CHAPTER 7

74 4 0
                                    

Donna's POV

Habang pauwi ako sa bahay nila Heily. Hindi ko maalis sa isip ko ang napag-usapan namin ni Dad.

Nawawala ako sa sarili ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari ang bagay na yun.

Kung sasabihin ko ba sa mga magulang ko na may taong handa akong mahalin... maniniwala kaya sila??

Napabuntong hininga nalang ako at paulit-ulit na umiling.

"Yo Donna." Napatigil ako at agad na hinarap ang taong nasa likuran ko.

(─_─) Si Jared na baliw.

Napangiti naman sya at kasabay nun ang pag-iwas nya ng paningin sakin.

"Bakit naman sumobra ang pagkakangiti mo sakin? Hindi naman ganyan yung normal mong ngiti diba??" Humakbang sya palapit sakin. Hinawakan nya ang magkabilang braso ko.

(>_<) Loko!! Kailan ko naman sya nginitian??

"May problema ba??" Agad akong umiling.

"Wala!!" Sagot ko pa. Bigla syang napabitaw sakin.

"Sungit talaga nito." Bulong nya pero rinig na rinig ko.

"Anong magagawa mo kung masungit ako??" Inirapan ko sya at bahagyang itinulak palayo sakin. Tinignan ko lang sya.

"Wag mo sabi akong ngingitian ng ganyan."

"Kalokohan mo na naman... hindi naman kita nginingitian dyan 'no?! Nag-aassume ka ba?? Hanep." Inirapan ko ulit sya. Napatingin ako sa paligid namin. Nilingon ko naman sya.

"Oy Jared... malapit lang ba ang bahay mo dito sa area na 'to??" Tumango naman sya.

"I see... so, mauuna na ako sayo... see you on Monday." Tinalikuran ko na ulit sya pero ilang hakbang palang ang nagagawa ko... narinig ko ang pagtawa ni Jared. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad ko.

"Sure... see you. Agahan mo ulit ang pagpasok mo katulad ng lagi mong ginagawa." Nilingon ko sya pero nakatalikod na rin pala sya... naglalakad na sya palayo at tanging likuran nya nalang ang nakikita ko pero hindi pa sya ganun kalayo.

"Oo sige... aagahan kong pumasok." Mahinang sabi ko saka ako naglakad ulit. May bigla namang bumalik na isip ko kaya hindi ko namalayan ang pagkuyom ng dalawang kamay ko.

"Nakalimutan mo na ba talaga??" Bulong ko sa sarili ko. Nakaramdam ako ng pagkainis at dali-dali akong umuwi.

***
BAHAY

Naupo ako sa kama ni Heily habang abala sya sa pagkain ng wafers. Kinuha ko yung phone ko at binasa ang mga message na galing sa unknown number na nagtetext sakin.

(>_<) Paano ko ba sasabihin kay Heily??

"Heily... may sasabihin ako sayo." Dahan-dahan ko lang na sabi at tinanguhan nya lang ako para sabihing nakikinig sya.

"Tungkol sa napag-usapan namin ni Dad kanina." Umayos sya nang pagkakaupo at tuwid na tumingin sakin.

"Natatandaan mo pa ba yung una nating pagkikita? Bago tayo naging magkaibigan??" Tumango-tango naman sya.

"Nung grade six tayo diba?? Well hindi na ako sure eh... pero natatandaan kong nasa elementary palang tayo nun... Teka bakit mo naitanong??" Pagtataka nya naman. Natahimik ako at bumuntong hininga.

"That time... nagkagusto ako sa kaklase natin. Hindi mo ba nahalata yun??" Napangiwi naman sya at agad na napailing.

"Anong malay ko sayo... ang tahimik mo kaya?? Hindi ka nagkukwento sakin tungkol sa crush mo." Sabi nya pa saka kumain ulit.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon