Chapter 7

58 5 0
                                    

ALYSTER'S POV

Ginagabihan after nilang umuwi ay nag search ako about cellular memory phenomenon or cell memory theory. Basic info about this theory na alam ko ay ang pagbabago ng personality ng organ donor recipient. Nakukuha nila yung ilang personality nito or yung mga gusto ng totoong may ari, pwede din na maging familiar sa kanila yung smells na dati nang naamoy ng organ donor or the familiarity of events or person na directly-ng na experience ng may-ari ng organ. Those phenomenon ay possible sa heart transplant... So hindi malayo ang theory ko sa inasal ni Icarus.

His confusion...

I'm not doubting his love for Nyx kung pinag uusapan natin ang dating Icarus before his operation... Before mapalitan yung puso nya. 3 years ago. Nag hanap ako sa internet about cell memory theory. Gusto kong malaman lahat tungkol dito. The studies, the cases, yung mga taong nag aaral sa theory na toh at kahit sa mga maliliit na detalye. Lahat...

After kong mabasa ang maraming mga studies I came up with my own theory. Maybe nag manifest lang ang feelings ni Icarus toward Hyacinth nung magkita at magkakilala sila. That strong feelings of Aries for Hyacinth nararamdaman yun Icarus.

ICARUS POV

"Are you okay?" tanong ni Nyx habang naglalakad kami pauwi sa bahay

"yeah" maikli kong sagot pero hindi sya tumigil sa pagtatanong

"are you sure your feeling well?" hahawakan nya pa dapat ang noo ko pero di ko sinasadyang matabig ang kamay nya ng makaramdam ako ng inis dahil sa kakulitan nya

"I'm fine!" napataas ang boses ko ng sabihin ko iyon. Ikinagulat din ni Rainzel kaya kaya napasigaw sya ng

"Wah!" - Rainzel.

Napatingin tuloy ako sa kapatid ko na tumingin din sa akin, sunod kong tinignan ay si Nyx pero nakayuko lang sya then narinig ko ang boses nya

"sorry..." dinig kong bulong nya.

Saka ko lang na realize yung ginawa kong pagtabig sa kamay nya. "ah I'm sorry... Hindi lang siguro talaga ako okay gaya ng sinasabi ko" sabi ko. Yun lang ang huli naming pag uusap dahil tahimik na kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng gate. "pasok ka muna" sabi ko pero umiling sya.

"no need... Pahinga ka na" sabi nya.

"bye ate Nyx" saad ni Rainzel

"Bye..."  sabi nya kaya pumasok na kami ni Rainzel. Napansin ko na nakatingin si Rainzel sa akin.

"what?" tanong ko

"where's the kiss?" tanong nya din sa akin.

"kiss? What kiss?" takang tanong ko din kaya napaisip ako hanggang sa "ah! Yung goodbye kiss!" sigaw ko kaya dali dali akong lumabas ulit ng bahay  pero wala na si Nyx. Tumakbo ako para hanapin sya at baka maabutan ko pa "Nyx!" sigaw ko ng makita ko syang naglalakad pero hindi nya ako nilingon, malamang ay naka earphone sya. "Nyx!" sigaw ko ulit nang makita ko na pumara sya ng taxi ay mas binilisan ko ang takbo dahil may huminto at  binuksan na sya iyon para makasakay sya "Teka!" sigaw ko. Nang umabante na taxi ay bigla akong humarang para hindi makausad ito ngunit bahagya akong natamaan sa tuhod ng bumper nito. "ah!" inda ko sa sakit at nawala ang balanse ko kaya napaupo ako.

"Hoy! Magpapakamatay ka ba?" galit na bumaba ang taxi Driver para sigawan ako.

"Icarus?" bigla akong lumingon ng marinig ko ang pangalan ko.  "anong ginagawa mo?" inis na tono ni Nyx. Kahit hirap ay tumayo ako kumuha ako ng pwersa ng alalayan nya ako. "anong kalokohan toh?" tanong nya pero di ako sumagot sa halip ay hinawakan ko sya sa bewang at idinikit sa katawan ko saka sya hinalikan.

Hello Heartache [G. A. Series Book 2] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon