CHAPTER 43

37 4 0
                                    

Donna's POV

Hindi ko maalis ang tingin ko kay Jared. Mabilis nya kasing kinakain ang inorder kong ice cream para sa kanya.

"Dahan-dahan lang." Tumingin sya sakin.

"Magsasara na ang shop na 'to. Sino bang nagsabi sayong dito mo ako hintayin?!"

"Sabi ng puso ko." Pang-iinis ko sa kanya. Ngayon alam ko na kung bakit tuwang-tuwa si Grey kapag iniinis si Heily.

Nang maubos nya ang ice cream...

"Halika na." Mabilis syang tumayo at sabay rin akong hinila. Lumabas kami ng shop. Bahagya nya akong iniharap sa kanya at tinitigan. Inilabas nya ang panyo nya at pinunasan ang pisngi ko.

"Ano ba?!" Inis kong tanong, pati labi ko pinunasan nya kaya pilit akong lumayo sa kanya.

"Problema mo na naman ba?!"

Ang sakit ng labi ko. Peste 'to.

Bigla nyang inagaw ang hand bag ko. May kung ano syang hinanap sa loob nun at ipinakita pa mismo sakin nang mahanap nya ito. Yung lipstick at lip balm ko.

"Which one?! This one or this one?! This one!!" Ibinalik nya sa bag ko ang lip balm samantalang ihinagis nya naman sa kung saan ang lipstick ko.

Loko 'to ahh!?

"Come on! Bakit iba ang itsura mo ngayon? Hindi mo naman kailangan yun. Saka sa susunod konting blush-on lang ang ilalagay mo sa pisngi mo! Halika na!" Lumapit sya at hinila-hila na naman ako.

"Saan naman tayo pupunta?!" Inis ko na talagang tanong.

"Sa puso mo!!" Inis nyans sagot. Umiwas naman ako ng tingin kay Jared.

"Tinatanong kita ng maayos dyan!!"

"Nagtanong din ako ng maayos kanina!!"

Peste 'to ahh?! Bakit naninigaw?!

"Bakit mo ako sinisigawan? Nagagalit ka?! Ayaw mo nalang sumagot dyan eh!"

"Magde-date tayo! Ano masaya ka na?!"

Date daw.

"Saan mo nalang ako ide-date ang tanong!!" Inis ko paring tanong.

"Sa puso ko! Sa puso mo! Sa puso natin." Irita nya namang sabi kaya bigla akong napatawa. Nawalang bigla yung inis ko. Tinignan ko sya at kiniliti sa tagilaran.

"Para kang ewan. Bakit ka nagkakaganyan?!" Hawak-hawak nya parin ang kanang kamay ko. Sya rin ang may dala ng bag ko kaya sa hindi malamang dahilan, para akong baliw na nakangiti.

"Umuwi nalang muna tayo. Sa ibang araw nalang yung plano mong date. Hindi ka ba napagod sa pagrerecord nyo?! Magpahinga ka nalang kaya?!" Sabi ko sa kanya. Tinignan nya ako.

Bakit parang ayaw nyang umuwi?

"Sigurado ka?! Akala ko gusto mong ilibre kita?" Napangiwi ako kay Jared. Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad. Hindi kasi kami gumamit ng kotse.

Tahimik lang kaming dalawa. Wala pa yatang balak sumakay sa taxi ang lalaking 'to. Ang ending, maglalakad talaga kami pauwi.

"Hindi ba tayo magko-commute?!"

"Ayoko." Mabilis nyang sagot.

"Bakit naman?! Papagurin mo ba ako?!"

"Mas mapapagod ka mamaya pagkauwi natin sa bahay."

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon