CHAPTER 78

15 2 0
                                    

Heily's POV


Bakit?!

Wala sa sarili kong nilibot ng tingin ang buong garden. Pakiramdam ko nalulungkot ako para sa lugar na ito. Pagkauwi ko galing school, naabutan ko na sina Mama't Papa dito sa labas. Nagpaplano na si Papa na baguhin ang design nitong lugar at paniguradong tatanggalin nya ang tree house.

"Papa!" Pasigaw kong pagtawag, nasa balkonahe kasi sya habang tumitingin-tingin ng kailangang tanggalin at ibahin sa garden. Hindi nya ako nilingon pero si Mama ang agaran at nagmadaling lumapit sakin.

"Anak! Anong nangyari?!" Umiling ako.

"Uhmm wala naman po Mama." Naibaba ko ang tingin ko sa lupa.

Ang totoo si Papa talaga ang gusto kong makausap.

"Aalisin nyo po ba 'to?!" Diretsuhan kong patungkol sa tree house na agad namang tiningala ng tingin ni Mama.

"Yun ang plano." Bumalik ang tingin nya sakin kasabay ang paghaplos sa buhok ko. Ngumiti sya.

"Masyado na kasing matagal yan dyan eh, nag-aalala ang Papa mo." Bumuntong hininga si Mama at tinapik-tapik ang balikat ko.

"Intindihin mo sana sya." Hindi naman ako nakapagsalita. Makahulugan naming tinignan ang isa't isa.

"Hmm, alam ko na yan eh..." Nagpilit ako ng ngiti sa kanya saka umiwas, napunta sa tree house ang tingin ko. Pinagmasdan ko itong mabuti.

"Iniisip mo yung mga memories na naipon sa bahay-bahayan na yan." Pagpapatuloy ni Mama. Parang lalo akong nalungkot.

"Opo, Ma." Mahina kong sabi. Sabay kaming humarap sa bahay na yun. Nakatingala lang kami at tila inalala ang lahat ng nangyari sa lugar na ito.

"Isa pa... hindi pa po bumabalik si Shei."

Nami-miss ko na sya.

"Siguradong malulungkot ako kapag hindi sya nakapasok dyan." Naramdaman ko ang paghawak ni Mama sa likuran ko at ang magaang pagtapik nya dun.

"Sorry Heily ah?"

"Okay lang po Mama. Talagang nanghihinayang lang po ako."

"Mama!" Sigaw ni Papa kaya mabilis nyang naagaw ang atensyon namin.

"Maiwan na kita."

"Sige po, Ma." Nginitian nya ulit ako. Hinabol sya ng tingin ko hanggang sa makalapit sya ng tuluyan kay Papa. May pinag-usapan agad sila.

Halos nasa kanila lang ang tingin ko sa loob ng ilang minuto. Kung titignan, masyado na silang nagiging busy. Kung kailan naman tumatanda na sila, ngayon pa sila nagkaroon ng mas maraming gagawin.

"Magpahinga po muna kayo!" Sigaw ko sa kanila. Nakangiti silang tumingin sakin, sumenyas ng 'okay'. Mabilis akong napabaling sa pinto ng back door nang bumukas ito. Ako agad ang nakita nya.

"Grey."

"Hello po. Mano po, may dala po akong Burger and fries, dumaan po kami ni Heily sa food court." Lumapit naman sya kina Mama't Papa at nagmano. Tinignan nya ulit ako, hindi ko na kasi sya binalikan sa living area. Matapos nun ay naupo sya at nakisali sa pinag-uusapan nina Papa.

Hindi ko na sila pinansin. Tumutulong si Grey sa pagpapaganda nitong garden, sana naman tumutol syang alisin ang tree house... ang kaso lang mukhang malabo.

Sa loob ng bahay-bahayan na yan, maraming masasayang alalang naiwan. Nakakulong at hanggang ngayon, hindi makawala. Kung basta-basta nalang aalisin yan, baka walang makapansin ng alalang nasa loob.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon