CHAPTER 71

21 1 0
                                    

Heily's POV



Titig na titig lang si Donna sa breakfast nya at pinaglalaruan ito. Kinatok ko ang lamesa dahilan para tignan nya ako.

"Problema mo 'Te? Ano bang iniisip mo? Wag mo ngang paglaruan yang pagkain."

"Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, inaantok pa ako."

"Kaiisip mo lang kasi kay Jared, oh teka... susunduin ka ba dito ng lalaking yun?" Tanong ko at nag-nod lang sya. Para syang walang kabuhay-buhay, bored na bored.

"Pumunta ka rin sa school mamaya ah? May practice na for graduation." Sabi nya at ipinangturo pa sakin ang hawak nyang tinidor.

"Katatapos lang ng exam, practice agad? Malay mo may ilang aattend nga ng practice, eh ang tanong makaka-graduate ba?"

"Loka-loka ka talaga Heily, wag mo ngang isipin yung ibang estudyante! Basta pumunta ka mamaya, kahit hindi ka na mag-practice. I-text mo rin si Aila, may kasalanan sakin yun, plakda ako sa kanya kahapon! Hindi ba naman sumipot!"

"Oo na, kumain ka na muna, nalilipasan ka na Sis." Inabutan ko pa sya ng gatas.

"Ay teka, wala pa ba sina Mama't Papa?"

"Hmm. Wala pa, bakit?"

"Eh wala lang, alam mo ba kung nasaan sila?"

"Hindi eh." Pagsisinungaling ko at pinilit ituon ang atensyon sa pagkain. Nahihirapan pa akong magbigay ng ngiti sa kanya.

"Wait, tatawagan ko lang si Mom. Feeling ko magkakasama talaga sila eh, alam mo yun... hindi na nakapaghintay na magkita-kita sa reunion." Sabi nya sabay kuha ng phone. Itinapat nya ito sa tainga nya at naghintay ng sasagot.

Ayaw talagang kumain. Bahala nga sya.

"Mauna na kayo sa school mamaya ah? Kita-kita nalang tayo sa rooftop." Sabi ko habang busy parin sya sa pag-contact kay Tita Dana. Tinanguhan nya lang ako.

"Tulog pa siguro." Sabi nya nang wala syang napala sa pagtawag nya. Naisipan nya na rin kumain sa wakas.

"Impakta ka talaga Heily, sunny side up nalang iluluto mo ang alat pa, mukha lang masarap kung titignan eh!"

"Ayan oh, bacon, yan nalang ang ulamin mo kung nag-iinarte ka. Pasensya na naparami lang ang paglagay ng asin!"

"Hmm, pero ang sarap ng fried rice ah! In fairness, pwede nang mag-asawa."

"Hahalu-haluin mo lang naman sa kawali yung kanin eh. Ikaw lang naman walang alam sa pagluluto!"

"Hoy! Nagbe-bake ako! Wag ka! Ang yabang mo dyan eh basic lang naman ang kaya mong lutuin!" Parang tonong bakla nyang sabi kaya napatawa ako.

Baker nga pala namin sa shop ang isang 'to.

"Dun ka lang naman magaling eh. Sa pagbe-bake." Biro ko at nag-smirk sya. Napailing-iling sakin. Tinigilan nya na naman ang pagkain at uminom ng gatas, saka ko lang napansin ang malinis nyang kamay.

"Oy oy babae, nasaan yung singsing mo?" Agad kong tanong at muntikan pa syang mabilaukan. Padabog nyang inilapag ang baso at agad syang napatingin sa kamay nya, dahan-dahan nya akong tinignan na parang gulat na gulat.

"Oh shoot!" Sabay kaming napatingin sa ibabaw ng mesa at agad naghanap. Itinaas ko ang plato ko, sumilip sya sa ilalim ng mesa. Napatayo kaming dalawa at patuloy na naghahanap sa kung saan-saang sulok ng dining area.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon