CHAPTER 37

31 3 0
                                    


Heily's POV






Nagkatinginan kaming tatlo nang may narinig kaming paparating na sasakyan at saktong tumigil ito sa tapat ng bahay.

"Mukhang si Jared na yan." Lumabas naman kami para salubungin si Jared.

"Hi Heily." Ngiting-ngiti nyang bati sakin nang makababa sya sa kotse. Nginitian ko lang din sya.

"Tara na. Ihahatid ko na kayo." Pagmamadali pa ni Jared at lumapit kay Donna sabay yakap pa dito.

"Bitaw." Bored na sabi ni Donna kay Jared samantalang nakita ko ang sandali nyang pagbalik ng yakap dito.

Nagiging showy na sila ahh?!

"Ayaw." Sabi ni Jared at nakuha pang yugyugin ang loka-lokang si Donna.

"Bitawan mo sabi ako." Malapit nang mainis na sabi nya kay Jared pero nagbingi-bingihan ito kaya naman....

"Aray!!" Angil ni Jared nang kutusan sya ni Donna na mabilis namang lumayo.

"Yayakap ka sakin eh pawisan ka!!! Oh!!!!" Sinigawan, inabutan din naman ng panyo.

Loka-loka talaga.

Kinuha naman ni Jared ang ibinigay ni Donna at agad lumapit sakin.

"Yayain mo na ngang umuwi." Bulong nya. Tumingin ako kay Donna bago kay Royl. Sinenyasan nya akong tumanggi.

"Maya-maya nalang siguro. Nagluto si Royl ng merienda eh." Sabi ko kaya sinimangutan nya ako.

Bakit atat syang umuwi?! Kararating nya lang.

"Sa loob na tayo." Pagyayaya ni Royl at sinundan na namin sya pero bigla akong napatigil at mabilis na lumingon sa kalsada.

Nakapasok na sila sa loob ng bahay at naiwan ako sa labas na para bang napako ako sa kinatatayuan ko.

May kung ano lang sa isip ko na nanunukso saking mag-stay ako dito. Napabuntong hininga nalang ako at napailing-iling. Kinamumuhian ko ang sarili ko kapag nagkakaganto ako. Nakapayuko ako nang mapagtanto kong wala naman akong dapat tignan. Hindi dapat ako umasa.

Pumasok na ako sa bahay at agad pumunta sa dining. Nadatnan ko silang abala. Si Royl ang naghahain ng pagkain at pinagsisilbihan sina Donna at Jared. Lumapit ako kay Royl at kinulbit sya, pasimple ko namang itinuro yung dalawa sa kanya.

"Anong nangyari sa mga yan?!" Tanong ko with matching kunot-noo pa. Malokong ngumiti si Royl.

Sarkastiko pala.

"Ano sa tingin mo?!"

Ibinalik ko ang tingin ko kina Don at Jared. Mukhang hindi nila pinapansin ang isa't isa. Si Jared may ginagawang kung ano sa phone nya. Si Donna naman nakatingin lang sa kawalan.

"Malay ko sa kanila."

"Nagugutom na yata." Inirapan ko lang si Royl tapos iniwan ko na sya para tabihan si Donna. Sinipa ko naman ang binti ni Jared dahilan para sakin sya napatingin. Mabilis ko syang tinaasan ng kilay. At ang loko iniwasan ako.

Aba?!!

"Hihintayin ko nalang kayo sa labas. Ayokong kumain. Isa pa, baka dumating na si Grey eh." Agad syang tumayo at umalis na.

Eh?! Tama ba yung narinig ko?!

"Royl!! Nagugutom na ako." Reklamo ni Donna. Wala sya sa wisyo. Dahan-dahan akong tumayo at sinundan si Jared sa labas. May kausap sya sa phone. Lumapit ako at tinabihan sya.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon