CHAPTER 20

64 3 1
                                    

Heily's POV

Araw ng linggo, pagkauwi namin galing sa simbahan... agad akong pumunta sa kwarto at humiga sa kama ko.

"Magpalit ka kaya muna ng damit! Hindi yung nakahilata ka agad dyan!!" Sabi ni Donna. Nakasunod na naman pala sya sakin. Hindi ko sya pinansin at tumitig lang ako sa kisame.

"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo??" Tanong nya. Napabuntong hininga nalang ako.

"Kakaiba kasi ang tumatakbo sa isip ni Royl eh." Sabay naman kaming napatingin sa isa't isa.

"Paano mo naman nasabi?? Alam kong may kinalaman sya kung bakit pumunta sa shop si Mr. Anthony dahil nasabi na sakin ni Shei. May alam ka rin ba sa mga plano ni Royl??" Bigla kaming naging seryoso. Naupo ako at niyakap ang unan.

"Aksidenteng narinig ko ang mga plano nya dun sa recording studio. Nalaman ko nalang na lagi pala silang nag-uusap ni Jared sa kwartong yun." Halatang nagulat sya. Tumango-tango ako sa kanya kaya mukhang seryoso na talaga sya.

"You mean... may kinalaman din si Jared sa ginawa ni Royl?!"

"I guess so." Napapikit naman sya at pagkamulat ng mga mata nya, agad nyang kinuha ang phone nya at maya-maya ay itinapat sa kanyang tainga.

"Hoy Baliw!! Nakauwi na ako sa bahay nina Heily. Puntahan mo ako dito. Tandaan mong hindi kita mahihintay ng matagal!!! May pag-uusapan pa tayong bwiset ka! Dali!!" Matapos nyang sabihin yun ay agad nya ring binabaan ang kausap nya sa phone na alam kong si Jared. Inis paring napabaling sakin si Donna.

"Anong pinag-usapan nila?? Ikaw Heily... sabihin mo sakin ang lahat ng nalalaman mo ahh!? Ayokong nagsisinungaling ka." Mabilis kong nasapo ang noo ko dahil sa sinabi nya.

"Kinausap ni Royl si Sir Anthony nang hindi natin nalalaman. Kasabwat nya si Jared. Nung malaman ko kung anong plano nya, sinubukan ko pa syang pigilan pero wala parin akong nagawa." Lumapit sya sakin at naupo sa tabi ko.

"Ano ba talaga yung eksaktong ginawa nila para hindi natin malamang nakausap ni Royl si Anthony Guevara?? Kailan naman nangyari yun??"

"Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nina Royl at Sir Anthony pero alam ko kung kailan sila nagkausap." Napatigil ako sandali nang maalala ko ang sinabi sakin ni Royl na wag kong ipaalam ang lahat kay Donna.

"Sige na. Ikwento mo sakin." Utos nya pa.

"Ganto kasi yun eh... that time hinatid lang ni Royl si Shei sa bus stop. Nalaman ko kay Jared na yun na pala ang oras na kakausapin na ni Royl ang Dad ni Shei... hiniram ko pa nga ang phone ni Mokong para subukang tawagan si Royl pero hindi na sya sumasagot kaya si Shei nalang ang tinawagan ko." Hinawakan nya naman ang braso ko nang may pagtataka.

"Magkasama silang dalawa nang mga oras na yun diba?? Paano nya nagawang kausapin si Sir Anthony??" Curious nya talagang tanong.

"Ito na yung ganap ni Jared, Don. Nakaabang sya sa hindi kalayuan sa bus stop. Matapos namang makasakay ni Shei sa bus, agad syang lumapit kay Royl sakay ng motorsiklo nya."

"I knew it! Ang lalaking yun talaga!! Naiisip pa nilang magtulungan ahh!?" Nang-gigigil na sabi nya at napatayo sya sa inis.

"Dahil dun naunahan nilang dalawa na makarating sa bahay nina Shei." Pagtutuloy ko dahilan para mapatingin ulit sya sakin.

"Nakipag-usap din si Jared??" Umiling ako sa tanong nya. Napataas naman sya ng kilay.

"Kung ganun hinatid nya lang si Royl?! Ibang klase." Hindi makapaniwalang sabi nya pa.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon