CHAPTER 55

29 2 1
                                    

Grey's POV



"Gusto kita. Gustong-gusto kita Grey."

Paulit-ulit na naririnig ng isip ko. Hindi ako makapaniwalang nasabi nya. Alam ko na. Napatunayan ko na.

"T-totoo?"

"Oo." Tumatango-tango nya pang sabi.

"Talaga?!" Hindi sya sumagot. Sobra na ang pamumula nya.

Hinawakan nya ang kwelyo ko at hinala palapit sa kanya, naramdaman ko ang halik nya. Humigpit ang pagkapit nya kaya naman hinapit ko ang bewang nya para mas mapalapit pa sya sakin. Yumakap sya sa leeg ko at hinayaan na halikan ko sya.

At last.

Hindi ko alam kung marunong sya humalik, pero sinasabayan nya ako. Hindi sya nagpapatalo at sinusuklian ang bawat halik na ginagawa ko. Dumiin at lumalalim pa ang paghahalikan namin habang tumatagal. Halos maubusan na kami ng hininga pero walang gustong tumigil saming dalawa.

"How sweet?!" Marahang humiwalay sakin si Heily at sabay naming tinignan ang lalaking panira sa ginagawa namin.

"Tito Greg?!" Halos mapatakip pa ng bibig si Heily sa pagkagulat.

Anak ng... Good timing ka rin eh, Dad.

"Tignan mo nga naman, it's been a while, Miss Heily Garcia." Dahan-dahang tumingin sakin si Heily.

"Good evening po." Bahagya pang napa-tungo si Heily. Nakita ko naman sa mukha nya ang pagkahiya kay Dad.

"Sorry kung bad timing ako para sa inyong dalawa."

"Ah naku hindi naman po." Napapahiyang sabi ng Bubwit habang naiilang na napipilitang tatawa-tawa. Nakatingin at nakangiti lang naman sa kanya si Dad.

"Hindi mo naman sakin sinabing Girlfriend mo na si Heily, Grey." Sakin nailipat ni Dad ang tingin nya.

"Hindi ko pa naman sya Girlfriend, ang balak ko... liligawan ko na sya." Tinignan ko si Heily pero paiwas-iwas sya samin.

"Hindi pa pala kayo, ang lakas ng loob nyong maghalikan."

"Nadala lang po ako, si Heily naman talaga yung nauna eh."

"Bwiset ka!" Madiin na pagpabulong ni Heily, sinadya nyang ako lang ang makarinig.

"Umalis nga kayo sa daraanan ko, bibisitahin ko si Emily." Hinila ko si Heily papunta sa bandang likuran ko para bigyang daan si Dad na makalapit kay Mom.

"Ang ganda naman ng spot nyo para sa paghahalikan."

"Sorry po Tito." Sabi ni Heily dahilan para tignan ulit sya nito.

"Malayo palang natatanaw ko na kayo. Nakita ko yung ginawa mo Ija. Kung hindi ko lang kayo kakilala, hindi ko kayo guguluhin, ang sarap nyong panoorin eh."

"Of course. She's a good kisser."

"Manahimik ka na nga!" Napapatawa ako sa sobrang pamumula ng mukha ni Heily.

"Totoo naman kasi eh." Napatawa lang si Dad kaya alam kong sobra na ang kahihiyan ni Heily.














***
Nang makauwi ulit kami sa bahay, hindi ako kinikibo ni Heily. Nakaalis na rin si Dad, hindi naman sya nagpupunta dito sa bahay ko.

"Kamusta?" Tanong ni Aila kaya naman mabilis ko syang niyakap.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon