Chapter 9

49 5 1
                                    

ALYSTER'S POV

Nabasag ang katahimikan ng biglang nag ring ang phone ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa at sinagot.

"hello?" magalang kong sagot

[is this Alyster?] tanong ng lalaki sa kabilang linya.

"ah yes this is Alyster speaking... Who's this?" saad ko. Tinignan ko pa ang phone ko at nakita na unregistered number iyon.

[my boss wants to talk to you... Sir... Alyster] nagpalit ng boses yung lalaki at naging boses matanda. And I know that voice kaya Napabangon ako.

"Sir." yun lang ang nasabi ko at naging speechless na ako

[are you busy today? I'm on my way to the Philippines and I want you to pick me up from the airport... I have something to discuss with you] saad ng Lolo ni  Nyx at Ethan.

Tumingin muna ako sa mga kasama ko na naka tingin din sa akin at curious kung sino kinakausap ko because I'm panicking na bihira lang nila makita.  "wala naman po akong ginagawa... I'm free today so I can make it and I'm on my way" sabi ko. Nakita ko kung paano nag bago ang mga mukha nila.

[Thank you Alyster... Hindi talaga ako nag kamaling magtiwala sayo] saad ni Sir Patrice na nag pablush sa akin at para hindi makita ng mga kasama ko ay tinakpan ko ng aking kaliwang kamay ang mukha ko.

I clear my throat to composed my sincerest gratitude "ehem... Thank you for your trust sir" yun lang at pinatay na nya ang phone kaya binaba ko na din ang cellphone ko. "Irving... Pahiram ako ng damit" saad ko na hindi lumilingon sa kanila dahil alam ko na namumula pa din ako pero nahagip ng mata ko si Ethan na tatango tango at mukhang alam na kung sino ang kausap ko.

"sige kuha ka lang dyan" sabi nya

"aalis ka?" tanong ni Nyx

"paano yung review?" Tanong din ni Yuna

"I'm sorry... Importante lang talaga" paliwanag ko habang tinitignan ang mga damit ni Irving na nasa kabinet nya. Dahil naka shorts lang ako ay kumuha ako ng khaki pants at yung blazer nya na pwedeng ipares sa turtle neck kong damit. Mabilis akong bumaba para mag palit sa banyo nila at sinuot yung mga kinuha kong damit then Tinupi yung dati kong suot saka lumabas at pumunta sa kusina. "Tita meron po kayong paper bag? Lalagyan ko lang po sana ng damit ko?" tanong ko kay Tita

"paper bag?" tumingin sya sa akin at bihis na bihis ako kaya mabilis syang kumuha ng paper bag sa isa sa mga compartment ng kusina nya. "here!" nakangiti nyang saad ng inibot sa akin ang hinihingi ko na katerno pa ng suot ko.

"thank you tita" masaya kong saad

"you're welcome!" sabi nya kaya tumakbo na ako paakyat "Alyster no running nasa hagdan ka pa naman" saway nya sa akin.

"I'm sorry!" sabi ko pero tuloy pa din ako sa pag akyat habang tumatakbo.

"woah..." bungad na saad ni Leon pagpasok ko "I got a boner"

"yeah..." pag sang ayon ni Reginald at Casper na tumingin pa sa pantalon nila

"oh shut up!" saad ko na natatawa sa kanila

"oppa!" pang aasar ni Godfrey "Oppa anakan mo ako! Aah!"

"hahahaha" tawanan nila na ikinatawa ko din.

Kinuha ko yung cellphone ko at binulsa "alis na ako guys! Sorry!"

"wait lang" pigil sa akin ni Hemera "para full package ang pag ka oppa mo ipapahiram ko to sayo" saad nya na tumayo at tinanggal ang hikaw na na nasa kanang tenga. Isang mahabang hikaw na umaabot sa balikat nya. Straight at simpleng silver na hikaw. Sinuot nya iyon sa tenga ko at bahagyang nag pout para tignan yung itsura. Nakita nya ayung wax ni Irving at binuksan iyon para lagyan yung buhok ko at ayusin iyon. "hmmn? What do you think?" pinakita nya sa kanila yung itsura ko. Naka brush pa likod yung buhok.

"Masyadong formal?" saad ni Dart na kinagat ang ibabang labi at tila nag isip kung anong ayus ang bagay. "ah alam ko na..." tumayo sya inayos ang buhok ko "masyadong formal yung ayos ng buhok mo so... Mas bagay kung medyo may pagka bad boy pa din eh pero kagalang galang. Dapat makikita yung personality sa ayos ng buhok... Kase kung yung kanina mukha kang follower... Hindi bagay. Ikaw dapat ang sinusunod. Kaya buhok pa lang dapat nakikita na yung pagiging dominant mo... TADA!" proud nyang ipinakita ang itsura ko.

Nakita ko sa malaking salamin na naka tapat sa akin ang itsura ko. Yup... Mukha nga talaga akong dominante sa itsura ko. Naka gilid iyon, may iilang bangs na bagsak at may pagka messy ng konti. Mukha akong bad boy sa itsura ko. "teka Dart... Dapat mukha akong mabait sa itsura ko!" sabi ko sa kanya. "at formal!"

"ah." sabi ni Dart. Aayusin nya ulit sana yung buhok ko pero nakita ko yung orasan

"wag na okay na toh! Thank you alis na ako!" sabi ko.

"iwan mo na yung paper bag, ako na mag uuwi nyan" saad ni Luke

"thank you so much Luke" yun lang at bumaba na ako. Habang nasa hagdan ako ay may nag salita sa likod

"pasabi kay lolo nakakatampo sya!" sabi ni Ethan na naka taas ang kilay na nakatingin sa akin

"huh? Ah I'm sorry... Pero baka gusto nyang surprisahin kayong dalawa" saad ko.

"yeah yeah..." pero natawa sya

"bakit?" takang tanong ko

"he he pero hindi ako magtataka na ikaw ang una nyang tinawagan... Sige na bilisan mo ingat ka" sabi nya

Mabilis akong naglakad papunta sa pinto "tita! Tito aalis na po ako bye!" sigaw ko habang nag susuot ng sapatos at kinuha ang helmet ko saka lumabas. Mabilis kong pinaandar ang motor ko, sinuot ang helmet at umalis na ng tuluyan.

☠️☠️☠️☠️☠️

Sakto ang oras ng aking pagdating nang tumawag ang assistant ni Sir Patrice upang sabihin na kakadating lamang nila. Nag tanong muna ako sa guard kung saan ako pwedeng pumasok kasamay ang motor ko upang salubungin sila sakay ng private plane. Binigay sa akin ng guard ang direction na aking sinundan. Nakakita ako ng tatlong itim na sasakyan at tila may hinihintay. Pumarada ako sa tapat nila.

"Good afternoon Sir Alyster" sabi ng mga guard na nakasuit na binati ako.

"Good afternoon" bati ko din. Limang minuto ang hinintay namin bago nakita ang puting plane na papalapit. Hanggang sa tuluyan na nga itong lumapag at ibinaba ang pinto. "Sir..." bati ko kay Sir Patrice ng bumaba sya.

"Alyster..." nakipag shake hands sya sakin "I'm happy to see you... Thank you for coming here, let's go?" pinag buksan sya ng pinto ng isang bodyguard nya

"actually sir, I have my bike so---" sabi ko pero tumingin sya sa akin at alam ko na ang ibig sabihin nun Kaya binigay ko ang susi sa isang bodyguard at pumasok sa kotse saka umalis. "saan po ang diretso nyo ngayon? Sa bahay ba ni Nyx?"

"No I want to surprise her and Ethan... But of course alam na malamang ni Ethan na I'm here" tumingin sya sa akin kaya ngumiti ako bilang pag sang-ayon. "I want to prepare my wedding gift for Lelouch and Cempa for next week... And of course I also want to manage the company dahil baka naman hindi nya na maasikaso ang kasal nya at puro sya trabaho" saad ni Sir Patrice. "hmn... Is it enough to buy them an island as a gift?"

"island sir?" takang tanong ko at nasamid ng bahagya

"yeah... Maybe kulang ang island..." saad nya na nag isip ulit.

"in my opinion Sir, pwede mo ilibre ng honeymoon... National or international trip I guess" sabi ko.

"hmn. Maybe you are right? An international honeymoon trip from... Hawaii, Maldives... Paris? How about Japan? Or Korea? Netherlands or Switzerland?... Hmn. Why not all?... I can lend to them my private plane." masaya nyang sabi kaya napa ngiti na lang din ako "it feels like my own son are the one who's going to get married... Gusto kong bumawi kay Klaus kahit sa batang inalagaan nya na lang" he said with teary eyes.

"if he's me... I'm very grateful to you for loving my family Sir" sabi ko.

After ng mahabang byahe papunta sa hotel na tutuluyan ni Sir Patrice ay nakarating kami. Akala ko ay mag papahinga na sya ngunit tinawag nya ako upang mag usap kaming dalawa.

Umupo sya sa comfort chair. "I have something to discuss with you"

Napalunok ako sa timbre ng boses nya nagseryoso

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon