CHAPTER 48

27 3 4
                                    

(Continuation...)



Heily's POV

Pinagmamasdan ko lang ang screen ng phone ko. Tumatawag na si Donna. Tinignan ko si Manong driver na abala sa pagmamaneho nya.

"Manong, pwede po bang pakibilisan na po?"

"Eh malapit na po tayo Ma'am, sandali nalang po tayo."

"Sige po." Pagkasabi ko nun ay agad kong sinagot ang tawag ni Don.

"Hello Don---"

"Oh great Heily! Where the hell are you?!" Inis nyang pambubungad tanong. Rinig ko mula sa kabilang linya ang mga mabibigat nyang yabag. Mukhang pababa o paakyat sya sa hagdan.

Eto na, paano ko ba sasabihin?

"Uh, kasi sumakit ulit yung paa ko, nasa clinic ako ngayon." Pagsisinungaling ko. May klase kami kaya imposible namang mapuntahan nya ako dun. Bago pa mangyari yun, nakabalik na dapat ako sa school. Sana maniwala sya.

"Are you sure?!"

"Oo naman." Mabilis kong sagot. Sandali syang natahimik at wala na rin akong naririnig na ingay dahil sa paglalakad nya.

Please! please! please! Please lang maniwala ka!

"Nasa clinic ka talaga?" Paniniguro nya pa.

"Oo nga!" Pinilit kong maging makatotohanan yung sinabi ko para lang maniwala sya. Humigpit ang pagkakahawak ko sa phone.

Sige na maniwala ka! Dali na Don!

Narinig ko pa na parang may bumukas na pinto.

"Liar." Mahinang sabi nya.

"Oh Donna?! Good morning." Halos manghina naman ako nang marinig ko ang boses ng nurse na kaibigan ni Donna. Ibig sabihin nasa clinic sya.

"Napadaan lang ako." Pagkasabi nya nun ay nakarinig pa ako ng malakas na pagsara ng pinto.

"Where. Are. You?!" Mariin nyang tanong. Nakalimutan kong pag-aari nya ang school at kayang-kaya nya ang lahat ng kahit anong gustuhin nyang gawin sa lugar na yun.

Sad!

"Heily!" Parang nagbabanta ang tono ng boses nya.

"Wag mo na akong hanapin!"

"Isusumbong kita kina Mama't Papa. Napakalaki mong sinungaling! Naniniwala na sana ako sayo! Mabuti nalang malapit ako sa clinic! Kung saan-saan na kita hinanap! Nag-aalala na si Shei sayo!" Hindi ako nakapagsalita agad. Alam ko namang nag-aalala sila.

"Don."

"Ano?!" Inis nyang tanong. Huminga akong malalim para humugot ng lakas.

"Nasa bahay ako ni Royl."
















Donna's POV

Ibang klaseng babae.

Agad akong tumakbo pabalik sa classroom namin. Talagang tumakbo ako para lang sa pesteng si Heily. Wala na sigurong Prof, masyado nang maliligalig ang mga classrooms na nadaraanan ko. Pagkapasok ko naman sa loob ay agad din akong napatigil. Naabutan ko sina Shei at Royl.

"Enough!!" Malakas na sigaw ni Royl.

What's this?!

Pinagmasdan ko ang itsura ni Shei. Mabilis na kumunot ang noo ko.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon