CHAPTER 12

53 3 0
                                    

Donna's POV

Nagising ako sa paulit-ulit na pag-ring ng alarm clock. Iminulat ko ang mga mata ko at agad na bumangon. Nag-inat pa muna ako kasabay ang paghikab.

(─_─) Inaantok pa ako.

Dumaretso ako sa closet at kumuha ng masusuot saka ako pumunta sa banyo at naligo. Pagkatapos naman ay nag-asikaso na ako para pumasok sa school.

"Hey Honey." Mabilis akong napatingin kay Tita Selena na nasa pintuan ng kwarto ko.

"Good morning po Tita." Masayang pagbati ko naman sa kanya.

"Good morning!!! Sumabay ka na saming magbreak fast."

"Ahh... sorry po, kailangan ko pong pumasok ng maaga."

"Sasabayan na kita." Biglang sumulpot si Jared at pumasok sa kwarto ko. Nakabihis na rin sya na para bang handa na syang pumasok sa school. Napailing naman si Tita.

"Maiwan ko na nga kayo. Ingat nalang sa pagpasok nyo. Kumain parin kayo ng almusal ahh?!" Sabi pa nito bago ako nginitian kaya ginantihan ko sya pabalik.

Tinignan ko naman si Jared nang makaalis ang Mom nya. Isinara nya ang pinto.

"Maaga kang pumapasok diba?? Bakit tinanghali ka yata ngayon??" Mabilis akong napatingin sa wall clock.

"Hindi na ako kakain ng noodles simula ngayon." Kinuha ko na yung bag ko bago tuluyang lumapit sa kanya.

"Kung ganun magbreak fast ka muna bago tayo umalis." Inagaw nya sakin ang bag ko.

"Ayoko. Wala akong gana." Kinuha ko naman yun pabalik sakin.

"Nahihiya ka bang sumabay kina Mom at Dad??" Agad nyang naagaw ulit ang bag ko.

"Bakit naman ako mahihiya??" Kunot noo kong tanong sabay akmang kukunin ang bag ko pero iniwas nya ito palayo.

"Bakit nga ba??" Tanong nya sabay sabit ng bag ko sa balikat nya.

"Ewan ko sayo. Siraulo mo!" Madiing sabi ko sa mismong pagmumukha nya.

"Edi halika na. Pumasok na tayo." Binuksan nya ulit yung pinto at nauna naman akong lumabas ng kwarto ko.

(─_─) Nakakabwiset sya. Simula nang tumira ako dito ganyan na sya. Kakulit.

Nagpaalam na ako kina Tita at Tito kaya naman lumabas na ako ng bahay nila. Napag-isipan ko nalang na maglakad papuntang school.

"Yo Donna!!!" Sigaw ni Jared sakin pero hindi ko sya nilingon dahil alam kong nakasunod lang naman sya.

"Hoy!!!" Tawag nya ulit.

(─_─) Lagi naka-hoy!!!

"Hindi ka ba sasakay??" Tanong nya nang makahabol sya sakin at sinabayan ako sa paglalakad.

"Hindi ba obvious??"

"Tinatanong kita nang maayos."

"Sinagot kita nang maayos." Nagkatinginan kami at halatang naiinis sya sa isinagot ko.

"Mababaliw ako sa ginagawa mo." Problemadong sabi nya kaya natawa ako.

"Matagal ka nang baliw." Sabi ko sa kanya at binigyan nya lang ako ng sarkastikong ngiti sabay nag-poker face pa sya.

(^_^) Mabilis din naman palang mapikon ehh.

"Oh!!" Napatingin ako sa ibinibigay nyang sandwich at kinuha ko nalang yun.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon