CHAPTER 68

27 2 0
                                    

Aila Fuente's POV


"Where are we, Dad?" Bungad kong tanong pero hindi sya sumagot, sa halip ay tinignan nya ang hawak kong phone.

"Who's that?"

"Nag-text po sakin si Kuya Grey, niyaya nya ako sa shop nina Papa George." Nasabi ko nalang sabay tanaw sa labas mula dito sa loob ng kotse. Nakatulog ako buong byahe kaya hindi ko namalayan kung saan kami naroroon. Isa pa, cellphone ko agad ang inatupag ko.

"Where are we?" Ulit ko pero katulad lang kanina, hindi sya umimik. Sinenyasan nyang lumabas ng kotse  ang driver para pagbuksan kami ng pinto. Mabilis naman akong bumaba.

Seryoso, ano ngang lugar 'to?!

"What's on your mind?!" Sinalubong ko ang tingin sakin ni Daddy. May ngiti sa labi nya na hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman nya.

"Where are we?" Nagdadalawang isip ko pang tanong ulit. Yun lang naman talaga ang nasa isip ko. Bahagya naman syang napatawa.

"You'll see." Sabi nya habang nakatanaw sa kung saan, tinignan ko rin ang gawi ng lugar na yun. Halos manghina ang mga tuhod ko nang makita ang magandang dalampasigan sa hindi kalayuan.

Okay?! Yeah?!

"Dad naman eh! Dapat nakapagdala ako ng swimsuit!" Kunwari pa akong nagpapadyak sa pagtatampo.

"We're not here for that." Marahan nyang pinisil ang pisngi ko. Mabuti nalang good mood sya.

"Whatever Dad, so where are we?"

Patay ako kay Donna, hindi ako nakapunta sa school nya.

"Nakakaraming beses ka na sa pagtatanong nyan."

"Eh hindi ka naman po kasi sumasagot." Naka-pout kong sabi. Lumampas naman ang tingin ko kay Dad nang matanaw ang papalapit samin. Awtomatikong napalingon si Dad, sinalubong nya ang mga ito kaya sumunod ako at pasimpleng sumilip, kumunot ang noo ko sa kanila.

Eh?! Sina Mama Myra at Papa George?! Pati si Tito Randy at Mommy, nandito?!

"It's been a while." Halos lahat sila ay nakikitaan ko ng kasiyahan sa mukha. Nagbabatian lang sila at nagkukumustahan. Nagkaroon ako ng pagkakataon na tignan sila, isa-isa.

Ang battalion ni Daddy. Sila-sila siguro yung laging magkakasama noong mga kabataan pa nila. Ang gaganda at ang gugwapo naman nila!

"Sya na ba?!" Tanong ng isang lalaki saka tinignan sina Mom at Dad.

"Ah yes, she's our Daughter, Aila." Pagkasabi ni Dad nun ay buong puso akong ngumiti na mabilis namang humawa sa mga labi nila.

"Good afternoon po, nice meeting you po." Lumapit ako at isa-isa silang hinalikan sa pisngi. Kailangan kong maging bibong bata.

"Look at this girl, so pretty."

"Naku, naalala ko tuloy nung kabataan ko." Sabi ni Tita Selena. Napatawa naman kami.

"She's so sweet." Napatingin ako kay Dad na ganun nalang ang pagkakangiti. Syempre proud na proud sa papuri sakin, ang sweet.

"She's gorgeous... just like her Mother." Sabi ni Papa George.

"Naku hindi naman." Napapahiyang sabi tuloy ni Mommy. Sabay-sabay nila akong tinignan.

"Kilala mo na kami diba?" Tanong ni Papa George at hinawakan ang kamay ni Mama Myra na nakakapit sa braso nya.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon