CHAPTER 73

18 1 0
                                    

Heily's POV

Pagkatapos ng practice para sa graduation. Pumunta naman kami sa field, hiwa-hiwalay kami ng pwesto pero hindi gaanong nagkakalayo. Medyo nabawas-bawasan na rin ang mga estudyante. Kasama parin namin yung dalawang bata na mas matured pa yatang mag-isip kaysa sakin.

Si Grey, mukhang kinakausap ng kinakausap si Jared tungkol sa kung anu-anong bagay. Pati tuloy si Royl nadadamay na sa pagtatanong kay Jared habang wala rin itong kamalay-malay sa pagiging madaldal ni Grey.

"Hindi kaya lalo lang makahalata yang si Jared dahil sa pinag-gagawa ng Mokong mo?"

"Edi mas mabuti, mapapaamin ka ng mas maaga." Sabi ko dahilan para bigla nya akong batukan.

Aray ah?

"Hindi pa ako handa eh, nakakainis ka." Asik nya sakin. Hindi ko nalang sya pinansin. Napatingin ako sa relo ko, magdadapit-hapon na.

"Heily." Mabilis kong binalingan si John, ang totoo nyan kanina nya pa ako kinukulbit na parang batang nanghihingi ng pera.

Ewan ko, feeling ko tuloy ang tanda ko na.

Hindi ako makapaniwalang mas matanda ako kay John kaya medyo naiilang ako sa kanya, hindi ko rin alam kung bakit.

"Yung tungkol sa napag-usapan natin." Sabi nya. Awtomatikong tinignan ko si Donna pero mukhang wala syang pakialam. Mabuti naman kung ganun, nakakapalagay ng loob. Binalikan ng paningin ko si John, ang kaso naman katabi nya si Andrew na halatang interesado sa balak naming pag-usapan ulit ni John.

"Hindi ko pa nakakausap si Aila eh. Gusto ko muna kasing malaman yung side nya." Mahina kong sabi kay John kaya medyo napalapit pa si Andrew at pilit nakikinig.

"Ganun ba? Sige, take your time."

"Oh ano yang pinag-uusapan nyo?!" Malakas na tanong ni Andrew, naging dahilan yun para napunta saming dalawa ni John ang atensyon ng lahat malibang kay Donna na talaga namang nakikinig lang habang nagsasalitan ang tingin samin.

"Nagbubulungan kayo, ayaw nyong iparinig sakin, ay samin pala. Ang damot nyo ah?!"

Anong pinaglalaban neto?!

"Tungkol lang naman sa random things." Simpleng sagot ko pero bigla syang napasimangot.

"Gusto ko rin namang maging ka-close ka, bakit ayaw nyo akong isali sa usapan nyo?"

Wah! Tignan mo nga naman 'tong batang 'to!

"Hoy poodle! Lubayan mo si Heily." Sabi ni Jared.

"Oo at baka maitali kita para gawing pet sa bahay nila Aila." Sabi naman ni Grey.

Bwiset! Hindi maka-move on sa pet na yan.

"Okay lang kung sa bahay ni Aila, mas mababantayan ko sya." Seryoso sabi ni Andrew sabay tingin kay John.

"Boto sakin si Kuya Grey." Dagdag nya kaya agad kong tinignan si Grey. Nakangiwi sya at alam kong dahil yun sa sinabi ni Andrew. Napangiti ako.

"Loko wag mo akong ma-Kuya Kuya dyan!"

"Tumigil na kayo." Halos magkasunod na sabi ni Donna at Royl kaya parang gumaya lang ang isa sa kanila. Hindi ko alam kung sino ang unang nagsalita.

"Yan kasi!" Parang batang reklamo ni Andrew at itinuro-turo sina Jared at Grey.

"Hayaan mo na kasi sina Heily at John, halika, dumito ka nga. Kukutusan kita eh." Sabi pa ni Grey kaya napaarko ang kilay ko. Makahulugan nya akong tinignan.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon