CHAPTER 50

44 3 2
                                    

Shei's POV

Kabubukas lang ulit ng shop nila Heily. Mas pinalaki at mas pinalawak ito. Ngayon na sana magaganap ang reunion para saming lahat pero dahil sa nangyari sa Mom ni Royl hindi na natuloy, nagkita-kita naman kaming lahat, hindi para mag-saya kundi para makiramay at makita ang abo ni Tita Flor sa bahay nito.

Hindi yung inaasahan naming masayang pagkikita-kita ulit. Ngayon naman, napag-isipan na nina Mom at Dad ang pag-alis namin. Pumayag naman ako.

"Ayoko sanang umalis, lalo na sa sitwasyon ni Royl." Nasabi ko.

"Eh kasi naman sigurado ka na ba talaga?" Tanong ni Donna.

"Siguro dapat na talaga akong umalis, habang nakatuon pa sa iba ang atensyon ni Royl. Kung aalis ako, hindi nya na mapapansin yun lalo na ngayon. Si Tita Flor parin kasi yung inaalala nya."

"Pwede namang wag ka nang umalis." Napatingin kami sa kararating lang na si Aila. Kasama nya si Grey. Lumapit sila samin.

"How's Royl?" Tanong agad ni Grey. Napatingin ako kay Heily.

"He's okay." Sagot nito samin saka napatingin sakin.

"Alam nya bang aalis na si Shei?" Dagdag pang tanong ni Aila. Tumangu-tango si Heily bilang sagot.

"But where is he?" Walang nakaimik sa naging tanong ni Donna. Hindi ko pa sya nakikita ulit, sabi ni Heily hindi daw ito lumalabas ng kwarto.

Hindi ko man lang sya nagawang damayan sa lahat ng pinagdadaanan nya.

"Hayaan na muna natin sya. Nag-iipon lang ulit sya ng lakas para maharap satin. Naging mahina sya dahil sa nangyari sa Mom nya pero magiging okay lang sya katulad ng dati." Nasabi ko. Napayuko naman ako nang makita silang nakatingin sakin.

Yung tingin na nakakapanghina ng loob. Parang sinasabi ng tingin nilang...

"Kailangan ka nya, wag kang umalis."

"Hindi mo na kailangang umalis, may dahilan ka na para mag-stay."

"Dito ka lang palakasin mo ulit ang kalooban nya."

"Wag kayong ganyan Guys, imbis na hindi ako nag-aalala eh, wag nyo naman ako tignan ng ganyan." Sabi ko habang nakatitig sa sahig.

"Magiging okay lang si Royl kahit wala ako. Samahan nyo sya para sakin." Lakas loob ko silang tinignan at ngumiti. Pinilit kong mag-mukhang okay pero hindi ko namalayang napaluha na pala ako.

Nakaiwas parin sila ng tingin sakin. Nakita kong hinawakan ni Grey ang balikat ni Heily kaya saka ko lang napansin na umiiyak na pala sya.

"I have to go." Hindi sila sumagot. Nakatitig na sila sakin nang magpaalam ako.

"I have to go." Ulit ko.

"Shei." Napalingon ako sa likuran ko at nakita si Royl na nakatayo sa labas sa tapat ng entrance.

"Ako ang sundo mo. Ihahatid na kita." Dagdag nya bago tuluyang pumasok sa shop.

"Sasama ako... I mean sasama kami." Sabi ni Heily. Ngumiti ako at nag-nod.

"Mag-papaalam lang ako kina Mama't Papa."

"Hindi na kailangan. Sasama rin kami." Sabi ni Mama at nakahanda ng umalis.

"Kayo rin po?!" Lumapit sina Mama at Papa sakin saka sabay na tumango.

"Oo naman. Let's go."

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon