CHAPTER 44

32 3 0
                                    


A/N : Edited

Heily's POV

"Bye po, Pa." Isinara ko ang pinto ng kotse nang makababa na ako. Sumilip at kumaway pa sakin si Papa bago sya tuluyang umalis.

Pumasok na ako sa campus. Naisip ko na ring pumunta sa locker hall para kunin ang ilang kagamitan ko. Hindi ko naman napansin ang lalaking nanguna sa paglalakad ko at bigla akong hinarangan.

"Hello! Good morning, Heily."

"John!" Nabigla kong usal sabay lingon sa likuran ko sa pag-aakalang may kasama pa sya.

Nakakagulat sya eh!

"Ibang klase ka! Para kang kabute kung sumulpot ahh?!" Nasabi ko pa. Tinawanan nya lang ako.

Wala sa sarili ko rin syang tinignan mula ulo hanggang paa. Mukhang ang aliwalas nyang tignan ngayon.

Good mood?!

Sinabayan nya ako sa paglalakad papuntang locker.

"Nakita kitang bumaba sa kotse kaya nagmadali akong habulin ka." Sabi nya habang tuloy kami sa paglakad. Nagkatinginan kami.

"Bakit ka naman nagmadali para lang habulin ako? May kailangan ka ba?" Bigla syang umiwas.

Ano kayang meron?

"May kailangan ka ba?" Pag-uulit ko pa sa tanong ko.

"Well, nothing at all. I think kasi ngayon nalang ulit tayo makakapag-usap kahit sandali. Bakit, busy ka ba?"

"Hindi naman, kailangan mo ba ng kausap?" Pagtatanong ko ulit. Hindi naman sya sumagot kaya nilubayan ko sya ng tingin at nanatili sa daan ang atensyon ko. Naglakad nalang kami ng tahimik hanggang sa makarating kami sa locker hall. Inabala ko ang sarili ko sa pagkuha ng gamit ko, tutal naman wala nang imik si John.

Matapos kong kunin ang lahat ng kailangan kong gamit, hinarap ko na ulit si John na matiyagang naghintay.

"Tara na."

"Ahh sandali lang Heily." Panimula nya na naman na agad nagpatigil sakin.

Ano na naman kaya yun?

"Naisip ko ngang tama ka, siguro kailangan ko nga ng makakausap." Sabi nya at malokong ngumiti.

"Ay hanep! Late ka na kung makapag-react ahh? Saka ano yan? Ano yang nginingiti-ngiti mo dyan ah? Ano yan?"

"Wala! Naisip ko lang talaga na tama ka. So, pwede ba tayong mag-usap?"

"Hay naku John, ano pa bang tawag sa ginagawa natin? Hindi ba tayo nag-uusap sa lagay nating 'to?" Bigla syang tumawa.

Loko 'to ahh?!

"Alam mo, nakakatuwa ka talaga Heily. Halika na nga." Hinila nya na ako.

Sa ngayon, papunta na kaming canteen. Pinaplano nya sigurong mag-uusap kami habang may pagkain. Sa ganung paraan mag-eenjoy kami sa kwentuhan namin pero parang mali. Mawawala ang atensyon ko sa pag-uusapan namin kapag may distraction na pagkain sa harapan ko.

"Ay sandali nga lang." Agad akong kumawala sa pagkakahila nya sakin.

"Oh bakit?" Pagtataka nya tuloy.

"Hindi tayo pwedeng mag-usap sa canteen. Kaya kung ano yung gusto mong sabihin. Sabihin mo na, makikinig ako. Go." Bahagya syang natawa.

Lagi akong tinatawanan ng lokong 'to ahh?

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon