CHAPTER 46

36 3 0
                                    

Shei's POV


Naiwan tuloy kami ni Heily sa dining room. Matapos kasing dumating ang Dad ni Royl, dumiretso agad sila sa living area.

Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung anong dahilan ng pagpunta dito ng Dad ni Royl. Nagtataka rin ako kung anong pinag-uusapan nila sa mga oras na 'to.

Pagkatapos naming kumain, pati na rin ang pagliligpit ng pinagkainan, nanatili nalang kami sa dining area at naupo.

"Ah Heily, yung lalaking yun, sya ba ang adoptive father ni Royl?!" Paniniguro kong tanong.

"Uh, hmm. Hindi mo pa pala nakikilala ang adoptive parents nya?!"

"Well, hindi kasi kami natutuloy kapag binabalak naming pumunta sa kanila para makipagkita sa Mom at Dad nya eh."

"Siguradong matutuwa sila kapag ipinakilala ka na ni Royl. Mamaya, pagkatapos nilang mag-usap-usap baka maipakilala ka na nang pormal kay Tito Randy."

"Ehh... mukhang matatagalan pa yung mga yun sa pinag-uusapan nila."

"Heily." Sabay kaming tumingin kay Papa nang tawagin sya nito. May kasama syang lalaki kaya agad kaming umayos ng pagkakaupo.

"Bakit po, Pa?" Mabilis na tanong ni Heily.

"Ah wala naman. Bilisan nyo nang kumain." Sagot ni Papa, tapos naman ay humarap sya sakin.

"Ija, pasensya na, hindi kami nakasabay sa inyo para maghapunan."

"Hindi po, okay lang naman po Papa."

"Sya nga pala, ito ang driver ni Randy." Bahagyang tumungo sakin ang driver kaya napatungo din ako.

"Sya na ang maghahatid sayo pauwi."

"Po?!"

"May mahalaga kasi kaming pinag-uusapan nila Royl kaya hindi ka na nya maihahatid sa inyo."

"Pero po---" Napatigil ako nang may mabasag na kung anong bagay, mukhang galing yun sa living area. Nagkatingin-tinginan kami. Tatayo na sana si Heily nang pigilan sya ni Papa.

"Samahan mo na si Shei, ihatid mo sya hanggang sa garahe. May maghahatid na sa kanya." Sabi ni Papa at pinatayo si Heily. Nagmamadali pa syang umalis. Sandali pa kaming natahimik, tinignan ni Heily yung driver at sinenyasang umalis. Sumunod naman ito.

"Oy, halika na nga." Tumayo na rin ako. Sinundan ko sya hanggang sa makarating kami sa labas ng bahay.

"Ah Kuyang Driver, pakihanda na yung sasakyan. Kakausapin ko lang si Shei." Utos pa ni Heily sa driver. Bumaling ulit sya sakin.

"Heily---"

"Wait lang, alam ko namang nag-aalala ka, pero kailangan nating sundin ang sinabi ni Papa. Susubukan kong alamin kung ano ba talagang pinagkakaabalahan nila sa loob."

"Ito siguro yung dahilan kung bakit parang may iba kay Royl."

"Oo nga, mukhang masyado silang tensyonado. Ako nang bahala dito Shei, babalitaan nalang kita."

Pareho kaming napatingin sa kawalan. Bumalik na yung driver kaya sinamahan na ako ni Heily hanggang sa makasakay ako sa kotse.

"Ingat ka. Wag mo nalang masyadong isipin yung nangyari ngayon, hindi pa naman natin alam yung buong kwento kaya dapat think positive lang tayo." Nagpilit sya ng ngiti. Ngumiti nalang din ako kay Heily.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon