CHAPTER 34

36 3 0
                                    

(Continuation...)




Donna's POV

Lumapit sya sakin nang mapatingin kami sa isa't isa.

"Ito oh." Ibinigay nya sakin ang with wings na sanitary napkin.

Peste sya.

Akala ko ibinalik nya na. Kinuha lang pala yung with wings. Napakawalang hiya talaga.

Buong oras ng pamimili ay hindi ko sya pinansin. Nakakainis. Nag-text rin sakin si Heily na puntahan ko daw sya.

Kamusta naman?? Pagabi na kaya!!

Tinignan ko ang screen ng phone ko. Nagawa pang tumawag kaya wala na akong nagawa kundi ang sagutin ang tawag nya. Nakatingin lang sakin si Jared.

"Oh?!"

"Hello?! Nakauwi na ba kayo?!"

"Ah hindi pa, pauwi palang, bakit ba??" Flat kong tanong.

"Kauuwi lang nila Mama't Papa. Dumating silang may kasamang lalaki kaso lang hindi ko nakita kung sino. Nasa kwarto ako kasi hindi ako pinapalabas ni Papa."

"Eh ano ngayon?!" Natagalan sya sa pagsagot.

"Heily." Pagtawag ko pa sa kanya.

"Don, mukhang seryoso yung pag-uusapan nila. Nakakatakot si Papa kanina nung sinabi nyang wag akong umalis sa kwarto ko."

"Heily, sundin mo nalang si Papa at mag-stay sa kwarto mo."

"Pero Donna!! Naririnig ko sila!! Para na silang nagsisigawan sa baba!!" Ramdam ko na ang pagpapanic ni Heily. Nagkatinginan kami ni Jared.

"Papunta na kami." Agad kong sabi.

***
Si Mama ang nagbukas ng pinto para samin. Agad syang nagtaka sa pagdating namin.

"Tumawag po sakin si Heily." Sabi ko at tiningala ang direksyon ng kwarto nito sa second floor.

"Tuloy kayo. Puntahan nyo na sya sa taas lakad na." Halos ipagtulakan nya naman kami ni Jared paakyat nang makita ko ang lalaking sinasabi ni Heily.

"Magandang gabi po." Bati ko dito kaya natigilan sina Mama't Papa. Tumayo ang lalaki sa pagkakaupo nito at lumapit sakin.

"At sino naman ang kayo?!" Napataas ang kilay ko sa sinabi nya.

"Matalik na kaibigan sya ng anak naming si Heily. Parang anak na din namin sya ni George." Sagot ni Mama kaya sumabat na ako at pilit inabot ang kamay ng lalaki.

"Nice to meet you po Sir. Ako po si Donna Vega." Hinila ko naman si Jared palapit sakin.

"Ito naman po si Jared Villarreal. Fiancé ko po." Pagpapakilala ko. Tinignan nya lang kami sabay lingon kay Papa.

"Mga magulang mo ba sina Dana at Mike?!" Napatingin ako kay Papa at Mama dahil sa gulat ko. Kung ganun kilala nya rin ang magulang ko. Bumaling ang lalaki kay Jared.

"Ikaw naman ang anak nina Selena at Manuel, tama ba?!" Bigla nya kaming niyakap na lalo kong ikinagulat.

"Ako nga pala si Gregory Darwin. Tawagan nyo nalang akong Tito Greg." Sabi nya nang bitawan nya kami. Sandali syang tumingin kay Papa bago bumaling ulit samin ni Jared.

"Bakit ayaw nilang ilabas si Heily?!" Bulong ni Tito Greg. Nagkatinginan tuloy kami ni Jared.

"Lakad na Donna, puntahan nyo na si Heily." Utos samin ni Papa. Tama si Heily, masyado ngang creepy ang aura ni Papa ngayon.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon