CHAPTER 28

50 2 2
                                    

Heily's POV

Hindi ako makakilos. Nakatingin parin sakin si Grey. Hindi ko lang napansin na nakababad pala sya sa pool. Akala ko tuloy umahon na sya.

"Hindi ka naman sexy." Nakaramdam ako ng pagkahiya. Bigla syang umahon at naglakad palapit kina Royl. Nakikain rin sya ng barbecue. Tumingin sakin si Shei kaya sinenyasan ko syang lumapit.

"Why??" She mouthed and I just rolled my eyes.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang palapit na sakin si Shei kaya mas minabuti ko nang sulitin na ang paglangoy-langoy ko sa pool.

"Oh Heily... eat first. Let's go, I'm still starving."

"Stay here with me." Dahan-dahan syang lumusong. Nagtaka naman ako sa biglang pagngiti nya.

"Grey can't get off of his eyes on you." Mapanukso nyang sabi kaya tinalamsikan ko sya ng tubig.

"Shut up." Tinawanan lang ako ng loka at nakuha nya pang paluin ang pwetan ko.

"I saw you." Kiniliti nya rin ang tagiliran ko.

"Ano na naman?!" Iritado kong tanong at pilit syang itinutulak palayo dahil sa likot ng kamay nya. Baka iba pa ang mahawakan ng babaeng 'to eh.

"You're blushing, Girl." Tinalamsikan nya rin ako ng tubig sa mukha ko. Umakbay sya sakin sabay bulong...

"Don't mind him 'cause you're so... so... so hot, although you're skinny."

"I don't really care." Mahinang sabi ko naman. Sabay naming tinanaw si Grey. Umiwas ito ng tingin samin kahit huli na sya sa akto.

"Is he avoiding you??" Nagkatinginan kaming dalawa.

"I guess---Shei!!!" Bigla syang lumubog sa ilalim.

Oh my gosh?!!

"Shei." Kalmado ko namang pagtawag sa kanya nang si Royl ang biglang sumulpot sa lugar kung saan lumubog pailalim si Shei.

"What the hell Royl?! Where's Shei?!!" Galit kong sigaw sabay kutos sa kanya. Napahawak sya sa ulo nya, ramdam ko rin ang sakit ng ginawa kong yun.

"I'm here." Napalingon agad ako sa likuran ko. Inaalog-alog ni Shei ang ulo nya na para bang napasukan ng tubig ang tainga nya. Inis syang tumingin kay Royl.

"Why did you do that?!" Tanong ni Shei kay Royl. Bigla silang nag-iwasan.

"I just want to kiss you. Yung hindi makikita ni Heily kaya hinila nalang kita pailalim." Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi ni Royl.

"Hindi ko akalaing ganyan klaseng boyfriend ka Royl." Sabi ko sabay tingin kay Shei. Sobrang pula ng mukha nya.

"Okay ka lang?!" Hinawakan ko sya sa balikat nya at nagkunwari akong napaso. Nagulat ako sa pag-irap nya sakin.

"Dun ka na nga Royl!! May pinag-uusapan kami ni Heily eh! Papansin ka masyado. Mamaya ka na umepal."

"Hala." Bulong ko.

"Okay... mamaya na natin ituloy." Nakangising sabi ni Royl. Lumayo sya samin at nagpalangoy-langoy. Maya-maya pa, sumunod na rin sina Donna, Jared, at John at sabay-sabay na tumalon sa pool. Swimming party na naman.

"Oy Heily."

"Oh?!" Pagsagot ko naman kay Shei habang nakatingin ako kina Donna at Jared.

"Nasubukan mo na bang kausapin si Grey??" Umiling-iling lang ako.

"Hayaan na muna natin sya. Wag nalang muna nating pag-usapan. Sa ngayon, tignan mo." Itinuro ko naman sa kanya sina Don at Jared. Nasa sulok lang sila ng pool na parang hindi magkakilala.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon