yung nararamdaman nya kay Nyx sa isang iglap. Anong nangyayare?' nalilitong tanong ni Irving na Nanginginig ang kamay habang hawak ang phone, ilang segundo nang nakakalipas nang lampasan sya ni Alyster.

Tahimik lang silang lahat. Tila walang narinig. Ipinagtaka iyon ni Hyacinth dahil akala nya ay magiging tampulan sila ng tukso. 'siguro alam nilang lahat na seryoso talaga si Alyster kaya hindi nila magawang asarin ang kaibigan nila... Ako pa lang ang una nyang nagustuhan? Anong gagawin ko? Parang mas gusto ko na lang na asarin nila ako kesa ganitong sobrang tahimik!!! Di ko alam!' sabi ni Hyacinth sa isip. Napahawak sya sa kanyang ulo ng makaramdam ng hilo. Bumibilis pa din yung tibok ng puso nya. Habang na kaupo ay inalala nya ang mga palipad hangin ni Alyster na lagi nyang binabaliwala. Yung pa simpleng hawak sa kamay o pag akbay o pag-alalay sa kanya habang naglalakad sya.
Ayaw nyang umasa at maging hopia sa pinapakita ng binata kaya hindi nya na lang pinapansin dahil baka sadyang mabait lang ito. Pero ngayon na inamin ni Alyster na gusto sya nito, hindi nya mapigil ang tibok ng puso.

"so anong isasagot mo?" tanong ni Cornelius na nagbukas ng usapan.

Napatingin si Hyacinth "Ewan ko..."

"Isipin mong mabuti yung isasagot mo, hindi sa pinipressure kita pero Siguraduhin mo yung isasagot mo sa kanya" saad ni Ylona.

"kaya nga. Nakakatuwa dahil handa nya nang i-give up yung pagmamahala nya ka--" mabilis na tinakpan ni Hillary ang bibig ni Dart bago pa ito makapag drop name. Sinamaan ng tingin ni Angel si Dart.

Buti na lang dahil sa pag iisip ni Hyacinth ay hindi nya narinig si Dart.

Nakatingin lamang si Nyx sa nilabasan ni Alyster 'that's Dirty' saad niya sa isip na tinutukoy ang ginawa ng kaibigan. Tatayo sana sya para sundan ito pero naunahan sya ni Icarus na tumayo para lumabas upang sundan si Alyster.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon