CHAPTER 33

41 2 0
                                    


Donna's POV

Napasandal nalang ako sa door frame habang inis na nakatingin sa screen ng phone ko. Hindi sinasagot ni Heily ang mga tawag ko. Tinignan ko naman si Jared na abala sa pagtulong kay Mama sa order naming pagkain.

"Hoy Yo!! Halika nga dito." Napakamot pa sya sa ulo nya nang lumapit sakin.

"Bakit?!"

"Iiwanan na kita dito ah?! Akin na yung pagkain namin. Tumulong ka muna kay Mama."

"Sige. Pumunta ka na dun ihahatid ko nalang yung order nyo." Mabuti nalang at pumayag agad. Akala ko aangal pa. Pinuntahan ko sina Royl at Grey sa table namin. Wala si Shei dahil tumutulong naman sya kay Papa.

"Oy ano yan?!" Tanong ko nang maabutan ko silang dalawang walang kibuan. Umupo ako sa tapat ni Royl.

"Bakit?!" Tanong nya sakin.

"Anong bakit ka dyan?! Bakit ganyan ang mga itsura nyo?!" Nagkatinginan sila. Paniguradong may kinalaman kay Heily kung bakit nagkakaganyan sila. Paulit-ulit ko namang tinapik yung table.

"Oy, bakit ang tahimik nyong dalawa?! Nabo-bored na ako, magkwentuhan kayo, makikinig lang ako." Agad na napatingin sakin si Grey.

"Kailan ka pa dumaldal?! Ang tipid mong magsalita dati ah??"

Hindi kaya.

"Whatever." Sabi ko sabay tanaw kay Shei. Nakikipag-usap sya kay Papa. Maya-maya pa ay lumapit na sya samin at umupo sa tabi ni Royl.

"Naka-order na ba kayo?? Kukunin ko na." Pagpiprisinta nya at akmang tatayo nang dumating si Jared dala ang pagkain namin.

"Here. Enjoy muna kayo." Inilapag nya sa table ang tray. Tinignan nya ako bago sya umalis ulit.

"Saan pa sya pupunta??" Takang tanong ni Shei.

"Tutulong kay Mama." Simpleng sagot ko. Napansin ko namang pabawas na nang pabawas ang mga customer. Napakunot-noo tuloy ako.

"Ano?! Uuwi na sina Papa at Mama eh. Maaga daw silang uuwi kasi may bisita sila. Sabi ko ako nalang ang magsasara ng shop." Sabay-sabay kaming napatingin kay Jared. Bumalik sya kasabay si Mama.

"Kailangan na daw umuwi ni Mama't Papa." Sabi nya. Parang ngayon ko lang narinig na tinawag nyang Mama at Papa ang mga ito.

"Okay lang bang maiwan kayo dito?! Nasa loob pa naman ang ibang staffs kaya okay lang kung matatagalan pa kayo." Nakangiting sabi ni Mama.

"Salamat po Tita." Sabi naman ni Grey. Umupo sa tabi ko si Jared.

"Sya nga po pala Mama... hinihintay na po kayo ni Papa sa labas." Sabi ni Shei kaya napatayo si Royl.

"Hatid ko lang si Mama sa labas. Mauna na kayong kumain."

"Sige aalis na ako. Umuwi rin kayo ng maaga pagkatapos nyo dito ahh?!"

"Opo Ma." Sabay-sabay pa naming sagot at tuluyan na silang umalis. Inalalayan sya ni Royl.

***
Sarado na ang buong shop. Nakauwi na rin ang mga nagtatrabaho dito at tanging kami-kami nalang ang naiwan.

Halos magdadalawang oras na rin kaming tambay. Pagkatapos naming kumain ay nagkwentuhan lang sila ng kung ano-ano. Hindi ako intresado sa pag-uusap nila tungkol sa bansang napuntahan na nila. Halatang hindi rin nakikialam si Shei sa topic ng tatlong lalaking kasama namin. Tumingin sakin si Jared.

"Kapag ikinasal na tayo. Dadalhin kita sa kahit saang bansa." Napangiwi nalang ako sa kanya.

"Pupunta tayo sa Korea, sa Japan, sa America, sa France... sa lahat ng bansa. Lilibutin natin ang buong mundo. Sasakay tayo sa eroplanong magdadala satin sa masasayang lugar. Yung tayong dalawa lang." Sabi nya pa at halatang excited. Mukhang nag-eenjoy sya sa topic nila.

"Isama nyo naman kami." Pagbibiro pa ni Grey.

"Bawal, kaming dalawa nga lang ni Donna." Nakangiting tumitig sakin si Jared kaya napilitan din akong ngumiti. Biglang napatawa si Royl kaya napunta sa kanya ang atensyon namin.

"Hindi yata mangyayari yan. Takot ang isang yan sumakay sa eroplano eh, kaya nga hindi sumama yan sa magulang nya." Nagulat naman ako sa sinabi nya. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Hindi kaya. Sinungaling ka." Mabilis kong pagtutol.

"Talaga?! Eh bakit hindi ka sumasama kina Tito Mike at Tita Dana kapag magbabakasyon sila sa ibang bansa?! Diba lagi kang nasa bahay nila Heily tuwing aalis ang parents mo?! Kasi nga hindi ka makasama sa takot mong sumakay sa eroplano." Sandaling natahimik ang lahat matapos ang sinabi ni Royl.

"Tama ako diba?! Sabi ko na nga ba eh. Sayang maraming bansa ka na sanang napuntahan. Mukhang hindi matutupad ni Jared ang pangarap nyang makasama ka sa flight to forever." Tinignan ko agad si Jared. Nakatingin lang sya kay Royl.

Magsasalita na sana ako nang biglang tumayo si Shei at hinila rin patayo si Royl.

"Siguro mas mabuti pa kung umuwi nalang kayo, Royl. Magpapahinga ka na rin kasi alam kong pagod na tayong lahat kaya... bukas nalang ulit."

"Halika na Donna." Pagyaya sakin ni Jared. Tinapik nya sa balikat sina Grey at Royl. Nagbeso sila ni Shei.

"Sabay na ako sayo." Sabi ni Grey at nauna na silang lumabas ni Jared. Humarap naman ako nang maayos kina Shei at Royl.

"Mauna na kami. Kita nalang tayo bukas. Bye." Nagbeso din ako sa kanilang dalawa.

"Sorry, hindi ko dapat sinabi yun kanina. Mukhang hindi nagustuhan ni Jared ang sinabi ko."

"Baliw ka kasi eh." Sabi ko kay Royl sabay baling kay Shei.

"Bye bye na."

***
Napaayos ako at tinanaw ko ang labas, halos pagabi na rin. Nagulat ako nang ihinto ni Jared ang kotse sa isang mini market.

"Mag-shopping muna tayo. Wala pa tayong stocks sa bahay." Agad syang bumaba. Tinanggal ko naman ang seat belt ko nang pagbuksan nya ako ng pinto. Bumaba ako at sumunod sa kanya.

Pagkapasok namain sa loob... marami pang customers. Nagtaka ako nang kumuha si Jared ng push cart.

"Marami ka bang bibilhin?!"

"Hoy! Kaya nga shopping eh." Inirapan ko naman sya.

"Oo na oo na." Sinundan ko lang sya. Sinisipat nya kung ano ba ang kukunin nya. Mukhang nag-iisip pa sya nang bibilhin. Napatingin naman sya sakin.

"Anong tinatayo-tayo mo dyan?! Wala ka bang bibilhin??"

"Kung ako sayo para matapos na agad tayo. Kunin mo yung sa tingin mong kailangan natin. Tulad ng sabon, shampoo, toothpaste, toothbrush at kung ano-ano pang kailangan sa bahay. Gets mo??" Pagiging sarkastiko ko.

"Gusto mo rin bang ikuha kita ng sanitary napkin??" Flat nyang tanong. Kumuha sya ng dalawang magkaibang brand nito at ipinakita sakin.

"Alin sa dalawang 'to ang kukunin ko?? Hindi ko alam kung anong ginagamit mo."Nakarinig naman ako ng mahinang pagtawa. Tinignan ko yung mga babaeng malapit samin at agad naman silang umiwas ng tingin sakin.

Anong nakakatawa??

Ibinalik ko nalang ang tingin ko kay Jared. Sarkastiko akong ngumiti sa kanya sabay iling.

"Wala sa dalawang brand na yan ang ginagamit ko. Saka isa pa, with wings ang gusto ko." Walang ano-ano'y tinalikuran nya ako at ibinalik ang hawak nya.

"Ikaw nalang pala. Kumuha ka na rin ng kung anong magustuhan mo dyan." Bigla kaming nagkatinginang dalawa.














































(To be continued.....)

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon