CHAPTER 41

41 2 0
                                    


Royl's POV

Hindi lang ako nagpapahalata pero parang kanina pa masamang nakatingin sakin si Grey. Kapag tinitignan ko naman sya, umiiwas kaagad sya sakin.

Abala kaming pareho sa pag-aayos ng mga gamit namin. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Mom pero hindi naman nito sinasagot. Sinubukan ko rin tawagan si Dad.

"Hello Ijo?!"

"Ah Dad. Mabuti nalang po sinagot nyo."

"Bakit ka napatawag?!"

"Ayos lang po ba si Mom? Hindi nya po sinasagot ang tawag ko."

"Ah, tungkol dyan..." Sandali pang natahimik sa kabilang linya. Tinignan ko ang phone ko kung naputol ba ang linya pero hindi naman.

"Oy!! Tulog na ba kayo?!" Sigaw ng kung sino sa labas ng kwarto. Tinignan ko si Grey. Nag-ibang bigla ang aura nya.

"Tatawagan nalang kita Royl." Napabuntong hininga ako nang bigla akong binabaan ng tawag ni Dad. Bumukas ang pinto at sumilip si Heily habang malapad na nakangiti. Nawala lang ito nang makita si Grey. Pumasok sya at tinignan ang buong kwarto. Napatangu-tango pa sya at tinignan ako.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Lumapit sya sa kama ko at naupo. Pasimple kong tinignan si Grey. Nagtataka ako kung bakit nya iniiwasan si Heily. Madalas, mali pala, palagi nyang iniinis si Heily tuwing nakikita nya ito o kaya naman nginingitian nya para mang-asar. Anong nangyari? Bumaling ako kay Heily at hinawakan sya sa braso nya.

"Halika na nga, matutulog na kami kaya bumalik ka na sa kwarto nyo."

"Ha?!"

"Halika na." Hinila ko na sya patayo pero nanlaban sya.

"Mamaya na." Seryoso ko syang tinignan. Hindi yata nakakahalata ang babaeng 'to.

"Bakit ba?! Sandali lang naman!" Kusa syang tumayo at inalis ang pagkakahawak ko sa braso nya.

"Makahila ka ahh!" Mahinang sabi nya sakin.

"Halika na nga kasi." Napatingin pa kami kay Grey nang mapadaan kami sa harapan nya. Hindi naman sya kumibo kay Heily kaya tuluyan na kaming lumabas sa kwarto.

"Gusto mo lang makita si Shei eh!!" Sabi nya kaya napaiwas nalang ako.

"Ikaw din naman, pumunta ka dun para makita si Grey."

"Nye! nye! nye! Ewan sayo!"

Problema ba nya?!

"Idedeny mo pa eh." Bigla syang napangiwi sa sinabi ko.

"Eww, para kang bakla!!" Bahagya pa syang natawa.

"Pero yung totoo, gusto mo syang makita diba?"

"Ha!? Hindi ahh!" Mahinang sabi nya. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad papunta sa kwarto nila.

"Bakit parang may nagbago sa inyong dalawa? Okay ba kayo?"

"Si Grey ba? Ay ewan ko sa Mokong na yun." Nakita ko naman ang pagkainis nya.

"Bakit hindi mo kasi subukang kausapin?!" Tinignan nya ako ng masama dahilan para mapabaling ako sa dinaraanan.

"Eh ano bang pakialam mo?! Kanina ka pa ahh ang kulit mo!"

"Mana lang ako sayo."

"Lakas naman ng loob mong sabihing nagmana ka sakin." Nanguna sya sa paglalakad papunta sa kwarto nila at hinaraang ako sa pagpasok dito.

"Hep, okay na ako dito. Bumalik ka na rin sa kwarto nyo."

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon