CHAPTER 15

51 2 0
                                    

Grey Fuente's POV

Habang hinihintay ko ang Bubwit na si Heily ay lumapit sakin sina Tita at Tito.

"Grey." Humarap naman ako ng maayos kay Tito George.

"Bakit po Tito??"

"May iba pa ba kayong gagawin ni Heily??" Halata ang pag-aalala sa mukha ni Tita Myra.

"May pag-uusapan lang po kami. Naiisip ko pong yayain syang lumabas. Ang totoo po kasi nyan... may gusto po akong malaman sa kanya. Syempre pati na rin po sa sarili ko." Sabay pang napangiti sakin ang mag-asawa.

"Mukhang naguguluhan ka sa bagay na yan ah? Si Heily ba ang makakasagot nyan??" Tanong ni Tita.

"Sa tingin ko po." Hinawakan ni Tito ang balikat ko at tumango-tumango sakin.

"Wag kayong masyadong magpagabi. Tumawag kayo samin kapag may nangyari."

"Ako pong bahala kay Heily, Tito."

"Oh sya halika na." Sabay-sabay pa kaming napatingin kay Heily na pababa sa hagdan.

"Sige na. Mag-iingat kayo ah??" Pagpapaalala naman nila kay Heily at humalik sya mga ito.

"Babalik po ako kaagad. Mapilit po kasi." Sabay baling sakin ni Heily at umirap.

Pinilit ko ba?? Ang sabi ko lang naman may date kami diba?? Pamimilit na ba yun??

"Ano?? Halika na." Nauna syang lumabas kaya agad akong humarap ulit kina Tita at Tito.

"Salamat po ulit."  Sabi ko sa kanila bago ko tuluyang sundan ang anak nila sa labas.

"Halika na. Bilisan na natin para maaga kang makauwi."

***
On the way na kami sa pupuntahan naming restaurant. Napatingin ako kay Heily pero agad kong naituon ulit ang atensyon sa daanan nang magtama ang tingin namin.

"Haish! Mag-focus ka nga sa pagmamaneho. Titingin pa kasi eh." Pagpaparinig nya. Hindi ako makapaniwala dahil sa sinabi nya.

"Hindi dahil sa maganda ka ngayon kaya tinignan kita."

"Bakit may sinabi ba akong ganyan?!" Inis na tanong nya kaya ngumiti ako nang siguradong maaasar talaga sya.

"Wala nga, pero baka kasi umasa ka lang kaya tinignan nalang kita." She glare at me then rolled her eyes.

"Kapal ng mukha mong Mokong ka. Manahimik ka nga dyan!!" Hindi na sya tumingin pa sakin.

"Hey!! Ang init naman kasi ng ulo mo eh." Mabilis syang bumaling sakin at idinuro ang mukha ko.

"Siguraduhin mo lang na dinner talaga ang dahilan kaya mo ako pinasama ah!?" Mabilis naman akong tumango.

"Kapag hindi lang talaga makikita mong hinahanap mo!!" Paulit-ulit nya pang idinuro ang pisngi ko gamit ang hintuturo nya.

"Don't worry, this night will be the best night."

"What the hell wrong with you?! Mokong!! Just shut up."

"K. Fine. Whatever."

Maya-maya ay nagkaroon ng traffic kaya tinignan ko ulit sya. Nilingon nya rin naman ako.

"Bakit ka nakatingin??"

"Baka ikaw dyan?!" Inirapan nya ako.

Mahilig mang-irap ang Bubwit kahit kailan.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon