CHAPTER 62

30 1 0
                                    

Grey's POV

Napakamot ako sa ulo ko, mas pinili ko nalang tignan si Heily kaysa sa tree house na nasa harapan namin. Kanina pa nangangalay ang leeg ko sa pagtingala sa mataas na puno. Napangiti ako, mas maganda talagang sya nalang ang pagmasdan ko.

"Kanina pa tayo dito wala naman tayong ginagawa, nakatitig ka lang sa tree house na yan." Hindi nya ako pinansin. Hindi nya parin maalis ang tingin dito.

"Heily..."

"Napapaisip lang naman ako, paano kung maiwan 'to dito. Halos hindi na rin nagagamit." Patungkol nya sa tree house.

"Loko yang tree house ah?! Pinoproblema mo pa tuloy yan, nag-aalala ako pero parang wala lang sayo." Dahil na rin sa sinabi ko, naging dahilan na yun para mapabaling sakin ang tingin nya.

"Bakit ba?"

"Eh ikaw kaya, pagkababa mo palang ng kotse kanina diretso ka na agad dito." Sabi ko. Maayos nya akong hinarap saka nag-crossed arm. Ginaya ko naman ang ginawa nya.

"Oh tapos?" Taas-kilay nyang tanong kaya napatayo ako nang maayos.

Inaabot na naman sya ng pagiging bubwit nya, yung peste.

"Wala lang. Kailangan ba laging may rason?" Umiwas na naman sya sakin, balik sa tree house ang tingin nya. Huminga syang malalim saka ipinatong ang braso nya sa balikat ko.

Akala mo namang abot nya. Pandak.

Tinignan ko syang mabuti. Parang nawala na ang pag-aalala nya, hindi katulad nung mga nakaraang araw na halos mabaliw na sya kaiisip.

Nakakapagtaka lang nung mabanggit na ni Aila ang Papa nya. Simula nun parang nagbago na yung mood nya. Mas nakakapalagay ng loob ngayon kung titignan ko sya.

"Heily, may nasabi ba si Aila? Yung parang secret word na ikaw lang ang nakaintindi? Bigla kasing nag-iba ang aura mo eh."

"Ewan, hindi ko alam. Siguro parang ganun na nga."

Ang tino.

"Edi... mabuti naman ba o hindi?" Tinignan nya ako ng masama. Napailing sya kasabay ang paglayo sakin.

"Kalimutan mo nalang. Okay na ako ngayon, nangongolekta na lang ako ng positive thoughts kaya medyo tahimik muna ako. Alam mo na, nakahinga ng maluwag eh diba?!" Tumangu-tango naman ako.

"Well maiba nalang tayo. Tingin mo bakit ibinigay ni Tito Greg samin yung titulo ng lupang kinatatayuan ng bakery namin?" Tanong nya, napatitig nalang tuloy ako kay Heily.

Tungkol parin namn dun ang topic eh.

"Sa sinabi kasi ni Aila, parang sinasabi nya na rin na may kinalaman si Papa. Sa tingin mo kung iisipin ko at iisa-isahin ko ang mga nangyari... matatahimik na kaya ako ng tuluyan?"

"Pero akala ko okay ka na? Sabi mo diba?"

"Yeah, pero last na talaga... so what do you think?"

"Bahala kung gusto mong pahirapan ang sarili mo."

"Tss." Sabi nya sabay irap.

"Napakahilig mo talagang makialam, hayaan mo na kasi sila. Pati kaming kinakausap mo sa mga ganyang bagay nasisiraan na ng ulo. Nakakahawang kabaliwan ang dulot mo." Itinuro-turo nya naman ako.

"Oy grabe ka makapag-react ah? Siguro may alam ka 'no? Hindi mo lang sinasabi sakin? Siguro pabor din sayo ang mangyayari kaya ka nagkakaganyan. Kayong lahat na pumipigil sakin na malaman ang totoo... may kanya-kanya kayong dahilan at plano."

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon