CHAPTER 26

30 2 0
                                    

Heily's POV

Sinabayan ako sa pagpasok ni Donna sa bahay nila. Sina Mama at Papa kasi ay nakikipagkwentuhan na kay Tita Selena. Pinuntahan namin sina Royl, Shei, at Jared sa garden.

"Mamaya nga pala... darating si John. Ininvite ko rin kasi sya tulad ng sinabi mo."

"Eh si----" Mabilis na tumingin sakin si Donna kaya hindi ko naituloy ang sasabihin ko.

"Yung totoo, may gusto ka na kay Grey 'no??"

"Wow, itatanong ko lang kung makakapunta sya gusto ko na agad sya ganun??"

"Bakit hindi ba??"

"Hindi talaga." Madiin kong sabi.

"Tss, lagi pang itinatanggi eh halata naman sayong gusto mo sya." Nagulat naman ako pero hindi ko nalang ipinahalata sa kanya.

"SHEI!!!!" Sigaw ni Donna nang makita ito. Kadarating lang namin sa garden at agad nyang sinugod si Shei na kinabog ang pag-upo sa madamong lupa. Tinabihan namin sya.

"I miss you Shei. Si Heily hindi ko na-miss." Napataas ang kilay namin ni Shei at sabay na napatingin kung nasaan ang mga braso namin.

"Hindi mo nga ako na-miss pero kung makakapit ka sakin ay akala mo namang mawawala ako." Sarkastiko kong sabi sa kanya. Nasa pagitan sya namin ni Shei at kapit na kapit sa braso namin. Para namang hindi kami nagkita ng halos na mahabang panahon. Biglang nagpout si Donna. Mabilis ko namang tinignan si Jared na halatang nagulat sa ginawa ni Don. Nakita ko ang mabilis na pamumula ng pisngi ni Jared. Tss, nakakabakla ang pagiging cute ni Don diba??

Tinignan ko ulit si Donna dahil hindi ko dapat palampasin ang pagiging bata nya. Mamaya lang nyan ay nakapoker face na naman sya at magtataray na parang hindi nya alam kung paano ngumiti.

"I miss you too Don." Sweet na sabi ni Shei. Napangiwi ako. Hindi ako makapaniwalang magkakaganyan sila.

"Edi kayo nang close." Napatingin silang dalawa sakin pati na sina Royl at Jared.

"Naku mukhang may nagseselos." Nagtawanan nalang kami.

"Pero bago ang lahat, bago pa mapunta sa kung saan ang topic natin. Anong gusto nyong gawin??" Tanong ni Jared.

"Eh diba katatapos lang ng house warming?? Ano bang magandang celebration??" Nagkatinginan kami. Mukhang may maganda akong naiisip pero baka hindi naman nila magustuhan.

"Barbecue party??" Suggestion ni Royl.

"Sleep over." Tanong ni Jared. Tinignan namin si Donna.

"Maglaro tayo ng truth or dare." Napairap ako sa sinabi ni Donna dahil na rin sa tono ng boses at halata sa itsura nya ang pagiging excited. Sabay-sabay silang tumungin sakin.

"Wala akong naiisip." Sabi ko na ikinaingay nila.

"Ugh!!!" Inis na sabi ni Donna sabay bitaw at hampas sa braso ko.

"Kj mo naman." Malungkot na sabi ni Shei na sinang-ayunan ni Donna.

"Boring mo." Paiwas na sabi naman ni Royl. Tinignan ko si Jared dahil baka may gusto rin syang sabihin.

"Wala kang maisip kasi wala kang utak." Sabi nya kaya kinutusan ko sya at nagtawanan naman sila.

"Sige tumawa kayo?!" Inambahan ko rin sila ng kutos na ikinatigil naman nila. Bigla tuloy akong nag-isip ng gagawin.

"How about swimming??" Napatingin kami sa kadarating lang na si John.

"Hey!!" Nakangiting sabi ni Donna. Tumabi naman si John kina Royl at Jared.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon