CHAPTER 65

36 2 0
                                    

Donna's POV

Agad kong tinapunan ng tingin si Jared. Pasiring, halatang may halong inis. Para bang hindi sya natinag at halos abot tainga paring nakangiti.

"Mag-merienda tayo." Masaya nyang sabi.

"Hintayin nalang kaya natin sina Mom at Dad." Pagtataray kong sabi nang hindi sya nilulubayan ng tingin.

"Ah wala ka yata sa mood pumuntang dining eh. Dadalhin ko na lang dito yung pagkain, pwede naman yatang merienda in bed." Pabiro nyang sabi. Tinaasang kilay ko kaya napaupo sya sa sofa.

"Bakit ba ang kulit mo?!"

"Eh kakain lang naman kasi. Edi kumain nalang ulit tayo pagdating nila, isa pa sabay-sabay naman tayong magdi-dinner mamaya. Ikukuha na kita ah?!" Tumayo na sya at akmang aalis pero pinigilan ko sya.

"Oh sya! Sasama na ako sayo."

"Teka lang, baka nangangalay ka pa." Sabi nya, pakiramdam ko tuloy bigla akong namula. Pasiring ko naman syang tinignan.

"Ahh, I mean yung ginawa sayo ni Aila, diba nangalay ka kaninang umaga, baka hanggang ngayon kasi hindi mo pa kaya."

"Hi--hindi nakakatawa Jared." Inakbayan nya naman ako saka nag-peace sign.

"Ako nang bahala. Stay put ka nalang muna dito." Sabi nya sabay halik sa pisngi ko. Dali-daling nanakbo palabas ng kwarto.

Ang awkward ng feeling ko. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko dahil dama ko parin ang init na nararamdaman ko. Sa hindi malamang dahilan napangiti nalang ako.

Kung hindi lang talaga! Naku baka nagkasala na ako!

Napalingon ulit ako sa pinto nang bigla itong bumukas. Muntikan pa akong madisappoint nang makita ko si Heily. Tuluyan syang pumasok sabay ngiti.

"Oh? Bakit ka na naman nandito?" Nawala ang ngiti nya, napalitan ng gulat nang makita ang kabuuan ko.

"We-well... tumawag sakin si Tita Dana, gusto nya daw akong makita so sinabi kong ako nalang ang pupunta dito. Akala ko nakauwi na sila?" Tanong nya habang patingin-tingin sa suot ko.

"Mabuti nga natagalan pa sila... I mean---"

"Merienda time." Biglang pasok din naman ni Jared. Nagkatinginan kami ni Heily, padabog nya akong hirangan mula kay Jared kaya napaupo nalang ako sa sofa. Muntikan pa akong maatrasan ni Heily dahil sa paglapit ni Jared. Inilapag nito ang dala nyang tray sa coffee table, sinilip ko.

Ang dami namang pagkain nyan? Para akong bibitayin ah?

"Oh, umalis ka na, dali!" Parang inis pang sabi ni Heily. Tinignan ako ni Jared, nakakuha sya ng tyempong gawin yun pero kumilos si Heily para takpan nya ang mga mata ni Jared. Ipinagtulakan pa itong lumabas ng kwarto.

"Maiwan ko na kayo." Rining kong sabi ni Jared mula sa labas. Umalis na sya kaagad. Pagkatingin ko ulit sa pagkain, nakaramdam ako ng gutom. Matunog ang naging hakbang pabalik ni Heily.

"Bakit naman naka-bathrobe ka lang? Hindi ka pa kumukuha ng masusuot mo!"

"Okay na ba kayo ni Grey?" Pagwawalang kibo ko sa sinabi nya. Napanguso naman sya.

"Eh hindi ko pa naman sya nakakausap, nasa bakery kasi ako maghapon, actually kagagaling ko lang dun, dito na ako dumiretso. Mukhang okay na kayo ni Jared ah?"

"Hmmm." Tatango-tango ko pang sabi. Dahan-dahan ko syang tinignan at sakto naman nagsalubong ang tingin namin.

"Heily..."

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon