CHAPTER 76

21 1 0
                                    

Aila's POV

Time check... 8:44 pm.

Ngiting-ngiti si Heily nang lapitan nya ako. Bago sya maupo sa kama ko, sinilip ko ang kinaroonan nya. Hinintay ko pa kung papasok din si Kuya sa kwartong ito pero umasa lang ako. Alam ko namang umalis na naman sya para puntahan si Tita Emily.

"Siguro naman pwede na tayong mag-usap?!"

"Ano namang pag-uusapan natin?"

Isara mo muna yung pinto! Bukas na bukas eh!

"Alam mo na yun, yung tungkol kay John." Nilabanan ko ang tingin sakin ni Heily. Iniisip ko kung alam nya na ang kwento namin ni John, malakas ang kutob kong napag-uusapan nila yun. Imposibleng hindi dahil malapit na sila sa isa't isa, close na close na sila kaya siguradong gusto nyang maliwanagan ngayon.

"Tungkol pala dyan. Ano bang sinabi nya sayo?"

"Basta handa akong makinig, Aila. Malay mo baka matulungan ko kayo."

Hindi naman yun ang tanong ko eh. Ano bang ibig mong sabihin sa matulungan?

Yumuko ako at pinagmasdan ang kamay ko na nakapatong sa hita ko. Hindi ito mapakali, hindi ako makapaniwalang ngumiti at napailing-iling nalang.

"Ano munang sinabi sayo ni John?" Ulit ko. Lumunok ako kasabay ang pagkuyom ng kamay ko. Lakas-loob ko ulit tinignan si Heily.

"Gusto kong malaman." Sabi ko pa. Ilang segundo muna ang pinalipas nya bago sya magsalita.

"Well..." Tipid syang ngumiti kahit alam kong nahihirapan sya kung paano sisimulan ang pagkukwento. Naigala nya ang paningin sa buong kwarto.

"Sinabi nya bang... nagkamali sya sa nagawa nya?" Hindi na ako nakapaghintay kaya naitanong ko yun. Mabilis naman syang tumango, kahit wala sakin ang paningin nya, nakikita ko sa mga mata nyang handa na syang malaman ang lahat. Maski ako pala, hindi ko alam kung paano sisimulan ang pag-uusap na ito. Lalo na't tungkol samin ni John.

"Aila... sa tingin ko gusto nyang bumalik kayo sa dati."

Ano ba kami dati?

"Masaya na ba sya?" Wala sa sarili kong tanong, pero nakatuon parin ako kay Heily. Pakiramdam ko, hanggang ngayon hindi parin ako makawala sa nangyari.

Hanggang ngayon ang hirap. Hindi parin kami nakakapag-usap ng matino.

"Sino bang dapat kong sisihin? Kasalanan ko bang nagkaganto kami nina John at Andrew?"

Hindi ko na alam ang iisipin ko. Malakas ang feeling ko na kasalanan ko.

"Siguro marami kang katanungan. Hindi ko naman alam ang isasagot ko sayo, gusto kong malaman ang lahat, para naman mapagaan ko ang loob mo. Kung pwede, magbibigay rin ako ng opinyon ko. Gusto ko lang magkaayos na kayo ni John." Sabi nya at dahil dun, nagkatinginan kami at alanganin ang ngiting naibigay ko sa kanya.

"Kung ganun... kailangan mo syang paniwalaan. Anong masasabi mo?"

Kahit hindi ko alam ang pinagsasabi ni John sayo... alam kong yun siguro ang tama.

"Ibig mo bang sabihin... totoo ang lahat ng ikinwento sakin ni John?" Tumango ako ng isang beses.

Hindi ko talaga alam Heily.

"Hindi naman siguro sya gagawa ng kwento." Nasabi ko pa dahilan para biglang kumunot ang noo nya.

"Eh naniwala ka naman ba nung siniraan nya si Andrew?" Hindi ako nakasagot kaya nagkatinginan kaming dalawa. Batid kong naghihintay syang makarinig ng salita mula sakin.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon